Chapter 26

1.3K 19 29
                                    

Happy ending.

Ang lahat daw ng kuwento ay nagtatapos sa masaya. Kapag natapos daw nang hindi pa masaya ibig daw sabihin no'n ay hindi pa totoong tapos na ito, na hanggang doon na lamang talaga.

Madalas kong hanapin ang kahulugan ng buhay, ng pagiging masaya. At sa araw-araw na bumabangon ako palaging hungkag ang nakakapa ko sa dibdib ko. Walang init na maramdaman purong lamig at kawalan. Para akong araw-araw na naliligaw. Hindi alam kung saan patutungo, walang direksyon. Bumabangon na lamang ako dahil kailangan pero hindi dahil ginusto.

Akala ko happy ever after na pagkatapos naming ikasal ni Jen. Not until that accident happened. Napakadamot ng tadhana, palagi niyang ipinagkakait sa akin ang maging masaya. Isang taon lang. Isang taon niya lang akong pinasaya at mabilis niya ring binawi ito.

Pauwi na kaming mula sa bakasyon nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan namin. Kung hindi ko lang sana ipinilit ang bakasyon na 'yon, kasama ko pa sana si Jennie. Masaya pa sana kami ngayon. Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Ikalawang pagkakataon ko na 'to pero sinayang ko lang. Hindi ko siya iningatan. Kung bakit ba naman sa dinami-rami ng makakaligtas, ako pa. Bakit kasi hindi na lang ako ang nawala?

Napabayaan ko si Rj, napabayan ko ang lahat ng mga tao sa paligid ko. Nawalan ako ng ganang mabuhay. May pagkakataong gusto ko na lamang sumunod sa kanya pero alam kong hindi niya iyon magugustuhan. Nagpapatuloy na lang ako sa araw-araw habang nabubuhay sa mga alaala niya.

I miss you...

Walang sapat na salita ang makapaglalarawan kung gaano ako nangungulila sa kanya. Pinahid ko ang luhang kanina pang dumudulas sa pisngi ko. Hindi ko namalayang unti-unti na rin palang lumalakas ang ulan. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Gusto kong ilabas lahat ng sakit, galit at pangungulila na nararamdaman ko. Gusto kong tumakbo, tumakas, kumawala. Gusto kong mapawi na lang lahat ng sakit at pighati na nararamdaman ko. Gusto ko nang mawalan ng pakiramdam.

Gustong-gusto na kitang makita at mayakap, Jennie. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. Bakit mo naman ako iniwang mag-isa, akala ko ba araw-araw akong magigising na nandito ka sa tabi ko? Paano pa ako magpapatuloy kung nawala na ang dahilan ng bawat pagngiti at pagtawa ko. Ang dahilan ng paghinga ko.

Bumalik ka na, please.

Napaupo na lamang ako habang patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan. Hindi na ako nakakaramdam ng ginaw, tanging pangungulila na lamang.

Dalawang mainit na braso ang yumakap sa katawan ko.

"Tama na, Lisa. Tama na," wika niya habang yakap-yakap ako.

"U-unnie, miss na miss ko na siya. Ibalik niyo na siya sa akin," pagmamakaawa ko.

Hindi siya nagsalita. Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

Tumila na ang ulan.

Marahan kong hinaplos ang nakaukit niyang pangalan.

"Masaya ka ba riyan sa itaas? Kasama mo na ba si Chaeng? Natagpuan mo na ba ang katahimikan?"

Umihip nang malakas ang hangin. Pumikit ako at doon pa lamang ako nakaramdaman ng magkahalong init at ginaw.

"Mahal kita palagi."

At sa huling pagkakataon narinig ko ang mahina niyang tinig. Sapat na iyon para muli akong pagpatuloy.

"Mahal na mahal din kita palagi, Jennie," bulong ko sa hangin.

Kung may isa man akong natutunan, 'yun ay ang hindi naman hihinto sa pag-ikot ang mundo dahil lang sa nasasaktan tayo. Oo at hindi ito hihinto, pero may mga tao tayong itinuturing na nating mundo at oras na mawala sila, para na rin tayong nanakawan, nawalan ng sariling tahanan. Mahirap magpatuloy kapag nawalan na tayo ng dahilan pero wala naman tayong pagpipilian. Gaano man kasakit o kahirap ang bawat araw na daraan kailangan nating lumaban.

Bumalik kami sa sasakyan para makapagpalit ako ng damit.

"Umuwi na tayo, Lisa," nakangiting turan ni Jisoo unnie.

Tumango lang ako bilang tugon.

Happy ending...

Maaaring hindi ito ang katapusang inaasahan ko. Hindi ang paglalaho ng mga ngiti niya sa umaga. Hindi ang mga gabing maginaw. Hindi ang bakanteng kama, hindi ang tahimik na kuwarto, hindi ang bawat segundong wala siya. Hindi ang pag-iisa.

Magkakaiba ng pagpapakahulugan ng mga tao sa bawat bagay. Hindi ito ang happy ending para sa ibang tao, ngunit sa akin isa itong happy ending na maituturing. Oo, nasaktan ako, nasasaktan pa rin ako pero sapat na ang mga alaala namin para muling magpatuloy. Sapat na ang minsang naging masaya ako sa piling niya. Sapat na ang mga sandaling kasama ako siya. Wala man siya sa aking tabi, alam kong palagi niya akong ginagabayan. Alam kong may mga gabing iiyak ako at hahanapin ko siya at araw-araw akong mangungulila sa kanya pero isa lang ang sigurado, sa lupa lang natapos ang aming kuwento.

Mahal na mahal kita, Jennie Kim. Magkita tayo sa susunod na habangbuhay.

Sinalat ko ang singsing sa daliri ko at inalala ang mga ngiti niya sa bawat sandaling nakasama ko siya.

Ito ang pakiramdam ng masayang hangganan. Ako, habang minamahal ka hanggang sa aking kahuli-hulihang hininga. Manatiling ikaw at ikaw ang hantungan ko. Gaano man ako iligaw ng mundo, uuwi ako sa 'yo. Mahal kita palagi, Jennie Kim.

–FIN–

And Jake.

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon