Dear Kuya

30 3 0
                                        

Friday 5:39 A.M.

Dear Kuya,

Hehehe. Ang aga ko magising no? Late na nga din ako natulog eh. Hindi yata ako makatulog kakaisip sa’yo. Hinihintay ko na lang maluto yung cup noodles ko. Hindi naman kasi ako marunong maagluto kaya ito lang ang kakainin ko ngayon. Hehehe. Nakakahiya, nalaman mo pa na hindi ako marunong magluto. Ano bang type mo sa babae? Kasi ang typical na type ng mga lalaki ay yung maganda, matalino, mabait at magaling magluto. Bagsak yata ako. Hindi ako marunong magluto, mahina ako sa English pero may ibubuga naman ako sa Math, hindi ko alam kung maganda ba ako tsaka mabait eh. Kasi laging sinasabi ni mommy na maganda ako tapos si daddy mabait daw ako pero laging sumusingit si ate Cha na binobola lang daw nila ako kasi syempre anak nila ako.

Gising ka na kaya kuya? Anong oras ka kaya nagigising? Ano ang paborito mong kainin tuwing umaga? Haaaay, Kuya makikita kaya kita mamaya? Sana. Kaya lang parang ang cold mo sa akin kahapon, natatakot tuloy ako.

Hala! Luto na yung noodles, sige kakain lang ako kuya ah. Kain ka na din paggising mo.

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon