J I S O O
"Kailan ka pa rito, Jisoo?"
Lord, patawad.
"Kadarating ko lang, Ma. Dito na po ako kaagad dumeretso."
"Nag-almusal ka na ba? Maagang umalis sina Rosé. May kailangan lang daw silang asikasuhin sa Korea."
Naupo ako. Masyado pang maaga at sigurado akong tulog pa ang mga bata. Balak kong itakas ang mga bata. Not totally itakas, ipagpapaalam ko naman. Hindi nga lang kina Lisa kasi sigurado hindi ako papayagan, lalo na ni Rosé. Galit na galit siya sa akin e. And I can't blame her. Kasalanan ko naman talaga. Daig ko pa ang bula na basta na lang nawala. I had reasons, pero hindi 'yon sapat. Gusto kong bumawi at ngayon na ako magsisimula.
"You eat first, okay? Miss na miss ka na namin ng Dad mo. It's been what? Hindi ko na maalala." Bakas ang lungkot sa boses ni Mama.
"I'm sorry, Ma. Medyo nagkaroon lang po ng kaunting problema kaya hindi ako nakakadalaw. Pero inaayos ko na po. At sana matapos ko na kaagad ito." Ngumiti ako.
Umaasa akong makababalik pa kami sa dati. Itatama ko na ang pagkakamaling nagawa ko noon. Hindi na ako mawawala. Hinding-hindi na.
"Okay lang, naiintindihan namin." Hinawakan niya ang kamay ko bago tumalikod para maghanda ng pagkain.
"Coffee lang, Ma."
Nagtimpla siya ng kape at inilapag sa lamesa.
"Ma, hihiramin ko muna po sana ang dalawang bata, kung okay lang po. Ipapasyal ko sana. Medyo miss na miss ko na po kasi sila."
Finger crossed.
"Oo naman, wala namang problema. Tamang-tama lang ang dating mo. Kaya lang natutu--"
"Mamaaaaaaaaaaa?!"
Dali-daling tumakbo si Jiro papunta sa akin at niyakap niya ako. Gumanti ako ng yakap.
"Mama iyakin," pangungutiya ni Jiro.
"Namiss lang kita."
Umagwat siya at pinahiran ang luha ko.
Noong nasa Thailand pa lang sila, palagi akong tumatawag at si Jiro lang ang palaging nakakasagot. Malaki ang tampo sa akin ng anak ko. Ilang beses akong nagpaliwanag pero hindi niya ako pinapakinggan. Siya lang ang puwede kong maging kakampi. Dahil na rin sa kakulitan ko, nakausap ko siya nang maayos at napagpaliwanagan. Pero sekreto lang iyon. Hindi puwedeng malaman ni Chaeng.
"Magbihis ka na, Jiro. Ipapasyal daw kayo ng mama mo. Gisingin mo na rin si Lily ha."
Nagkindatan lang kami bilang senyas. Matalinong bata si Jiro. Manang-mana sa akin.
Lily ang tawag nila kay Rj, siguro dahil na rin sa Lilies? Haha. Pakiramdam ko lang naman. At alam ninyong tama ako.
Inubos ko lang ang kape at hinintay ko ang dalawang bata.
"May problema ba kayo ng asawa mo?"
Ghad.
"Misunderstanding lang, Ma. Pero okay naman po kami. Kaya nga po ako sumunod dito."
Sinungaling ka, Park Jisoo.
"Ayusin niyo nga, sa tinagal-tagal niyo nang magkasama ngayon pa ba kayo magkakaganyan?"
"Auntieeeeeeeee?!"
Kahit bihis na'y mukhang inaantok pa si Rj, manang-mana talaga kay Jendeuk.
Niyakap niya ako. At siyempre yayakapin ko rin siya pabalik. Hindi naman sa pagmamayabang pero usong-uso talaga ang yakap. Sana oil.
"I'll tell you a secret, don't tell it to anyone okay?"
Hindi ko alam kung puwede bang pagsabihan ng sekreto ang bata pero why not 'di ba?
Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.
"We're going to see someone special."
Ngumiti siya nang malawak. It's a surprise so walang clue. Sana matuwa siya and sorry for this, Lisa.
Nagpaalam na rin kami kina Mama. Isinakay ko ang dalawang bata sa likuran at nagmaneho na akong pauwi.
"Mama, okay lang po bang isama natin si Rj kahit hindi alam ni Mama Lisa?"
"Para din naman 'to sa kanila, 'wag mo munang sasabihin ha habang inaayos ko pa ang lahat."
"Okay, Ma. I trust you."
"Thank you, Baby. I love you and i'm sorry."
"It's all in the past, Ma."
Salamat na lang talaga at mabait itong anak ko. Atleast dalawa na lang ang problema ko. Si Rosé at si Lisa.
Walang traffic kaya mabilis lang din kaming nakarating. Nag-park lang ako at lumabas na kami ng sasakyan.
"Jisoo Unnie?"
Naalimpungatan si Rj habang karga-karga ko.
"Mama?!"
Bumaba siya at tumakbo papunta kay Jennie at yumakap.
Yes, kay Jennie.
Kahit litong-lito ay kaagad rin siyang gumanti ng yakap.
Tumingin si Jennie sa akin, nagtatanong. Ngiti lang ang aking nating tugon.
"I miss you, Ma."
Fudge! About that, hindi ko pa alam paano ko ipapaliwanag ang tungkol kay Lisa.
Apat na taon siyang na-coma. Isang taon pa lang pagtapos niyang magising at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang mga alaala niya. Hindi ko sinasadyang itago siya kay Lisa. Wala na akong nagawa dahil ito ang hiniling ng parents ni Jen. Hindi ko rin maintindihan ang dahilan nila. Basta kailangan lang daw nilang mailayo si Jen kay Lisa. Hindi niya raw puwedeng malaman na nabuhay si Jennie. At galit na galit ako dahil doon. Pero sino ba naman ako? Sila ang magulang. Wala akong magagawa kundi ang sumunod. Tinalikuran ko ang pamilya ko at si Lisa para kay Jen. Kung meron man akong pinagsisisihan, iyon ay ang pagsisinungaling ko. Limang taon akong nagtago sa kanila at limang taon ko ring itinago si Jennie kay Lisa. Sobrang sama kong tao. Handa ko nang tanggapin ang galit ni Lisa. Lalong-lalo na ni Rosé.
"Mama, stop crying." Niyakap ako ni Jiro.
Iiyak na lang ba ako palagi? I'm Jisoo i'm not okay.
"I'm sorry, baby. Babawi ako ha? Promise 'yan."
"Unnie, let's go inside. Nagluto ako ng pancake." Paanyaya ni Jennie.
Pumasok kami sa loob habang akay-akay ni Jennie si Rj.
"Pancake?! Favorite 'yan ng mama ko," nakangiting turan ni Rj.
Alam kong mas lalo lang nagdudulot ng pagkalito ang mga kilos at pananalita ng bata pero dito dapat magsimula ang lahat.
Naupo na kami sa dinning area habang nag-umpisa nang kumain ang mga bata. Sinusubuan ni Jennie si Rj habang ngiting-ngiti ito. Matutuwa si Lisa kapag nakita niya ito. Matutuwa nga ba siya?
"Mama, puwede ba tayong mamasyal mamaya?"
"Puwede naman, saan mo ba gustong magpunta?"
"Kay Mama Lisa po."
"Who's Lisa? Palagi mong binabanggit ang pangalan niya."
"Mama ko po, asawa ninyo."
Buhay ka pa ba, Jisoo? Asawa raw. Asawa. Pasmado ang bibig ng bata.