Chapter 17

800 18 0
                                    

Lisa,

Hi! Kung nababasa mo 'to isa lang ang sigurado. Successful ang plano ni Jennie. Sobrang busy namin nitong mga nakaraang araw. Ang hirap din pumuslit dahil baka makahalata ka na. Don't worry, hindi nagloloko si Jennie. Inaayos niya ang lahat para sa 'yo. I know, she's being unfair pero nagmamahal siya e. Hindi dapat ako sumusulat sa 'yo kasi hindi mo na rin 'to dapat malaman. Ayaw ni Jennie na pagsisisihan mo ang bagong buhay na ibibigay niya sa 'yo. Pero deserve mo ang katotohanan. Alam ko masakit, pero you need to deal with it. Kapag nabasa mo 'to malamang naman nakaalis na kami ni Seul.

Sa mga panahong umaalis si Jen, inaayos niya ang pagdodonate niya ng puso niya sa 'yo. Sounds crazy pero handa niyang ibigay ang buhay niya para sa 'yo. Gano'n yata talaga kapag umiibig, handang mamatay para sa iniibig. Masuwerte ka, may Jennie ka. At ganoon din naman si Jennie. Alam mo, binging-bingi na nga ako kakukuwento niya sa akin tungkol sa 'yo. Kung gaano ka niya kamahal. At umabot na siya sa puntong ganito. Ido-donate na niya ang puso niya para sa 'yo. Sinubukan ko siyang kausapin na baka may iba pang paraan, na baka may mahanap pa kaming ibang donor, kaso humihina na talaga ang puso mo. At malayo pa sa katotohanang may mahanap kaming ibang donor. Hindi niya raw kakayanin kapag nawala ka. Hindi niya siguro naisip na hindi mo rin kakayanin kapag nawala siya. Mag-iiwan na lang daw siya ng isang mini Jennie thru egg-freezing.

Tinanong ko siya kung paano ipaliliwanag sa 'yo na paggising mo ay wala na siya. Palabasin na lang daw na naaksidente siya habang nasa operasyon ka at noong magising ka ay cremated na siya. Alam kong normal 'tong si Jennie pero hindi ko lang alam kung bakit ganito siya mag-isip. Nabanggit na rin niya sa lawyer niya na kung sakaling may mangyaring masama sa kanya bago ang operasyon, itutuloy niya pa rin ang planong magdo-donate. Sana lang makahanap na kami bago mahuli ang lahat.

Mapaglaro ang tadhana, madaya ang tadhana. Pinagtagpo ang mga tao para magkalayo. Panandaliang pinasaya pagkatapos babawiin lang din pala. Nalulungkot ako para sa inyong dalawa pero wala akong magagawa kundi ang makisimpatya na lamang. 'Wag ka sanang magagalit sa kanya o magtatampo. Giniwa niya lang ang sa palagay niyang tama. Magpatuloy ka sa buhay katulad ng gusto ni Jennie. Mahal na mahal ka niya. Sana'y nabigyan ng liwanag ang lahat ng mga tanong mo. Magkita sana kayo sa susunod na buhay kung saan maaari na kayong maging masaya nang magkasama.

Masaya siyang lilisan para sa 'yo, Lisa.

Hindi na ako mamamaalam,
Irene Bae Soon To Be Kang

Itinupi ko ang sulat na para kay Lisa. Hindi ko na napigilang mapahagulhol. Mariin kong tinakpan ang aking bibig, baka magising si Rj sa lakas ng pag-iyak ko. Kababalik pa lamang ng mga alaala ko at may mga ilan pa rin akong hindi maalala. Pakiramdam ko'y hungkag ang isip ko. Minsan sumasakit pa rin ang ulo ko. Dumalaw naman ako sa doktor para magpa-check-up at normal naman daw talaga ang pagsakit ng ulo.

Bakit pa ba ako nabuhay? Sana namatay na lang talaga ako sa aksidente para hindi ko na nararanasan ang ganito. Nakakapagod na rin kasing lumaban nang paulit-ulit. Napakadamot ng tadhana. Nagawa ko pala talaga ang bagay na ito noon. Kasama 'to sa mga alaalang bumalik. Ang hindi ko lang alam ay kung anong nangyari pagkatapos ng aksidente. Okay na ba si Lisa? Nagkaroon ba ng donor? Nakahanap ba? Marami pa rin akong tanong na gusto kong mahanapan ng sagot. Kaya ba itinakas ako ni Mama dahil sa kagustuhan kong mamatay para kay Lisa? Gusto ko ng kasagutan. Kailangan ko ng sagot.

Mayamaya pa'y tumunog ang cellphone ko. Wala naman sigurong magme-message sa ganitong oras kung hindi mahalaga. Pinakalma ko ang sarili ko bago binasa ang mensahe.

From: 0917*******

Meet me at your café, tomorrow. 7:00 AM. Alam ko kung anong totoong nangyari kay Lisa.

Hindi ako nakatiis, nag-reply ako.

To: 0917*******

Who's this? Where did you get my number?

From:0917*******

Hindi na 'yon mahalaga. Kung gusto mo talagang malaman ang lahat, magkita tayo. 'Wag kang magsasama ng kahit na sino. Wala kang dapat ipag-alala. Café mo 'yon, kung may gagawin akong masama madali kang makakahingi ng tulong. Hindi ako kaaway, Jennie.

Lalo lang akong hindi matatahimik. Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended na siya.

"Mama?" Hindi ko namalayang nagising na pala si Rj.

Lumapit siya sa akin habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata.

Niyakap ko siya. "Ssshh. Balik na tayo sa pagtulog ha."

Kinarga ko siya at muling inihiga sa kama.

"I love you, baby." Hinalikan ko siya sa noo bago tinabihang matulog.

I miss you, Lisa.

(Gusto niyo ba ng SeulRene FF? HAHAHAHA. Kunwari masipag ako.)

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon