Chapter 10

1K 28 6
                                    

C H A E Y O U N G

"Kailan tayo babalik sa New Zealand? Miss na miss ko na ang mga bata."

Kung maaari nga lang 'wag na kaming bumalik doon. Kaso hindi puwede. Ano bang kinakatakot ko? Simple lang naman, nandoon si Jennie. Yes, alam ko na ang totoo. Inamin na ni Jisoo at galit ako sa kanila dahil doon. Hindi nila alam ang pinagdaanan ni Lisa dahil sa ginawa nila. Pinatay nila ang taong buhay naman pala? Hindi ko akalaing makakaya nilang gawin 'yon, lalo na si Jisoo. Of all people, siya pa talaga?

"After nating maayos ang gusot na 'to, balik na rin tayo."

"Chaeng,"

"Hmm?"

"Hindi ka na ba talaga babalik kay Jisoo Unnie?"

"Bakit biglang napunta tayo riyan?"

"Wala lang, baka kasi mahal mo pa siya? Baka lang naman?"

Anong mahal? Paano ko mamahalin ang taong tinalikuran ako, ang pamilya niya?

"Wag ka nang tumanggi, Chip. Alam ko mahal na mahal mo pa rin si unnie." Umakto siyang kinikilig. Bahagya akong napangiti, hindi ko sinasadya.

"Yiieeee, huli pero 'di kulong."

Ay! Lintek ka Lisa.

"Kumusta na kaya ang mga bata?" tanong ko.

"Bakit hindi natin sila tawagan? After a week ba babalik na tayo?" Ang daming tanong.

Nandito kami sa Korea ngayon, saglit lang naman at babalik din kami sa New Zealand. Nagkataon lang na may kailangan kaming ayusin dito. Binisita na rin namin ang café. As usual, maayos pa rin. Nandoon naman si Nayeon unnie kaya tiwala kaming walang magiging problema. 'Yung isang construction firm namin, nagkaroon ng aberya. Umurong daw ang subcon. Kami tuloy ang nakipag-usap sa client. Medyo milyon na rin ang pinag-uusapan dito kaya hindi puwedeng thru call lang and we don't want to lose our clients. Naka-recieve rin ako ng text from my doctor. She needs to see me raw. And yeah, I guess tapusin na muna namin lahat bago bumalik sa NZ.

"Chaeng! I need to confess something. I hope you don't get mad."

I won't, Lisa. And I can't.

"At ano na namang ginawa mong kasalanan?"

Umakto akong nagagalit. Kumunot ako at tinitigan siya nang deretso.

"Remember when you saw me on the garden? I saw Jisoo unnie. And i'm sorry. I should have told you earlier. Binanggit ko na 'to noong nasa mall tayo. Kaso sa sobrang pag-alala natin kay Rj nakalimutan na nating pareho."

Hindi na ako nagulat. I saw her also. I just pretend that I didn't saw her. Ayaw kong mag-alala pa si Lisa.

After that incident nakipagkita na ako sa kanya, sa kanila ni Jennie. And yes, hindi niya rin ako naaalala. Si Jisoo lang at ang family niya ang naaalala niya. Posible pala 'yon, ang hindi makaalala nang ganoon katagal.

"Are you mad?" tanong niya habang nakanguso.

Kyoooot.

Mas nakakagalit ang ginawa ko Lisa. Walang kapatawaran iyon. At hindi ko alam kung paano makakabawi sa iyo.

"No, i'm not. Hindi habang buhay puwede kong itago sa kaniya ang anak niya. May karapatan siya."

Bigla niya akong niyakap.

"Thank you, Chip. Sana man lang bago ako sumunod kay Jennie ay magkaayos na kayo. You know naman sa iyo ko ihahabilin si Rj."

What the fudge, Lisa?!

Niyakap ko siya nang mas mahigpit.

"Ssshhhh. You'll be fine, okay?"

"Okay lang, Chip. Gusto ko na ring makita si Jennie e. Miss na miss ko na siya."

TANGINA.

Mas lalo lang akong nakonsensya sa ginagawa ko. Pero wala ako sa posisyon para magsalita. Magiging masaya pa ba kami? Nakakapagod nang lumaban para maging masaya. Pagod na pagod na ang buong tauhan otornim, maawa ka na.

Bumitaw na kami sa pagkakayakap. Nagpahid siya ng luha at ngumiti. Magpapanggap ka na naman, Lisa.

"Chip, kung sakaling mamatay ako ikaw na ang bahala kay Rj ha. Kayo ni unnie."

Don't worry Lisa. Hindi ka mamamatay. Baka mauna pa ako sa 'yo.

(Short update. Tapusin na natin 'to, guys. Haha.)

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon