Dear Kuya

26 3 0
                                    

Wednesday 8:57 P.M.

Dear Kuya,

Nakita kita sa may quadrangle kanina, kasama ko yung mga bago kong kaibigan. Sina Chloe, Mikaela, Cypress at Ella. Pinag-uusapan ka nga nila eh, pinagsisisihan daw nila na sa volleyball sila nag-try out sana daw ay sa badminton na lang. Naiinis ako kasi mukhang interesado sila sa iyo. Lalong lalo na si Cypress. Sabi ko na eh, maraming nagkakagusto sayo.

Ano palang ginagawa mo sa quadrangle? Ang dami nyo eh. Mga kaklase mo ba sila? Ano kayang course mo? Hindi bale, sa Thursday itatanong ko iyon pati ang pangalan mo. :)

Hindi pala ako nasundo ni Dusten kanina kaya napilitan akong magcommute. Nakakainis kasi hindi pa ako sanay mabuti na lang at mababait yung napagtanungan ko sa sakayan. Wala pa naman akong tiwala sa mga driver. Hindi naman sa nilalahat ko sila pero kasi mahirap magtiwala. Naloko na ako noon at ayoko ng maulit iyon. Isang masamang pangyayari lang iyon na kailangan ng ibaon sa limot.

Good Night Kuya!

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon