Sunday 8:55 P.M.
Dear Kuya,
OMG! OMG! OMG! Sorry kuya, hindi ako nakapagsulat kagabi kasi umalis kami. Palpak lahat ng niluto ko sa kusina at muntik pa iyong masunog. Naiiyak na ako kasi umaapoy yung kawali na may mantika, mabuti na lang at nagising si Dusten. Pinatay nya yung apoy habang ako ay tulala at umiiyak. Nakita ko ang pag-aalala ni Dusten nung lumapit sya sa akin at tinanong kung anong nangyari at kung okay lang ba ako. Wala akong naisagot at iyak lang ako ng iyak. Niyakap nya ako at pinatahan, mabait din pala sya kuya. Maalalahanin at caring. Nagising din si Ate at pinagtawanan lang ako dahil sa itsura ko, sabi nya wag na wag na daw aking tatapak sa kusina.
Nagpunta kami ng EK kahapon pagkatapos linisin yung kusina, siguradong sabon ang aabutin ko kila mommy dahil sa nangyari. Si Dusten ang bumili ng ticket para sa aming tatlo. Rides all you can. Kaya lang nang mapagod kami sa ikatlong rides ay nagpasya muna kaming kumain. And guess what? Nakita kita sa isang restaurant doon, may kasama kang batang babae na sa tantsa ko ay nasa limang taong gulang. Kapatid mo siguro kasi magkamukha kayo. Ang sweet mo pala sa kapatid mo no? Gusto sana kitang lapitan kaya lang pinigilan ako ni Dusten dahil kasama daw namin si Ate Cha. Bigla ngang nagbago yung mood ni Dusten eh, nainis yata dahil ayaw ko na naman syang sundin kaya hindi na lang kita nilapitan at sinundan ka na lang ng tingin habang palabas ng restaurant habang buhat yung bata.
Naunang umuwi si Ate Cha mga bandang ala-singko dahil may kailangan pa syang gawin. Kami naman ni Dusten ay nagpaiwan para mapanuod yung firework display ng EK. Nasaan ka kaya nun? Nauna ba kayong umuwi sa amin?
Si Dusten badtrip pa din hanggang sa makauwi kami. Hindi ko tuloy na-enjoy yung fireworks display dahil napuno yung utak ko nang pag-iisip kung anong nagawa ko at nabadtrip sya. Hanggang ngayon ay tahimik sya at magsasalita lang kapag may itatanong ako. Nakakainis yung cold treatment nya sa akin.
Haaaay Kuya, may pasok ka kaya bukas? Si Dusten at ako wala. Kaya siguradong sya ang kasama ko bukas sa maghapon. Dito na kasi sya pinag-stay nila mommy hanggang hindi sila nakakauwi. Ano kayang magandang ibigay sa kanya bilang peace offering? Ano kaya Kuya? Sana nabibigyan mo ako ng advice.
Good Night Kuya :)
-Chanel