Dear Kuya

32 3 0
                                    

Saturday 6:12 A.M.

Dear Kuya,

Nag-sorry sa akin si Dusten kagabi. Hohoho \m/ Binigyan nya ako ng sandamakmak ng mogu-mogu at Monde. Kaya pala hinatid nya lang ako hanggang gate kagabi kasi dadaan daw sya sa All Day. Tapos sya din nagluto ng dinner namin, ang galing nya pala magluto. Grabe ang swerte ng magiging girlfriend ni Dusten. Nagluto lang naman sya ng isang Japanese dish na hindi ko alam pero ang sarap sobra. Kaya ayun pinatawad ko na sya. Naglaro nga kaming dalawa ng Xbox eh tapos dumating yung ate ko, haggardness overload sya kaya natulog na sya habang kami naman ni Dusten ay naglaro nang naglaro ng Xbox. Inabot nga kami ng alas onse eh, kaya dito na sya natulog. Hindi din naman papayag si mommy at daddy na hindi sya dito matutulog dahil kaming dalawa lang ni ate Cha ang maiiwan dito. Ayaw ni mommy yun dahil natatakot sya lalo na at pareho kaming babae. Maaga akong gumising kasi ipagluluto ko si ate Cha at Dusten ng almusal. Ano kayang pwede? Teka magreresearch lang ako. Bye Kuya!

-Chanel


Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon