Chapter 5

1.2K 31 44
                                    

L I S A

"Why not?"

Tumawag ang mama ni Chip, kung puwede raw kaming dumalaw sa kanila. Miss na miss na raw nila si Jiro at ganoon na rin si Rj. Ang ipinagtataka ko ayaw niyang pumuntang New Zealand.

"Kababalik lang natin dito tapos pupunta naman tayong New Zealand? Halos wala pa nga tayong two weeks dito." Bakas ang pagkainis niyang turan.

"May problema ba, Chip?"

Lately nagiging iritable siya. Kapag tinatanong ko naman kung anong problema hindi siya nagsasalita. Madalas nahuhuli ko rin siyang tulala. Iniisip ko na lang na baka namimiss na naman niya si Jisoo Unnie. At mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagka-guilty. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya.

"Walang problema, Lisa. Maayos ang lahat."

Sinungaling.

"Kung ayaw mong sumama kami na lang tatlo ang pupunta. Minsan lang mag-request sina Mama hindi mo pa mapagbigyan."

"At talagang tutuloy kayo kahit wala ako?"

"Nag-aaway po ba kayo?"

Hindi ko namalayang nandito na pala ang dalawang bata.

"At talagang sa harap pa ng mga bata ha." wika ni Naeyon Unnie.

Kaninang umaga dinala ko muna sila sa café, para kasing inip na inip na sila rito sa bahay. At isa pa nga itong laging iritable si Chip. Baka mapagbuntunan pa ang mga bata. Never 'tong nagkaganito, ngayon lang talaga. At hindi ko maintimdihan ang dahilan.

Nagyakap kami ni Unnie, "Thank you. I owe you one."

Lumabas si Rosé at hinabol siya ni Jiro.

Kinarga ko si Rj.

"Hindi kami nag-aaway, baby. May pinag-uusapan lang kami." Hinalikan ko siya sa noo.

Tumango lang siya.

"Say bye to your Auntie."

"Bye, Nayeonbong."

Nayeonbong?

"Bye, Lily. Be good to your not so good mama, okay? Libre ulit kitang ice cream sa susunod." Hinalikan niya si Rj at nagpaalam na rin siya.

Pagkaalis ni Unnie ay bigla namang pagpasok ni Jiro, umiiyak.

"Mamaaaa!" Takbong-takbo siya papunta sa akin at bigla siyang yumakap sa bewang ko.

"I ha-te ma-ma Chip." Nagsisinok na ang bata kaiiyak.

Hindi ko siya mayakap dahil karga-karga ko si Rj. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala siya.

"Sshhh. Tahan na ha, sunod ka kay mama Lisa ha. Ibaba ko lang ang kapatid mo." Tumango lang siya at naglakad na kami papunta sa kuwarto nila.

Marahan kong ibinaba si Rj. Himbing na himbing ito.

Nanatiling nakaupo sa tabi ng kama si Jiro. Lumapit ako.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

Niyakap niya ako at umiyak lang siya nang umiyak. Niyakap ko siyang pabalik at hinayan ko lang siya hanggang sa kusa na rin siyang kumalma.

"Si Mama Chip po palagi na lang akong pinapagalitan kahit wala naman akong ginagawang masama."

Hindi ko rin alam kung anong isasagot. Gusto ko na rin ngang kausapin si Chaeyoung. Napapansin ko ngang madalas na niyang pagalitan si Jiro. Hindi lang ako nagsasalita. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Umiiyak na ang bata.

Bahala na kung magagalit siya.

"Pagpasensyahan mo na muna ang Mama Chip mo ha? Marami lang siyang iniisip ngayon. Pero may good news kami."

Umagwat siya at biglang sumigla ang kaniyang mga mata.

"Ano po 'yon?"

"Pupunta tayong New Zealand!"

Bigla niya ulit akong niyapos.

"Talaga po?"

Tumango ako.

"Thank you, Mama! The best ka talaga, unlike Mama Jisoo."

Jisoo? Baka nalito lang siya? Baka si Rosé talaga ang tinutukoy niya.

"Anything for you, Jiro."

"Walang aalis." Bungad ni Rosé.

Papatulan ko na 'to.

(Sige lang Lisa. Patulan mo na 'yan. Lol.)

"Bantayan mo muna si Rj ha? Mag-uusap lang kami ng mama mo."

Tumango siya biglang sagot at tuluyan na kaming lumabas ng kuwarto.

Hindi siya nagsasalita.

"Maiwan ka rito kung ayaw mo. Aalis kami ng mga bata." Basag ko.

"Hindi kayo aalis. Walang aalis."

Kailan pa 'to nagkaganito?

"Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo." sagot ko.

"Anak ko siya Lisa. Anak namin siya."

"Alam ko, at habang wala pa si Jisoo Unnie ako muna ang papalit sa kaniya para kay Jiro."

Hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.

"Wag mo nang hanapin ang mga taong matagal nang nawala. Hindi na siya babalik, Lisa! Wala nang Jisoo na babalik. Wala na ring Jennie. Kaya puwede ba, kalimutan mo na sila! Ikaw na lang ang hindi nakakaalis, Lisa! Kailan mo ba matatanggap na tayo na lang talaga ang nandito para sa isa't isa? Limang taon na silang wala at hanggang ngayon naghihintay ka pa rin ng pagbalik? Miserable ka pa rin? Sawang-sawa na akong makita kang ganiyan, walang direksyon, naliligaw."

Paano niya nagawang bitawan ang mga ganoong salita? Bakit parang napakadali lang sa kaniya ng lahat?

Hindi ako nagsasalita.

"Sorry, hindi ko sinasadya, Lisa." Aktong hahawakan niya ang kamay ko pero iniiwas ko ito.

"Hindi na ikaw ang Chaeyoung na nakilala ko." Bakas ang sakit sa mga salitang binitawan ko. Pakiramdam ko sinaksak ako nang libong beses sa mga sinabi niya.

"Lisa..."

Lumapit siya, lumayo ako.

"Aalis kami, kung gusto mong maiwan dito wala akong magagawa."

"Kapag sinabi kong walang aalis, walang aalis."

Mahinahon pero may diin ang pagsasalita niya.

"Hindi ikaw ang masusunod dito. Kung may problema ka sabihin mo, hindi 'yung sa amin mo ibabaling ang galit mo sa mundo. Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. Kalimutan sila? Palagay mo ba hindi ko sinubukan? Araw-araw kong pinaglalabanang 'wag silang hanapin. Araw-araw akong nagpapatuloy kahit gustong-gusto ko nang huminto, kahit gustong-gusto ko nang sumuko. Walang araw na hindi ko sila naiisip, na hindi ko siya naiisip. Ako dapat ang nawala e. Ako dapat hindi sila, hindi siya. Kung maaari ko lang ibalik ang panahon, kung puwede lang ipalit ang buhay ginawa ko na. Akala ko nauunawaan mo ako. Akala ko magkakampi tayo rito, Roseanne Park."

Tumalikod ako at nag-umpisang humakbang.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin pabalik, Lisa?"

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon