DK- 08

41 3 0
                                    

Monday 11:11 A.M.

Dear Kuya,

Boring. Boring. Boring. Monday na naman at wala na naman akong pasok. Nagpunta dito sa bahay ang mga pinsan ko. Mga kapatid ni Dusten na sina Danielle, Deseree at Dominique. Babae silang tatlo at nag-iisang lalaki lang si Dusten. HAHAHA. Buti hindi sya napapabilang sa pederasyon no. Panganay si Ate Dom sa kanila at graduate na sya sa kursong accountancy. Engaged na sya kay kuya Milo na first love nya. Totoo pala yung ‘First love never dies’ noh? Ikakasal na sila next year eh. At isa ako sa mga bride’s maid. Sino kayang magiging partner ko? Naeexcite tuloy ako. Sumunod si Ate Nielle sa kanya, graduating na sya this year sa kursong Clinical Psychology kaya lang ay hindi kami pareho ng university ng pinapasukan. Sa isang Med School kasi sya nag-aral. Si Ate Ree naman ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo kagaya ni Ate Cha, pero magkaiba sila ng Kurso. Education ang kinuha ni Ate na major in English kaya sa kanya ako nagpapaturo ng mga assignment ko na may kinalaman sa English. Hindi kasi kami magkasundo ng English. Mabuti pa ang math. Engineering ang course ni Ate Ree.

Nagpunta sila dito dahil wala akong kasama sa bahay. Nasa isang business trip si mommy at daddy for one week. Si Ate Cha naman ay may pasok tuwing Lunes kaya ako lang ang naiwan dito. Tumawag si mommy kanina at sinabing pinababantayan nila ako sa mga pinsan ko. Hindi na lang ako umimik dahil wala naman akong mapapala. Um-oo na lang ako.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang kumain at maglaro sa Xbox. Mukha kaming ewan habang sumasayaw. Hindi naman sa hindi ako marunong sumayaw pero hindi kasi ako sanay. Nakakainis nga dahil pinagtatawanan ako ni Dusten. Ang lalaking yun! Buwiset sya.

Teka, third year na sila ‘di ba? Kilala ka kaya nila kuya? Nagkita na kaya kayo? Ikaw ano kayang course mo? Kailan kaya tayo lubusan na mgakakakilala kuya? Sana malapit na. Sana…

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon