DK- 11

25 3 0
                                    

Wednesday 8:04 A.M.

Dear Kuya,

Good Morning :) Mabuti na lang at may diary ako, sayo ko sasabihin lahat ng nangyari sa akin kahapon. Si Dusten kasi, inaasar ako, bakit daw ako nag-try out sa badminton eh ang liit at ang payat ko daw. Baka daw mamaya imbis na mapalo ko yung shuttle cock ay maihagis ko daw yung raketa sa kalaban. Naiinis ako sa kanya! Tapos alam mo ba, isinumbong ko sya kila mommy at daddy tungkol sa paghihintay ko sa kanya ng matagal alam mo kung anong reaksyon nila? Ang sabi ni mommy ay ano naman daw? College na daw kami at natural lang na maging busy kaya ayun nabadtrip ako. Si daddy naman na akala ko ay ipagtatanggol ako kasi mas close ko sya kay mommy ay nanatiling tahimik sa kabilang linya at naririnig ko pa ang mahihina nyang halakhak.

Aaaaargh! Yung ate ko wala pa kagabi. May documentation daw silang gagawin. First week pa lang ng klase may ganun na agad? Ayan tuloy, nagmukmok lang ako sa kwarto ko. Nakalimutan ko ngang mag-dinner kagabi.

Sana mag Thursday na para naman makapag-try out na ako at makita kita. :)

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon