Dear Kuya

24 3 0
                                    

Thursday 12:55 P.M.

Dear Kuya,

Nag-away kami ni Dusten kaninang lunch time. Sabi ko kasi uuwi ako kasi naiwan ko dito sa bahay yung P.E. uniform ko at saka yung badminton racket ko. Tinanong ko sya kung pwede nya ba ako ihatid dahil hindi ko pa ganun kakabisado ang lugar sa amin. Natatakot akong maligaw. Sinigawan nya ako sa labas ng university, mabuti na lang at kakaunti lang ang mga estudyante doon at hindi nya kasama ang mga kaibigan nya pero nakakahiiya pa din. Para akong isang batang pinapagalitan nya dahil hindi ko sinusunod ang gusto nya.

Naglakad ako hanggang makarating ako sa tapat ng isang mall kanina at doon ako nagtanong ng direksyon pauwi sa bahay namin. Naiiyak na ako kanina kahit na natatakot akong magtanong sa mga driver pero tinibayan ko ang loob ko at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakauwi ako ng ligtas. Mabuti na lang at mamaya pang 3 o’clock ang P.E. time kaya makakapagpahinga pa ako. Napagod kasi akong maglakad at umiyak. Mabuti na lang din at wala ang ate ko dahil maghapon lagi ang schedule nya. Sige Kuya!

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon