Monday 3:21 P.M.
Dear Kuya,
Naiinis na talaga ako! Ang cold pa din ni Dusten sa akin Kuya! Ano bang gagawin ko? Waaaaah! >__< Nababaliw na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko Kuya. Hanggang ngayon hindi pa ako nagtatanghalian.Wala kasi akong gana eh wala din namang pagkain at ayoko nang magluto dahil ayokong masunog ang bahay. Lagot na naman ako kina mommy kapag nagkataon. :( Si Dusten kasi hindi pinatatahimik ang isip ko. Tapos iniwan nya pa ako kasi may practice daw sila. Um-oo lang ako kahit alam kong wala naman kasi magkaklase kami. Kung may practice sya dapat ako din meron. 'di ba?
:(
-Chanel
