L I S A
Pagkatawag ni Mama dali-dali kaming nagpunta sa mall. Paano nangyari 'to?
"I'm sorry, Lisa. Magkasama lang sila kanina ni Jiro. May bibilhin lang daw silang laruan. Pagtingin namin bigla na lang silang nawala." Bakas ang pag-aalala nina Mama sa pagkawala ni Rj. Siguro ay iniisip nilang napabayaan nila ang anak ko. Hindi ko sila masisisi sadyang may taglay ring kalikutan ang bata.
"Don't worry, Ma. We'll find her." Paninigurado ko.
Saan ba kasi puwedeng magpunta ang batang 'yon.
"Jiro, bakit mo naman pinabayaan ang kapatid mo?" Tanong ni Chaeng.
Hays. Heto na naman po siya.
"Chip, walang kasalanan si Jiro. Hanapin na lang natin si Rj. Okay?"
Wala namang mangyayari kung magsisisihian pa kami rito. Tsaka sasama lang ang loob ni Jiro. Ayaw kong pagsimulan na naman 'to ng hindi nila pagkakaintindihang mag-ina.
Lumapit sa akin si Jiro. Bigla niya akong niyakap, umiiyak.
"So-rry, Ma-ma. Napabayaan ko si Rj." Nagkansisinok ang bata kaiiyak.
"Shhh. Wala kang kasalanan. We'll find her, okay?"
"Tha-nk yo-u, Ma." Ginulo-gulo ko ang buhok niya at nag-umpisa na kaming maghanap. Inihanap na muna namin ng puwesto sina Mama para makapahinga sila. Kami na lang tatlo ang maghahanap kay Rj. Si Chaeng at Jiro ang magkasama tapos ako lang mag-isa.
Halos maikot ko na ang buong mall pero wala akong Rj na nakita. Tinawagan ko si Chaeng.
"Any good news?"
"..."
Ibinaba ko rin ang tawag. Hindi pa rin daw nila nakikita. Irereport ko na sana baka sakaling maii-page nila nang biglang may lumabas na batang ngiting-ngiti habang may bitbit na kuting.
Bawal ang pet dito a? Unless galing 'tong Petshop. Nagnakaw ba ang anak ko? Ghad. Eye can't--
Takbong-takbo ako papunta sa kaniya at kaagad ko siyang niyapos.
"Baby, 'wag mo nang uulitin 'yon ha. Pinag-alala mo si Mama."
Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko. I can't lose her, hindi ko na kakayanin.
"Ma, I can't breathe." Doon pa lamang ako bumitaw sa pagkakayap sa kaniya.
"Saan ka ba nanggaling na bata ka? Saan galing 'yang pusa na 'yan?"
Baka nga tama si Chaeng. Masyadong spoiled sa akin ang mga batang 'to.
"Hulaan mo, Mama." Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis.
"You stole that?" Kumunot ako.
"No! Why would I do that?"
"Then who gave you that?"
"Mama Jennie. She's here, Ma. Nag-ice cream nga po kami e. Tapos binilhan niya pa ako ng pusa. Tapos papasyal daw kami kapag nagkita ulit kam--"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap ko na siya. Ito ba ang epekto?
"Shh. It's okay, baby."
"Sabi ko nga po miss na miss na ninyo siya e."
Ano bang dapat gawin sa ganitong pagkakataon? Jen, wish you were here.
"Enough baby, uwi na tayo. Pahinga ka na ha?"
Bumitaw ako.
"How about Mama Jen? Hindi po ba natin siya puwedeng isama?"
Idinikit ko ang noo ko sa noo niya.
"Baby, she's not here. Di ba I told you that she's gone?"
"But--"
"Uwi na tayo, okay?" Kinarga ko siya, dinala ko ang kuting at naglakad na kami pabalik sa sasakyan.
Pagkarating sa sasakyan nandoon na silang lahat. Ako na ang magmamaneho. Nasa likod si Mama at Papa kasama si Jiro. Ibinaba ko na si Rj, hindi ko namalayang nakatulog na rin pala siya. Next time sasama na kami kapag lalabas sila.
"What happened?" tanong ni Chaeng.
"Jennie's here,"
"How di--"
"She said."
"Did you--"
"Nakita raw siya ni Rj. Hindi ba't nakakatawa?"
Hindi niya magawang tapusin ang mga sinasabi niya.
"Puwede ba akong magsalita, Lisa." Iritable niyang turan.
"Oo naman, sorry."
"Nakita mo ba siya?"
"Hindi."
"Mabuti."
"Anong mabuti?" Kumunot ako.
"Sabi ko mabuti at nakita na natin si Rj."
Iyon na nga lamang ang ipinagpapasalamat ko. Walang nangyaring masama sa kaniya. 'Yon nga lang kung sino-sinong nakikita niya.
Jen, miss na miss na kita. Sana nandito ka. 'Yung anak mo nakikita ka na sa katauhan ng iba. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya.
"Lisa, 'wag ka nang mag-isip." Hinawakan ni Chaeng ang kamay ko at ginawaran niya ako ng ngiti.
"Yes, Chip. Thank you. And please, mag-usap na kayo ni Jisoo Unnie."
Bigla siyang bumitaw.
"Wag na natin siyang pag-usapan. Kalimutan mo na siya, Lisa. Hindi na siya babalik."
Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa labas. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Alam ko namang mahal na mahal pa rin niya si Unnie at ganoon din naman ito sa kaniya.
"Nandito siya kanina."
Ibinalik niya ang tingin sa akin.
"Who?"
"Jisoo Unnie."
"What?!"
(Short update, guys. Pasensiya na ha, sobrang busy lang talaga. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Physically and emotionally unstable na ako e. Haha. Bare with me, okay? We'll get through this. Char. ILY. Update ako kapag may pagkakataon uli. Sorry ang lame. Alam niyo ba, gustong-gusto ko ang book cover ko rito. HAHAHA. SKL.)