Xioa Zhan as June Ynarez
CHAPTER 1
"Nandito siya sa loob!" sigaw ng isang sundalo.
"Nandito siya sa taas!" tugon naman ng isa pa.
Hindi malaman ng bawat isa kung saan sila tutungo. Lahat ay nagmamadali upang sila ang makapatay sa natatanging may tatak ng gintong dragon sa kaniyang batok na si Long Yi Jun. Sumisimbulo ito ng kapangyarihan na kinakatakutan ng bawat angkan. Naniniwala sila na kung hindi nila ito makukuha ay mas mabuting paslangin na lang ito bago pa maghasik ng kapahamakan.
Ilang palapag ang inakyat ni Long Yi Jun para lang matakasan ang mga sundalong humahabol sa kaniya. Gumamit siya ng Fulu upang lumikha ng mga imahe niya para malito ang mga sundalong humahabol sa kaniya. Nais siyang patayin ng mga ito hindi lang dahil sa natutulog na kapangyarihan sa kaniyang katawan kundi dahil rin sa mga bintang sa kaniya na hindi naman niya ginawa. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay tila mauunang malagutan siya ng hininga sa kakatakbo bago pa siya maabutan ng mga sundalo.
Nang marating niya ang pinakatuktok nito ay wala na siyang mapuntahan. Sa pinakamataas na tore ng Tianmen ay tanaw na tanaw ni YiJun ang buong kaharian kung saan naging tahanan na niya sa loob ng higit isang taon. Pumikit siya habang ninanamnam ang hangin na dumadampi sa kaniyang balat dahil alam niyang ito na ang huling sandali na mararamdaman niya ito. Hindi niya magawang tumakas gamit ang kaniyang espada para paliparin ito sa himpapawid dahil kasalukuyang kinumpiska ito ng hari. Hawak-hawak niya sa kanang kamay niya ang isang Kristal na kulay lila na mas lalong nagiging kulay itim habang tumatagal na hawak-hawak niya ito. Hindi naging madali sa kaniya para makuha ang bagay na to kaya gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ito. Habang pinagmamasdan niya ang Kristal ay naramdaman niya na may tao sa kaniyang likuran. Mabilis ang naging reaksyon niya ay napaatras siya mula sa taong iyon.
"Yijun!" sambit ng lalaking nakasuot ng puting chang pao na may nakaburdang kulay asul na dragon sa likuran ng kaniyang kasuotan na sumisimbulo ng kaniyang pagiging maharlika. Ngumiti ang binata nang makilala niya ang lalaking tumawag sa kaniya.
"Nandito ka rin ba para patayin ako?" tanong niya at nagbigay siya ng hilaw na tawa.
"Hindi mo kailangang gawin ito" tugon ng lalaki sa kaniya na lalong kinainis niya pero imbes na magpakita ng galit ay tumawa siyang muli.
"Pare-pareho lang kayo! Alam ko naman na ang kapangyarihan ko lang ang gusto nyo sa akin. Ngayon na hindi nyo na ako mapapakinabangan ay basta-basta nyo na lang akong papatayin?" tuluyang sumabog ang galit sa damdamin ni Yijun habang binabanggit ang mga salitang iyon. Habang tumatagal ay lalong nagdidilim ang kulay ng Kristal at unti-unting nagkakaroon ito ng bitak.
"Yijun makinig ka sa akin!" sigaw ng lalaki upang maagaw ang pansin nito na kasalukuyang nakatitig sa Kristal na malapit ng mabasag. Pinangangambahan niya na maaaring ikamatay ni Yijun ang pagsabog ng Kristal na kaniyang hawak-hawak kaya ginagawa niya ang lahat para mapigilan siya sa kaniyang binabalak.
"Kung wala kang balak na paslangin ako, bakit hindi mo magawang bitawan yang sandata mo?" tanong ni Yi Jun at ang lalaki naman ay napatingin sa kaniyang hawak-hawak na sandata.
"Nagkakamali ka dahil ka-" natigilan sa pagsasalita ang binata nang marinig niya ang sigaw ng isang sundalo.
"Nandito siya sa itaas!" sigaw nito. Nawala ang atensyon ng binata kay Yijun kaya naman sa huling lakas na meron si Yijun ay ginamit niya ang natitira niyang Fulu para manipulahin ang sandata ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat na lang ang binata nang hatakin siya mismo ng kaniyang sandata palapit kay Yijun at huli na nang mapagtanto niya ang nangyari. Kasalukuyang nakasaksak ang kaniyang sandata sa dibdib ni Yijun.
"Hindi, hindi, hindi ito maaari" sambit ng binate na hindi alam kung anong gagawin lalong lalo na nang makita niya ang pagdaloy ng dugo mula sa dibdib ni Yijun patungo sa kaniyang sandata.
"Ngayon....masaya akong mamamatay dahil sayo" pinilit niyang ngumiti habang dumadaloy ang dugo mula sa kaniyang bibig at pinagmamasdan ang mukha ng binatang nasa harapan niya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong lumuha. Ilang beses na niya itong nakitang magalit at matawa sa kaniya pero ang pagluha nito ay nasilayan niya sa unang pagkakataon. Nanginginig man ang kaniyang kamay ay nagawa niyang haplusin ang mukha nito at sa kaniyang huling hininga ay nasabi niya ang salitang.
BINABASA MO ANG
Enigma (BL)
FantasyIsang engkwentro sa daan ang naging dahilan upang maaksidente si June at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising ay napunta siya sa isang misteryosong lugar na kung saan may bundok na lumulutang sa himpapawid. Sa loob nito'y may kaharian na kung saa...