J I S O O
"Napakabata pa niya para bawiin sa atin," kahit katal ang boses ay pinilit pa rin ni Tita na magsalita.
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, anong dapat isagot, anong puwedeng makapagpakalma sa kaniya. Kasi kahit ako, kahit kami hindi rin namin alam ang gagawin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Isa-isang nagsisidatingan ang mga tao. Nauna na kami ni Chaeng dito habang hinihintay namin ang pagdating ni Jennie. Paano niya kaya ito matatanggap? Halos kababalik pa lamang ng mga alaala nita tapos ganito naman ang nangyari.
"Parating na ba si Jennie?" tanong ni tita.
"Malapit na raw po," sagot ni Chaeng.
Luminga-linga ako sa paligid. Maraming hindi pamilyar na mukha ngunit may isang siguradong-sigurado ako. Nagkatinginan kami at halatang nagulat din siya. Kaagad siyang tumalikod. Sinubukan kong sundan siya pero mabilis din siyang nawala sa paningin ko.
"Unnie!"
Jennie's here.
"Oh, Jendeuk!?"
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Sssshhhh. We'll get through this, okay?"
Hindi ako puwedeng maging mahina ngayon.
"Pasok muna tayo sa loob, kanina ka pang hinihintay ni Tita."
Bumitaw kami sa pagkakayakap bago pumasok sa loob.
"Hindi ko yata kayang makita siya habang nakahiga at walang buhay."
Hinawakan ko ang nanginginig niyang mga kamay.
"Nandito lang kami h--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tawagin ni tita.
"Jen, anak! Kanina pa kitang hinihintay."
"Sorry po. So-rry."
Nagyakap sila. Panandalian akong tumalikod. Hindi ko kayang makita ang ganitong sitwasyon.
"Chu," tinawag ako ni Chaeng.
Lumapit ako sa kaniya at iniwan ko na muna sina Jen. Nakita ko na lang na pumasok sila sa kuwarto. Mabuti na rin siguro 'yon para makaiyak sila at makapag-usap nang malaya.
"Anong sabi ng mga pulis?" tanong ni Chaeng.
"Hanggang ngayon ay wala pa ring balita."
Halos hindi kami tumitigil sa paghihintay ng balita sa mga pulis. May mangilan-ngilan ding bantay rito. Baka raw kasi balikan pa kami. Hindi raw ligtas at 'wag daw kaming makakampante. Bakit kaya hindi na lang patayin kaming lahat para natatapos na 'to?
"Sinong bantay sa mga bata?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Nandoon naman sina mama, safe sila. Wala kang dapat ipag-alala."
Mayamaya pa ay lumabas na rin sina Jen. Mas lalong namaga ang kanyang mga mata.
Lumapit siya sa puwesto namin.
"Gusto mo bang manatili na muna rito?" tanong ko.
"Gusto ko na munang umuwi, Unnie. Gusto kong makita si Rj."
Nagpaalam lang kami kina tita at umuwi na rin kami. Halos walang nagsasalita sa loob ng sasakyan.
"Ako na lang magda-drive, Chu?"
"Kaya ko na 'to, Chip. Umidlip na muna kayo. Gigisingin ko na lang kayo kapag nasa bahay na tayo."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahang pinisil.
"Thank you."
Nakatulog na rin siguro si Jennie.
Halos mabaliw kami sa pagkawala ni Lisa. Kung saan-saan namin siya hinanap. Nagpatulong na rin kami sa mga pulis. Wala kaming kaalam-alam na involved pala si Seul dito. Bakit? Ang tagal naming hindi nagkita at hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon kami muling pagtatagpuin. Malupit ang mundo, malupit ang mga tao. Nagiging malupit ang mga tao dahil na rin mismo sa mga tao. Nilalamon ng inggit, ng galit, ng pangungulila. At hindi lahat ng iyon ay kayang tanggapin ng mga tao. Nakakalungkot sa parteng natatalo ng emosyon ang isipan. Nasasakop nito ang buong sistema ng tao sa puntong nakagagawa tayo ng mga bagay na hindi dapat.
"Ang lalim naman ng iniisip mo."
Gising na pala si Chaeng. Tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.
"Gigisingin ko na si Jennie."
Marahan niyang tinapik si Jennie.
"Nandito na tayo."
Bahagya siyang dumilat kahit magang-maga ang mga mata niya.
"Pagod na ako."
Sino bang hindi mapapagod?
"Maayos din ang lahat. Tuloy lang tayo palagi, ha?"
Tumango lang siya.
Bumaba na rin kami at---
"Mama?!"
Takbong-takbo si Rj at mahigpit niyang niyakap si Jennie. Nagpakarga ito bago pinaulanan ng halik ang buong mukha nito.
"I miss you. I miss you." Wala pa ring tigil sa paghalik si Rj.
"Rj, pagod si mama mo. Let her rest muna, okay?" mahinahon kong turan.
Sandaling nalungkot ang mukha ng bata pero kaagad din naman itong ngumiti.
"Hmm, okay. Tabihan ko na lang po siyang matulog habang wala pa si Mama Lisa."
Nagkatinginan kaming tatlo. Paano kaya namin sasabihin sa bata?
"Nasaan ang ate Jiro mo? Sina mama?" pag-iiba ni Chaeng sa usapan.
"Tulog na po silang lahat. Tulog na po kaming lahat kanina. Bigla lang akong nagising at naisip kong hintayin na lamang kayo."
"Una na kami Unnie ha. Magpapahinga na rin kami. Kayo rin, alam kong pagod na pagod din kayo." Nagpaalam na si Jennie habang karga-karga si Rj.
Pagkaalis ni Jennie yumakap ako kay Chaeng. Doon ko lang maramdaman ang pagkapagod at panghihina.
"Ssshhh, it's okay. I'm here. We're here. Hindi mo kailangang dalahin lahat. I love you, okay? We'll get through this. Tayo pa ba? Marami nang nangyari para basta na lamang sumuko."
Gumanti siya ng yakap. Payapa. Kalmado.
May mga galos pa rin ako na hindi pa gano'n naghihilom. Sooner or later mawawala na rin 'to, pero 'yong sugat na iniwan ni Seul? Hindi na. Hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin 'to, sa amin. Ganoon siguro kalalim ang sugat ni iniwan sa kanya ng kung sino man.
"Pahinga na tayo?"
"Sige, maliligo lang ako at susunod na rin ako."
Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto namin. At ako nama'y ganoon din, sa CR nga lang ako dumeretso.
Nagbabad ako sa tub. Halos hindi ko na maramdaman ang lamig ng tubig sa rami ng nangyari ngayong araw. Gusto ko na lamang maglaho kahit panandalian lamang. Unti-unting dumidilim ang paningin ko. Hindi ko namalayang nalatulog na pala ako sa sobrang pagod.
Lisa, bumalik ka na, please.
(Update! Sorry, pinag-alala ko kayo. Hindi na mauulit. Mahal ko kayo. Totoo. Yakap. Tatlong update para sa inyo.)