J E N N I E
Pagpasok ko ng hospital nadatngan ko si Unnie na nakahiga sa kama, may mga nakasaksak na kung ano sa katawan. At-
"Unnie?!"
"Jennie?"
Halos sabay kaming nagsalita. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Sino ba siya? Bigla na lamang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Pamilyar ang ganitong pakiramdam. Pamilyar ang nararamdaman pero hindi ang mukha ng taong ito.
Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Malungkot ba ito? Masaya? Nag-aalala? Nangungulila? Miserable? Umaasa? Nagmamahal? Hindi ko makapa. Wala akong makapa sa dibdib ko kundi espasyo. Malawak na espasyo. Punong-puno ako ng pagkalito.
"Li-"
Biglang pumasok si Chaeng. Tanda ko ang babaeng ito. Ang babaeng mahal na mahal ni Unnie. Gulat na gulat din siya. Ano bang nangyayari?
"Chaeng. Nakikita mo naman ang nakikita ko 'di ba?"
Hindi siya makapagsalita.
"Chaeng, sumagot ka." May diin ang bawat pagsasalita niya.
"May alam ka ba rito?"
Hindi na ako nakatiis.
"Hindi ko alam kung bakit mo ako kilala pero please lang, 'wag kayong mag-away rito. Hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ni Unnie?"
"Lisa, please. I'm sorry." Lumapit si Chaeng sa tinawag niyang Lisa.
"Kailan pa?" Bahagya siyang umatras para makaiwas.
"Alam ni Jisoo Unnie? Alam ninyong lahat?!" Sumisigaw na siya.
"Tangina, Roseann. Alam mo kung gaano ako naging miserable. Alam mong gusto ko nang mamatay sa pagkawala niya. Alam mo lahat. Mula umpisa alam mo lahat. Paano mo nagawa sa akin 'to? Paano niyo nagawa sa akin 'to." Umiiyak na siya.
Bigla akong nakaramdam nang masidhing pagkirot. Hindi ko rin maunawaan kung bakit.
"Lisa, pakinggan mo muna ako." Umiiyak na rin si Chaeng.
"Pakinggan? Ang alin? Ang mga kasinungalingam mo? Ano pa bang hindi ko alam? Ano pang itinatago mo?!"
Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan. Hindi galit ang nararamdaman niya. Pagtatraydor at kawalan ng tiwala.
"Enough!"
Doon pa lang sila tumigil.
"Kung gusto niyong mag-away, doon kayo sa labas."
Kagaad umalis si Lisa.
"Jennie-"
"Follow her."
Hindi ko alam kung ano niya si Lisa. Pero sa takbo ng usapan mukha kailangan nilang mag-usap nang sila lamang. Hihintayin ko na lang magising si Jisoo unnie. Siya lang ang puwede kong pagkatiwalaan.
Papalabas na si Chaeng nang biglang gumalaw ang daliri ni Unnie. Nagkatinginan kaming pareho.
"I'll call the doctor. Dito ka muna saglit."
Dali-dali akong lumabas ng room para hanapin ang doctor ni Unnie.
"Lumabas lang po siya sandali."
Napaka-wrong timing naman.
"Saang labas?"
"Tatawagan ko na lang po si Doc."
"Hindi na, pupuntahan ko na lang siya. Nasaan ba?"
"Sa may lobby lang po."
Kaagad akong lumabas at nahagip ng mata ko ang biglaang pagtigil ng puting van.
"Lisaaaaaaaa?-"
(Nag-a-update ako habang tumatagay at kumakanta. HAHAHAH. Sana wala akong typos. Drink moderately, guys. Okay lang si Otor niyo. Don't worry. Hahaha. Short update lang a.)