Tuesday 5:54 A.M.
Dear Kuya,
Umuwi si Dusten na lasing kagabi. Nauna pa ngang umuwi si Ate Cha kaysa sa kanya eh. Masyado talaga akong pinag-aalala ng isang 'to. Nakakainis! Anong bang problema nito? Pwede naman syang mag-share sa akin eh kahit na hindi ko maipapangako sa kanya na mabibigyan ko sya ng matinong advice. Siguro broken hearted 'to. Yun lang naman kasi ang naiisip kong dahilan ng mga kalalakihan kapag nagpapakalasing sila eh. Hindi ko naman sya makausap ng matino kagabi dahil nga lasing sya. Bumabalik na naman tuloy ang inis ko sa kanya, hindi nya din ako pinatulog kagabi. Bukod sa napagod ako kahihintay sa kanya ay kinailangan ko pa syang punasan dahil sobrang baho nya at ng damit nya. Tabi pa naman kaming natutulog, hindi ako sanay sa ganoong amoy. Hindi naman sa maarte ako pero syempre may proper hygiene naman ako.Wala tuloy akong magawa ngayon kaya isinulat ko na lang dito ang mga nararamdaman ko. Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil wala lang sense kung hindi naman nya naririnig isa pa baka magising ang ate ko at mapagalitan pa ako.
Haaaaays! Ewan ko ba! Sa kabila ng inis ko sa kanya nag-aalala pa din ako sa kanya. Syempre no, kahit naman na 'medyo' may tampuhan kami ay pinsan ko pa din naman sya at normal lang na maging concern ako sa kanya. Tsaka kuya ko pa din sya kahit papa'no. Ha