J E N N I E
"Chaeng please, may parating ng ambulance 'Wag kang bibitaw ha. 'Wag mo akong iiwan, hindi ko kaya."
Paano sila nakarating dito? Bakit sila nandito?
Duguan ang kamay ni Jisoo Unnie, nakahawak siya sa kamay ni Chaeng habang nakahiga ito sa may hita niya.
"Ina-an-tok-na-ako, Chu."
"Chaeng naman e!"
Bihirang umiyak si Unnie at ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.
"Wag kang pipikit. Stay with me, okay?"
"I-love-you-Chu."
Kahit nahihirapan ay inabot ni Chaeng ang pisngi ni Unnie para haplusin ito.
"Mahal na mahal din kita. Please, please 'wag muna. 'Wag muna."
"Si-Jiro 'wag mo---"
"Sshhh. 'Wag ka na lang magsalita ha. I-reserve mo muna ang lakas mo. Magbabawi pa tayo paggaling mo. Babawi pa ako sa lahat ng pagkukulang ko. Pagsisilbihan pa kita, mamahalin araw-araw. Promise, hindi na ako makikipag-agawan sa chicken. Lahat gusto mong pagkain, kakainin natin. Kahit ano pa 'yan. Hindi na ako makikipag-away kay Lisa. Chaeng, please---"
"Wag-ka-na-u-mi-yak."
"Wag mo naman akong iiwan, please. Mahal na mahal kita. Sorry umalis ako, sorry iniwan kita. Sorry. Sorry. Sorry. Hindi ako nagpaliwanag. Chaeng naman. Please, 'wag mong gagawin sa 'kin 'to."
"Mahalnamahaldinkit---"
"Jennie! Malayo pa ba? Wala pa ha sila? Tangina naman."
Tulala pa rin ako habang nakatingin sa kanila.
"Jennie!" sigaw ni Unnie.
Nagkatinginan kami ni Chaeng. Ngumiti siya.
"Iloveyouwifeybehappy."
'Yon na ang huling beses na naalala ko bago ako nawalan ng malay.
***
"Kumusta po siya?"
Pamilyar ang boses niya at hindi ako maaaring magkamali.
"Stable naman siya, nabigla lang din siguro siya sa mga nangyari."
"Li-saa,"
Doon ko pa lamang idinilat ang mga mata ko, nakakasilaw.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Lisaaaa?!
Totoo nga. Si Lisa nga 'to. Nandito na siya. Nakabalik na siya.
"Sshh. Ako nga 'to. Nandito na ako. 'Wag ka na munang magsalita."
Magang-maga ang mga mata niya, halatang bagong galing sa pag-iyak.
"Mabuti na lang walang nangyaring masama sa 'yo."
"Paanong---"
Hindi niya niya ako pinatapos sa pagsasalita. Bigla na lamang niya akong niyakap.
"Miss na miss na kita. Akala ko hindi na ulit tayo magkikita."
Kahit nanghihina'y gumanti ako ng yakap.
"Nandito ka na ulit, kompleto na ulit tayo."
Nanatili siyang nakayakap at bigla na lang ulit siyang umiyak.
Marahan kong hinaplos ang likod niya.
"Sshh. Marry me."
Hindi ko rin alam bakit sa ganitong sitwasyon ko naisipang yayain siya ng kasal.
Umagwat siya.
"What?!"
"I said, marry me again." Ngumiti ako nang tipid.
"Jen,"
"Say yes, please. Matutuwa sina Unnie nito, lalo na si Chae---"
Iloveyouwifey
"Where's Chaeng?"
Sabihin mong okay lang siya.
"Jen,"
"Noooo. Lisa, please. Kahit 'wag na muna ulit tayong magpakasal. Gusto ko munang makita si Chaeng. Dalahin mo ako sa kanya." Pagmamakaawa ko.
Lord, hindi puwede. Hindi puwede.
Bumangon ako.
"Jennie, magpahinga ka muna." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para muling ihiga.
"Lisa! Sabi ko dalhin mo ako kay Chaeng! Gusto ko siyang makita. Nasaan si Jisoo Unnie?!"
Nakatingin lang siya sa akin habang dere-deretso sa pagtulo ang mga luha niya.
'Wag si Chaeng, please. 'Wag ang kahit na sino.
"Lisaaa, parang awa mo na. Sabihin mong okay lang siya. Lisa, kailangan ko siyang makita."
Alam kong paulit-ulit na ako sa mga sinasabi ko pero kailangan ko siyang makita.
"Sshh,"
Hinaplos-haplos niya lang ang likod ko sapat na para makakalma ako. Marahan niya akong inihiga at kinumutan.
"Aalis lang ako saglit ha?"
Ayoko. Baka hindi na naman siya makabalik. Baka mawala na naman siya. Natatakot ako.
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.
"Dito ka lang, please. 'Wag ka na umalis. 'Wag mo na ulit akong iwan," pagmamakaawa ko.
Gumanti siya ng pisil, marahan. Naninigurado.
"Kakausapin ko lang ang doctor, babalik agad ako."
Nginitian niya ako bago hinalikan sa noo.
"I love you, Jennie."
Ang gusto ko lang naman ay mabawi si Lisa. Bakit palaging ipinagkakait sa amin ang maging masaya?
(Short update, mga mahal. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko at sobrang pagod din. Hahaha. Sana nasa bahay lang kayo,nagpapahinga at nakakakain nang maayos.)