L I S A
Home sweet home.
Hindi ito ang 'home' na inaasahan ko, hungkag. Walang bakas ng buhay. Mga agiw lang ang nanatili at ang mga dating alaala.
I miss you, Jennie.
Hindi ko na puwedeng hilingin na bumalik ka, kasi malabo, imposible.
"Mama, i'm going with you later, okay?"
Hindi ko alam ang isasagot, tanging ngiti na lamang ang iginawad ko sa kaniya.
"Ipapakilala mo na ba siya?" tanong ni Chip pagkaalis ni Rj.
"Bakit ang hindi?"
"Baka hindi pa handa ang bata? Magbabago ang tingin niya sa pamilyang meron siya? Baka isipin niyang hindi na kompleto ang pamilya niya?"
"Matalinong bata si Rj, hindi siya mag-iisip nang negatibo."
Desidido na ako, ipapakilala ko na si Jennie kay Rj. Ayaw kong lumaki siya na ibang ina ang kinikilala niya.
"Natatakot ka ba para sa kaniya?"
"Natatakot ako sa maaring maging mga tanong niya."
Sa loob ng limang taong nawala sa amin ang lahat si Rosé lang ang nanatili. Siya ang karamay ko sa lahat. Ang tagal ko raw walang malay, at paggising ko wala na si Jennie. Iniwan na niya ako. Ako dapat ang mamamatay e, ako dapat. Halos isang buong taon akong miserable, hindi ko matanggap. At sa ikatlong pagkakataon, muli na naman niya akong iniwan. Iniwan nang wala ng balikan.
Niyakap niya ako, "Nandito lang ako, Lisa. 'Wag ka nang umiyak."
Mapipigilan ba ang iyak? May hangganan ba 'to? Limang taon na pero parang kahapon lang. Hindi pa rin maibsan ang pangungulilang nararamdaman ko para sa kaniya. Ilang beses kong pinagtangkaang kalimutan siya, pero hindi ko talaga kaya. Hinding-hindi.
Gumanti ako ng yakap, "Thanks, Chip. I'm good. Don't worry. I'll get through this, we'll both get through this."
"You want me to come?"
"No need, Chip. Ako nang bahala. Thank you."
Bumitaw na kami sa pagkakayakap at hinanap ko na si Rj.
"Maaa, sino 'to?" tanong niya habang hawak-hawak ang retrato namin ni Jennie.
Lumapit ako sa kaniya at bigla na lamang siyang umiyak.
"A-ka-la ko ba si Mama Chip lang ang ma-hal mo?"
Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya.
"Mahal ko ang Mama Chip mo, baby. Pero bilang kapatid lang."
"Magkapatid po kayo? Tita ko siya? So hindi ko po kapatid si Jiro Unnie?" Umiiyak pa rin siya.
Umagwat ako.
"Si Mama Chip mo may mahal siyang iba, si Auntie Jisoo iyon. Siya rin ang mama ni Jiro Unnie mo."
"Pero bakit hindi ko po siya nakikita?"
"Sa ngayon kasi nagbabakasyon ang Auntie Chu mo malayong lugar."
Gosh. Ang hirap palang magpaliwanag sa bata.
"Auntie Chu?" Punong-puno ng pagtataka ang mga mata niya.
"Chu kasi ang tawag namin sa kaniya."
"Ah, si Mama Chu? 'Yung tumawag dati?"
Anong tumawag?
"Anong ibig mong sabihin, baby?"
"Nasaan po si Mama Jennie? Gusto ko po siyang makita."
Hindi ko alam kung sinasadya niya bang ibahin ang usapan o ako lang ang nag-iisip nito.
"Mamaya makikita mo na siya."
"Talaga po?" Bakas ang sigla sa mga mata niya. At isa lang ang sigurado, mamaya mapapawi ang siglang iyon.
Muli ko siyang niyakap.
"Sorry, baby."
"Don't be sorry, Mama. I'm so excited to finally meet her. She's so pretty like me. Ksksksks."
Halos iisa nga ang mukha nila. Sabi nga ng mga matatanda parang pinagbiak na bunga. Mula sa mata hanggang sa buong pagkatao ni Jennie, namana niya. At sabi rin nila kapag kamukhang-kamukha raw ng nanay ang bata mahal na mahal daw ito ng asawa niya, na siya namang tunay. Well, I love her to the moon and back. Kung puwede nga lang i-trade ang buhay, ginawa ko na.
"Gusto mo pa bang makita ang ibang mga retrato niya?"
Umakto siyang nag-iisip.
"Hmm, sige na nga."
Masyado pang marumi ang buong bahay, puno ng alikabok at hindi ganoon kaayos ang mga gamit.
Yumuko ako at hinanap ang kahon na matagal kong itinago. Hindi ko 'to dinala sa Thailand sa pag-aakalang makakalimot ako. Maling-mali.
Pinagpagan ko ang kahong puno ng alikabok, binuksan ko ito at kinuha ang unang larawan.
"Halika," lumapit si Rj at naupo sa tabi ko. Ipinakita ko sa kaniya ang luma naming larawan.
"Waaaaaaaah! Sobrang ganda naman ng Mama ko." Bakas ang pagkamangha ang mga mata niya.
"Umiiyak ka ba, Mama?" Mabilis kong pinahid ang luha ko.
"Hindi a," pagtanggi ko.
"Eeee, umiiyak ka e." Niyakap niya ako at hinaplos-haplos ang likod ko.
"Wag ka mag-alala, Ma mamaya naman makikita na ulit natin siya. Sigurado akong miss na miss na niya tayo."
At lalo lang akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
Miss na miss ko na rin ang mama mo.
"Panunuorin ko 'yan pagkauwi natin, Ma. Panuorin nating tatlo ha? Kapag nasundo na natin siya, sama-sama na ulit tayo."
Habang makayakap kami'y nakarinig kami nang marahang pagkatok.
"Lisa," pagtawag ni Rosé.
"Palabas na po, Mama." tugon ni Rj.
Hindi ko alam kung paanong ganoon niya kabilis natanggap ang sitwasyon. Dahil ba matalinong bata siya?
Nauna na siyang lumabas sa kuwarto habang ako ay nanatili rito.
"Kung hindi siguro ako nakita ni Rosé baka dati pa lang magkasama na tayo riyan sa itaas."
Alam kong kasalanan sa Diyos na kunin ang sariling buhay pero pagkatapos kong magising na wala na siya para nawalan na rin ako ng buhay. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano gigising sa araw-araw na wala na siya, na kahit anong iyak ko hindi na siya babalik. Walang araw na hindi ko siya hinanap. Walang araw na hindi ako nangulila sa kaniya. Naging pampatulog ko na ang pagluha. Mabuti na lamang at dumating si Rj sa buhay ko, kung hindi siguradong hanggang ngayon lulong pa rin ako sa kalungkutan. At matagal ko na ring ikinandado ang puso ko. Hinding-hindi na ako magmamahal, kahit sino pang dumating. Hindi na ito titibok para sa iba.
Hintayin mo lang ako riyan, Jen. 'Wag kang magmamahal ng iba ha. Lagot ka sa akin. Hindi kita dadalhan ng ice cream. Bahala ka.
(Lameeee. Haha. Teka lang ha. Hindi pa talaga gumagana nang maayos ang utak ko. Kung meron man. HAHAHA!)