Wednesday 3:52 P.M.
Dear Kuya,
Alam mo ba na kung hindi pa ako magsusulat sa entry ko na 'to ay hindi ko makikita na hindi ko natapos ang last entry ko. Nakatulog kasi ako habang nagsusulat, hindi ko na lang din tinuloy dahil nakalimutan ko na yung isusulat ko. Hayaan na nga lang.
Oo nga pala, hindi ako nakapasok kahapon dahil anong oras na ako nagising. Hindi ko namalayan ang oras no'ng makatulog ako. Ang sabi ng ate ko ay hindi na ako pinagising ni Dusten dahil mukha daw akong pagod na pagod. Grabe, ayoko pa naman na um-aabsent. Nakakapanghinayang kasi. Parang ang hirap mag-catch up ng lessons. Hindi din pala pumasok si Dusten dahil sa hangover nya at wala din daw akong kasama dito sa bahay. Nagising ako na nasa kama na at balot na ng kumot, mahina na din ang aircon sa kwarto ko. Nadatnan ko pa nga si Dusten na natutulog sa sofa eh.
Okay na pala kami ni Dusten, nag-sorry na sya sa akin at tinanggap ko iyon at hindi na nagtanong pa. Nag-sorry na din ako kahit na hindi ko naman alam kung bakit ba talaga kami nagkatampuhan. Basta ang mahalaga okay na ulit kami ng pinsan ko. Kaya lang nakakapanghinayang din na hindi kita nakita kahapon. Pero okay lang. Nalaman ko naman yung pangalan mo. Hihihi, si Dusten pa nga ang nagsabi sa akin kung anong pangalan mo. Ang sarap pakinggan ng pangalan mo.
Sky. Sky Matthew.
-Chanel