L I S A
Two days. Two days na akong nandito. Sobrang sakit na rin ng pulso ko dahil sa tali. Hindi niya pa rin kinakalas ito, baka raw makatakas pa ako. She's a good friend kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Hindi naman niya ako sinasaktan, ang nakapagtataka lang nararamdaman kong tinatabihan niya ako tuwing inaakala niyang natutulog na ako. Marahan niya idinidikit ang kaliwang tainga niya sa dibdib ko at pagkatapos ay ang palad naman niya ang ilalapat niya rito. Parang pinakikinggan at pinakikiramdaman niya ang bawat pagtibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makausap nang maayos. Palagi niyang inililigaw ang usapan.
"Kumain ka na, aalis tayo."
Hindi ko namalayang nandito na pala siya sa loob ng kuwarto. Lumapit siya sa akin at ibinaba niya ang niluto niyang pagkain. Buong tatlong araw na niya akong ipinagluluto. Hindi ko alam kung bakit niya ako ikinulong dito. Hindi naman niya ako sinasaktan, wirdo lang sa pakiramdam.
"Saan tayo pupunta?"
"Wag ka nang marami pang tanong."
"Seul," sinubukan kong lumapit sa kanya kahit pa
Mas malungkot ang mga mata niya ngayong araw.
"Lis, please. 'Wag ka na munang magsalita."
Ngayon niya lang ulit ako tinawag ng Lis. Magkaklase kami noong college. Napalayo lang naman siya noong nagpunta siyang New Zealand. Lumipat siya ng school at hindi rin naman siya nakapagpaalam nang maayos. Ang sama lang na sa ganitong sitwasyon kami muling nagtagpo.
Nanatili akong nakaupo habang nagsimula na siya sa pagpapakain sa akin. Huling araw ko na ba rito sa lupa? Masyado niya akong binubusog pakiramdam ko tuloy mamamatay na ako.
"Seul, medyo masakit na kasi ang pulso ko. Puwede bang kalasin mo na lang ang tali. Hindi kita tatakasan," pakikiusap ko.
Bigla siyang napatingin sa likuran ko. Mabilis niyang kinalas ang tali nito.
"Sorry, sorry."
Parang nadagdagan ang life span ko pagkatanggal niya ng tali sa pulso ko. Mahapdi pero kaya ko naman.
"Lalabas lang ako. May mga binili akong damit. Maligo ka at magbihis nang maayos."
Lumabas din siya kaagad habang naiwan akong nalilito. Tatakas ba ako? Pero nangako ako.
Dali-dali kong kinuha ang mga damit na binili niya at naligo na rin ako. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung bakit siya nagkakaganito.
***
Nandito na kami sa sasakyan, nakapagtatakang wala siyang isinama kahit isang tauhan man lang. Hindi ko alam kung nakuha ko na ba ang tiwala niya o ano.
"Wag kang magtatangkang tumakas. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, Lisa."
May kakayahan ba talaga siyang pumatay? Kaya niya ba talaga akong patayin?
Nag-umpisa na siyang magmaneho. Nakatutok ang mata niya sa kalsada pero halatang malayo at malalim ang iniisip niya. Wala na ang Seul na sobrang masayahin at mapagbiro.
Hindi rin naman kalayuan ang pinuntahan namin kaya mabilis lang din kaming nakarating.
Anong ginagawa namin dito? Kinuha niya ang isang bungkos na berdeng rosas. Pagkasakay ko pa lamang sa sasakyan ay napansin ko na ito. Hindi na lang din ako nagtanong dahil hindi rin naman siya sasagot. Ayaw kong makadagdag sa dinadala niya, kung ano man iyon.
"Baba," tipid niyang turan.
Mula sa malungkot na mga mata ay napalitan ito ng sakit at pangungulila.
Naglakad kami patungo sa may katamtamang laki ng rebulto ng isang anghel. Marahil ay ito ang kanyang palatandaan.
"Sino bang pupun---"
Hindi ko na natapos pa ang tanong ko dahil sa nabasa ko.
"Irene Bae-Kang."
Tangina.
Paano? Bakit siya nandito? Totoo ba 'to?
"Nagulat ka ba? Ako rin e."
Kalmado ang pagsasalita niya ngunit ramdam na ramdam ko ang bigat.
"Masaya naman kami bago kami umuwi rito. Nasa maayos ang lahat. Not until magkita ulit sila ni Jennie," nagsimula na siyang magkuwento.
Bakit napasama si Jennie rito?
"Nagkita ulit sila dito sa Korea. Hindi ko naman alam na magkakilala pala sila."
"Paanong---?"
"Umalis ka na. Bumalik ka na sa kanila bago pa magbago ang isip ko."
Naguguluhan na ako. Bakit biglang basta na lamang niya ako patatakasin? Baka katulad 'to ng mga napapanuod ko sa pelikula na patatakasin pagkatapos ay babarilin. Hindi naman siguro.
"Seul, bakit?"
Ibinaba niya ang dala niyang rosas at bigla niya na lamang akong niyakap.
"I'm sorry, Lisa. Hindi ko 'to dapat ginawa. Masyado akong nagpalamon sa galit ko sa inyo ni Jennie. Akala ko kapag naramdaman ni Jen ang naramdaman ko noong nawala si Irene gagaan ang pakiramdam ko pero mas lalo lang akong nalulong sa kalungkutan."
"Seul, i'm sorry. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero puwede ka pang bumawi. Puwede mo pang ayusin ang lahat." Humigpit ako sa pagkakayakap sa kaniya. Gusto kong maramdaman niyang walang nagbago, na ako pa rin 'to, na kami pa rin 'to.
"I'm sorry, Lisa. Please, pakisabi na rin kay Jennie na hindi ko sinasadya."
Hindi ko namamalayang umiiyak na pala kaming pareho. Hindi ko siya masisisi kung bakit niya nagawa ito. Kahit naman siguro ako?
Bumitaw kami sa pagkakayakap.
"Wala siyang ibang inisip kundi ang paano niya kayo maisasalba nang sabay. May mga pagkakataong nagtatampo na ako sa kanya kasi wala siyang ibang bukambibig kundi kayong dalawa." Pinahid niya ang luhang walang tigil sa pagdausdos sa kanyang pisngi.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kung anong dapat sabihin. Sobrang bigat sa pakiramdam.
"I'm sorry, Seul. Hindi ko alam. Wala akong alam."
"Yon nga e, wala kayong alam pero idinamay ko kayo sa galit ko."
"Naiintindihan kita, galit ka, nasasaktan, nangungulila. Pero pakiusap, 'wag mong susukuan ang buhay. Sigurado kung nandito si Irene 'yan din ang sasabihin niya sa 'yo."
Ngumiti siya nang mapakla.
"Umuwi ka na. Sigurado ako nag-aalala na sila sa 'yo. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko."
"Thank you, Seul."
Niyakap ko siya sa huling pagkakataon bago ako tumalikod at nag-umpisang magkalad papalayo.
"Hoy! Lisa!" Sigaw ni Seul at siya rin namang paglingon ko.
"Anong balak mo, maglalakad ka lang? Gamitin mo na 'tong sasakyan ko para makarating ka kaagad. Gumamit ka na lang ng GPS para makauwi."
Naglakad akong pabalik sa kanya.
"Catch!"
Basta na lamang niya itinapon ang susi ng sasakyan niya patungo sa direksyon ko. Baliw talaga 'to.
"Ingat ka, Lisa. Please. Magkikita pa tayo."
Tumango na lamang ako at naglakad papunta sa sasakyan. Akmang bubukasan ko ang pinto nang bigla akong makarinig ng malakas na putok ng baril.
Tang---
(After a month! Grabe. Miss na miss ko na kayo. Hahahaha. Buhay pa ba kayo? Nakakapahinga? Nakakakain nang maayos? Nakakatulog? Sana oo, ako kasi ay hindi masyado. Hahaha. Mga next month na ulit ang update. Hahaha. ILY!)