DK- 09

26 3 0
                                    

Tuesday 5:46 P.M.

Dear Kuya,

Bakit kasi ang laki ng university natin? Hindi tuloy kita nakita ngayon. Wala tuloy akong inspiration sa pagsagot sa essay kanina. Ang nakakainis pa, Love and Hatred ang topic sa essay na iyon. Halos ikaw lang ang naiisip ko nung oras na iyon. Mabuti na lang at kinalabit ako ni Dusten kaya nakapagsagot ako ng essay. Mabuti na lang din at mahilig akong magbasa sa wattpad kaya may alam ako sa topic na yun.

Alam mo ba yung wattpad kuya? Siguro hindi. Kasi bihira lang naman sa mga lalaki ang nagbabasa eh. Alam mo ba crush na kita. Hihihi. Ikaw ang first crush ko dito sa Manila kaya dapat proud ka. 'Wag kang magseseslos ah, kasi marami na rin naman akong naging crush sa Cavite noon. Pero swear! NBSB pa talaga ako. Ikaw kaya? Marami ka kayang crush? Siguro may girlfriend ka na? Sana wala pa kasi. Iniisip ko pa lang na may girlfriend ka parang dinudurog na ang puso ko. Hala. Ano ba 'to? Wala pa ngang isang linggo ng magkita tayo eh. Hindi pa naman kasi kita nakikilala. Marami din sigurong nagkakagusto sayo? Cute ka naman eh kaya hindi malayong mangyari yum.

Nasaan na ba si Dusten? Kanina pa ako naghihintay dito sa kanya sa may gymnasium eh. Nakakainis talaga yung isang yun. Isusumbong ko siya kila mommy at daddy.

PS. Natatandaan mo pa kaya ako? Sana..

-Chanel

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon