Thursday 11:01 P.M.
Dear Kuya,
Alam kong ang dami ko nang kinukwento sa’yo Kuya tapos puro wala pang kwentang bagay. Puro mga pagtatantrums ko sa pinsan kong ewan ang lagi kong sinasabi sayo, pero kasi gusto kong malaman mo kung ano ang mga ginagawa ko. Gusto kong alam mo kung ano ang pinagkakaabalahan ko. Gusto ko alam mo lahat tungkol sa akin kaya lang hindi pa din tayo ganun ka-close eh.
Nginitian mo ako kanina bago ako maglaro para sa try-out sa badminton club kaya nagkaroon ako ng lakas, inspirasyon at confidence na maglaro at galingan. Ginalingan ko talaga para magpa-impress sa’yo kaya tagaktak ang pawis ko. Inabutan mo pa ako ng Gatorade kanina at kahit ayoko ng lasa ng kulay blue na gatorade ay ininom ko yun sa harap mo at nagpasalamat. Nanalo ako sa first game pero hindi pa tapos ang laro. May win to win game pa para makapasa kaya naman naupo ako malapit sa tabi mo. Nalungkot lang ako nung ngitian mo si Scarlette, yung magandang babae na maputi na matangkad na may matangos na ilong. Nagtry-out din sya gaya ko, may parte sa puso ko ang kumirot dahil lahat pala ng nagtatry-out ay nginingitian mo.
Nanalo si Scarlette at kinamayan ka nya. Sana pala kinamayan din kita no? Sya ang nakalaban ko para sa win to win. Alam kong friendly competition lang ito pero gusto ko talagang mapansin mo kaya naman nitriple ko ang galing ko kaya sa huli ay laging tie ang score namin. Mukhang ayaw nya din magpatalo no? Sa tingin ko may gusto sya sa’yo.
Pinatigil mo ang laban at iaannounce nyo na lang ang mga makakapasok sa club next Thursday. Mabilis kang nawala sa loob ng court kaya hindi ako nakapagpasalamat sa Gatorade na binigay mo sa akin, kaya lang nakita ko sa iba na mayroon din silang Gatorade na hawak at nalaman ko din na iyon ay nanggaling sa fund ng club. Bakit lagi mo na lang pinapakirot ang puso ko?
Alam mo ba kuya paglabas ko sa court kanina nakita kong nag-aabang si Dusten sa labas, hinintay nya ako. May dala pa nga syang mogu-mogu na strawberry flavor. Yun ang favorite ko kuya, ibinigay nya sa akin yun pero hindi ko tinanggap ininom ko ang Gatorade na bigay mo habang naglalakad ako palabas. Nagpunta ako sa shower room para makapagpalit ng damit. Nadaanan pa nga kitang lumabas sa shower room ng mga boys ngunit tanging ngiti lang ang nagawa ko. Namesmerize kasi ako sa’yo. Ano ba naman ‘to. Kaya lang nilagpasan mo ako ng hindi nginingitian kasi bigla akong tinawag ng buwiset kong pinsan.
Paglabas ko naman ng shower room ay nakita ko syang nag-aantay doon sa may pinto. Hawak nya pa din yung mogu-mogu at ngayon ay may Monde na na kasama. Sa sobrang takam ko doon ay kinuha ko iyon sa kanya. Niyaya nya akong kumain sa labas, pumayag ako kasi wala daw tao sa bahay, baka walang pagkain doon. Pagtapos nun ay umuwi kami, nagulat ako ng pagpasok ko sa kwarto ay may isang bagpack na nakapatong sa kama ko, bag nya pala. Dito daw sya matutulog dahil hindi uuwi ang ate ko at ipinagbilin ako ni mommy at daddy sa kanya.
Kaya eto sya ngayon sa tabi ko, ang himbing ng tulog. Sana kuya lagi na lang syang tulog kasi mukha syang mabait eh. Ikaw kaya? Anong itsura mo kapag tulog ka? Sigurado akong cute ka pa din. Hihihi. Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan mo. Siguro sa tamang panahon ko na lang iyon malalaman. Hihintayin ko ang tamang panahon na iyon kuya.
Good Night Kuya. See you sa panaginip ko. :)
-Chanel