Chapter 24

549 13 0
                                    

L I S A

Home sweet home.

"Good morning, Love," bati ko kay Jennie.

"Lisa naman, inaantok pa ako. Mamaya na tayo bumangon," reklamo niya.

"Ngayon na ang araw," sagot ko.

"Hindi ba puwedeng ipagpaliban na muna natin?"

Nagtakip siya ng mukha gamit ang unan at saka bumalik sa pagtulog. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, napaka-antukin talaga. Mabuti na lamang at mahal ko ang taong ito.

Nahiga ako at sumiksik sa kanya.

"Home," bulong ko.

Ito 'yung pakiramdam na kontento na ako sa buhay. Dumarating pala talaga sa puntong wala ka nang mahihiling pa.

"I love you," sabi ko sabay yakap sa kanya.

"I love you more, Lisa. Hindi mo naman kailangang ulit-ulitin araw-araw, hindi ko naman 'yon nakakakalimutan at hindi ko makakalimutan," tugon niya bago kinuha ang braso ko at ginawang unan ito.

Habang lumilipas ang mga araw na kasama ko siya mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Walang araw na hindi ako natutulala habang tinititigan siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang natutulog ako at gumising na kasama siya at ganoon din ang anak namin.

"Baka kasi makalimutan mo," sabi ko.

Napatawa siya nang bahagya bago ako kinurot sa tagiliran.

"Aray," reklamo ko.

At kiniliti ko siya bilang ganti.

Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya, korni pero para akong hinehele sa alapaap.

Tumigil lang ako dahil halos hindi na siya makahinga.

"Mahal na mahal kita, Jennie Kim," buong puso kong pahayag.

Alam niyo ba 'yung pakiramdam na parang naiiyak ka sa sobrang tuwa? Parang sobra-sobra ang emosyon na hindi ko alam kung paano pakakawalan, paano ipakikita?

"Anong kasalanan mo, ha?" Mabilis siyang bumangon at inirapan ako.

"Anong anong kasalanan?" nalilito kong tugon.

"Bakit paulit-ulit mong sinasabing mahal mo ako? May ginawa ka na naman bang kalokohan?"

"Seryoso ka, Jennie? Mahal na mahal lang talaga kita," niyakap ko siya.

Hindi ko na talaga alam kung paano pa magpapatuloy kapag nawala pa siya sa akin. Baka hindi ko na talaga kayanin.

"Mahal na mahal din kita, okay? 'Wag ka nang praning diyan, hindi na ako mawawala," paninigurado niya.

May mga gabing basta na lamang ako magigising at hahanapin ko kaagad si Jennie. Natatakot akong baka isang araw magising na naman akong wala siya sa tabi ko.

"Wala kang dapat ipag-alala, hinding-hindi ako mawawala, dito lang ako sa tabi mo, sa 'yo," kinuha niya ang kamay ko at saka ubod nang gaang hinagkan ito.

"Magbihis ka na," sabi ko sabay takbo pagkatapos ko siyang nakawan ng halik sa labi.

"Lisaaaaaaa!"

Tatatawa-tawa akong lumabas ng kuwarto.

"Hindi ka pa nakakabihis?"

Nagulat ako sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Humila ako ng upuan at naupo rito.

"Di ba may lakad tayo ngayon?"

Ayaw ko siyang kasama. Mas gusto kong magpunta nang mag-isa. At isa pa, kasama ko na si Jennie. Magagalit 'yon kapag nakita niyang may kasama akong iba.

"Ako na lang unnie, bantayan mo na lang si Rj," sagot ko.

"Lisa," bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Okay lang ako," paninigurado ko.

"Mukhang hindi, kumain ka na ba?"

Tumayo siya at nag-umpisa na siyang magluto.

"Please naman Lisa, 'wag mong pinababayaan ang sarili mo. Tingnan mo nga, ang payat-payat mo na," litanya ni Jisoo Unnie.

Ano bang magagawa ko kung payat talaga ako? Kumakain naman ako.

"At bawasan mo na ang pag-iinom mo ha? Hindi 'yan nakakatulong sa 'yo," dagdag niya.

Araw-araw siyang pumupunta rito para i-check ako kahit hindi naman kailangan.

"Eat," utos niya.

Tiningnan ko ang niluto niyang pagkain.

Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako habang kumakain.

I miss you ...

Niyakap niya ako nang mahigpit. Alam kong kahit hindi ako nagsasalita ay alam niya ang nararamdman ko.

•••

Short update. Back on track na ulit tayo. HAHAHA. Sorry. Tagal ng update. Inabot ng hiatus parang BLACKPINK lang a. Recently, puro english book binabasa ko. Nahihirapan na akong magsulat sa Filipino. Hahaha. Hindi ko na alam ang tamang gamit ng salita. *Face palm*

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon