DK- 04

89 4 0
                                    

Thursday 7:30 A.M.

Dear Diary,

Sorry ulit. Hehehe. Peace. Hindi kita nabuksan kahapon at nasulatan. Kasi naman eh, nagkaroon ng biglaang party sa bahay ng mga pinsan ko. Welcome party nila sa amin dito sa Manila. Hindi kami gano'n ka-close ng mga pinsan ko pero dahil sa iisang university lang kami ay mapapalapit na siguro kami. Alam mo kung bakit? Kasi pinababantayan ako nila mommy at daddy sa kanila. Hindi ko pa daw alam ang mga pasikut-sikot dito sa Manila. Di bale na daw ang ate ko dahil malaki na iyon. Ako ba hindi na malaki? Magkasing-height nga lang kami nun eh. -__-

At oo, kailangan ko talaga ng tulong nila dahil baka kung anong mangyari sa akin dito. Baka mabaliw ako kapag naligaw ako, ang laki pa naman ng university namin. Sayang nga at hindi ang ate ko ang kasama ko sa school. Magkaibang-magkaiba kasi kami ng schedule lalo na at third year nya na sa kolehiyo samantalang ako ay first year ko pa lang.

Mabuti na lang at kaklase ko yung isa kong pinsan. Lalaki nga lang, si Kuya Dusten. Sya ang pinagbilinan nina mommy na magbantay sa akin. Medyo kilala ko naman sya kasi bumibisita sila noon sa Cavite kapag may mga okasyon. Kaya lang medyo ilang pa ako dahil lalaki sya at hindi ako sanay doon.

Masasanay din ako dito sa Maynila. Good Morning :)

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon