L I S A
"Lis, wake up," nagising ako sa marahang pagtapik niya sa aking braso.
"Later, Jen. Antok na antok pa ako," reklamo ko.
Halos wala pa akong maayos na tulog dahil sa photobook na tinatapos ko. Kulang na kulang ang maghapon sa rami ng dapat tapusin. Mabuti na lamang at nandito si Jen para alalayan ako.
"Gising na sabi. Nagluto na ako ng almusal," dagdag niya.
Nanatili akong pikit at hindi kumikibo. Naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng braso niya sa katawan ko.
"Mahal kita, bangon na," bulong niya.
Alam na alam niya talaga kung paano ako makukuha. Isang sabi lang ng mahal kita oo na agad ako sa lahat ng sasabihin niya.
Whipped.
"Mas mahal kita," tugon ko bago gumanti ng yakap.
At bilang nakilala kong palaban itong asawa ko, syempre hindi 'yan magpapatalo.
"Hindi, mas mahal kita," sagot niya.
See?
"Mas mahal nga kita," ganti ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at naupo sa gilid ng kama. Bumangon na rin ako para yakapin siya.
Daig ko pa ang linta na uhaw na uhaw sa yakap niya. Kung maaari nga lang isuot ko na siya sa bulsa para palagi ko siyang kasama kahit saan ako magpunta. Kaso, hindi naman puwede. Marami rin siyang kailangang asikasuhin bukod sa amin ni Rj.
"Ang clingy ha," natatawa niyang turan.
"I miss you," bulong ko bago humalik sa pisngi niya.
"Miss mo pa rin ako kahit araw-araw tayong magkasama? Kahit halos magkapalit na tayo ng mukha dahil dikit ka nang dikit sa akin?"
"Aba! Oo naman, walang araw na hindi kita namimiss, kahit nandyan ka lang sa tabi ko hinahanap-hanap pa rin kita. Puro ka na nga lang trabaho e, nagseselos na ako riyan. Kaunti na lamang at baka ipakasal na kita," sabi ko bago ko siya inirapan.
Tinawanan niya lang ako bago ninakawan ng halik sa labi.
"Teka! Madaya!"
Tumayo siya ngunit kaagad ko rin namang nahawakan ang kamay niya. Hinila ko ito at sabay kaming napahiga sa kama.
"Mahal na mahal kita, Lisa. Mahal na mahal," sabi niya at muli niya akong hinalikan sa labi.
Korni, pero kapag pala nagmamahal ka hindi ka napapagod magsabi na mahal na mahal mo siya kahit pa nga paulit-ulit ka na lang din. Kahit pa gasgas na, kahit libong beses mo nang inulit-ulit, hindi nakakasawang pakinggan. Gano'n at gano'n pa rin ang epekto nito sa puso mo. Parang hinahaplos ka, niyayapos at hinahagkan.
Gosh, Jennie Kim. Lumalala pagiging korni ko.
"Sumunod ka na ha? Lalamig ang pagkain. Sige ka, hindi na ulit kita ipagluluto."
Ngumiti siya nang malawak bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Nagpalit lang ako ng damit at sumunod na rin ako sa kanya.
"Miss ka na ng anak mo, kailan mo ba siya balak dalawin?" bungad ni Jisoo unnie pagkalabas ko sa kuwarto.
Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na nakita ko ang anak ko. Miss na miss ko na rin siya pero hindi niya ako puwedeng makita na ganito ka-miserable. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa aayusin ang sarili ko. Walang-wala na ako, hindi ko na alam kung paano magsisimula ulit.
"Daan ka naman ng mall, unnie. Bilhan mo siya ng laruan, ng kahit anong gusto niya," sabi ko.
"Lis, hind na bata ang anak mo. Hindi siya palaging makukuha sa mga pasalubong. Nanay ang kailangan niya hindi laruan," litanya ni Unnie.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam kong may bahagi sa pagkatao ko na nayanig dahil sa sinabi niya. Gusto ko nang gumising sa mahimbing na pagkakatulog sa nakaraan pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano makakalimot. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Walang araw na hindi ako nangungilila sa kanya. Walang araw na hindi ko siya mahal. Pagod na pagod na ako.
"Walang ibang makakatulong sa 'yo kundi ang sarili mo," dagdag ni Unnie.
"Ano bang gusto mong gawin ko?!" hindi ko naiwasang pagtaasan siya ng boses na ikinagulat niya.
Sa tinagal-tagal na naming magkakilala, ngayon ko lang siya napagtaasan ng boses. Hindi na ako magtataka kung sasama ang loob niya.
"Sorry," tipid kong tugon.
"Sana maisip mo rin na hindi lang ikaw ang nawalan, hindi lang ikaw, Lisa," sagot niya. Alam kong nasaktan siya dahil sa naging reaksyon ko at hindi ko na mababawi iyon.
"Sinusubukan ko naman. Sinusubukan ko," napasabunot na lamang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Isang taon na, Lisa. Isang taon na. Hanggat hindi mo kinakalas ang pagkakatali mo sa mga alaala niyo, hinding-hindi ka makakaalis sa sakit. Hindi ka makakalimot. Patawarin mo na ang sarili mo," lumapit siya sa akin para yakapin ako.
"Hindi ko na alam ang gagawin," tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap-yakap niya ako.
"Let her go, Lisa," iyon ang huli niyang sinabi bago ako nawalan ng malay.
Nagising na lamang akong nakahiga sa kama habang nakayakap sa akin si Rj.
Payapa ang pagtaas-baba ng balikat niya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
"Don't cry, Mama," hindi ko namalayang nagising na pala siya.
"Mama loves you too," dagdag niya bago pinahiran ang mga luha ko.
"Just the two of us again, baby. Don't leave me like what your mama did. I can't lose you," ikinulong ko siya sa mga bisig ko at saka hinagkan sa ulo.
•••
Getting there, guys. Haha. Thoughts? Talk to me namaaaaan. Hahaha. Thank you sa 8K reads. Gonna miss you. *cries in baybayin*