Friday 6:44 P.M.
Dear Kuya,
Ang saya ko ngayon kasi nakita kita, kaya lang nahuli ako ni Dusten na nakatitig sa'yo kanina. Nahalata nya tuloy na may gusto ako sa'yo. Nakakainis kasi sabi nya baguhan lang ako dito tapos nagkagusto agad ako sa'yo. Pakealam nya ba? Kahit kailan panira ng moment 'tong Dusten na 'to eh. Hindi ko alam kung bakit kasi wala naman akong natantadaang may nagawa ako na pwede nyang ikagalit, sa totoo ako dapat ang naiinis sa kanya dahil 'di ba? Sinigawan nya ako sa labas ng university. Hindi pa nga sya nag-sosorry eh.
Nakita din kita nung uwian, sumakay ka ng jeep gusto sana kitang sundan kaya lang kasama ko si Dusten, mabuti na lang at hindi nya ako nahuli na nakatitig na naman sa'yo. Saan ka kaya nakatira? Halatang sanay na sanay ka na dito sa Maynila. Ako kaya? Kailan kaya ako matututo sumakay mag-isa?
Dito pala ulit matutulog si Dusten, sana wag kang magselos kasi pinsan ko naman sya eh.
-Chanel