Chapter 3: The legend of the four beasts

838 69 13
                                    

Yibo as Shufen and Zhan as Yijun

Nag-aalangan man si Yijun ay ginawa niya pa rin ang nais ng prinsepe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nag-aalangan man si Yijun ay ginawa niya pa rin ang nais ng prinsepe. Habang siya ay naghuhubad ng kaniyang pang-itaas na kasuotan ay hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang magandang kutis ng prinsepe nang masilayan niya ang pangangatawan nito. Kagaya niya ay naghuhubad na rin ito ng kaniyang pang-itaas na kasuotan. Sobrang kinis ng kaniyang balat na akala mo ay isang dilag na hindi nakakaranas ng anumang galos sa buong buhay nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig dito at nagulat na lang siya nang tumingin ng masama sa kaniya ang prinsepe. Hilaw na tawa na lang ang kaniyang naging tugon.

Nang maupo ang prinsepe sa sahig ay sinunod niya rin ito. Kasalukuyang magkaharap sila at kapwa walang saplot ang pang-itaas na katawan. Pinalapit pa siya ng husto ng prinsepe hanggang sa magdikit na ang kanilang mga tuhod sa kanilang pagkakaupo. Pumikit ang prinsepe at nagkumpas gamit ang dalawang kamay upang simulan ang seremonyas. Tahimik lang na nagmamasid ang binatang si Yijun habang manghang mangha siya sa bilis ng kamay ng mahal na prinsepe.

"Wow anong ninjustu kaya ang gagawin nito?" hindi niya mapigilang itanong sa sarili dahil may pagkakahalintulad ang pagkumpas ng prinsepe sa paborito niyang palabas kaya akala niya ay ganun din ang ginagawa ng mahal na prinsepe.

Ilang sandali pa ay bigla na lang nagliwanag ang paligid nila dahil sa kakaibang enerhiya. Ang enerhiyang ito ay pumalibot sa bilog na kainauupuan nila kung saan nahahati ang kulay nito sa dalawa. Ang nasa kanang bahagi ng bilog kung saan nakaupo si Shufen ay may enerhiyang kulay puti na kumakawatan sa konsepto ng Yang at sa kaliwang bahagi kung saan nakaupo si Yijun ay may enerhiyang kulay itim naman na kumakatawan sa konsepto ng Yin.

Kinuha ng prinsepe ang kanang kamay ni Yijun at gamit kaniyang daliri ay gumuhit siya ng mga titik sa palad ng binata. Napangiwi sa hapdi si Yijun habang ginuguhit ni Shufen ang mga titik sa kaniyang palad. Para bang pinaso ng apoy ang kaniyang palad sa bawat pagghuit ni Shufen dito. Matapos gawin ni Shufen ang paglikha ng titik ay binitawan niya kaagad kamay nito. Napahawak si Yijun sa kaniyang kamay dahil sa labis na panghahapdi nito. Kagaya ng ginawa ni Shufen sa binata ay gumuhit rin siya ng titik sa kaniyang kanang palad. Hindi napigilang mapatingin ni Yijun sa kaniyang kamay kung saan may nakasulat dito na salitang intsik. Ang nakakapagtaka ay nagagawa nyang basahin ang nakasulat dito. Bago pa man niya mabanggit ang salitang nakasulat sa kaniyang palad ay kinuha kaagad ni Shufen ang kaniyang kanang kamay at nilagay ito sa kaniyang kaliwang dibdib. Nagulat si Yijun sa pagkakalagay ng kaniyang kamay sa dibidb ng prinsepe at ninais niya pang tanggalin ito pero hindi niya magawa dahil tila nakadikit ng husto ang kamay niya dito. Tila may kakaibang enerhiya na nagmumula sa katawan ng prinsepe at dumadaloy ito papunta sa kaniyang kamay hanggang sa kaniyang buong katawan.

Labis ang init na nararamdaman ngayon ni Yijun at lalo pa itong nadagdagan nang ilapat ng prinsepe ang kaniyang kanang kamay sa dibdib ng binata. Hindi malaman ni Yijun kung anong gagawin dahil tila sasabog ang kaniyang katawan sa sobrang init nito. Tanging pag-iling ng kaniyang ulo ang kaniyang nagagawa habang nakapikit ang mga mata. Habang tumatagal ay pakiramdam niya ay nasusunog na ang kaniyang dibdib dahil parang may nagbabagang apoy sa loob nito. Unti-unti siyang nanghihina habang hawak ang kaniyang paningin ay nagpapaikot-ikot. Habang tumatagal silang nakaupo ni Shufen ay lalo siyang nanghihina. Nang mapatingin siya sa ibaba ay tila nilamon siya nang labis na pagkaantok at muntikan nang masubsob pero bumalik nagulat na lang siya nang may tumama sa kaniyang ulo.

"Aray!" napahiyaw siya sa labis na sakit nang may tumama sa ulo niya. Kasalukuyang nakapikit pa rin ang binata at laking gulat niya nang makita niyang magkalapit ang mukha nila ng prinsepe. Kasalukuyang magdikit ang kanilang mga noo at kung saan ramdam na ramdam ng bawat isa ang malalim nilang paghinga.

"Anong ginagawa mo?" hindi mapigilang itanong ni Yijun dahil sa labis na pagkailang nang magkalapit ang mukha nila ng prinsepe.

"Huwag na huwag kang pipikit at huwag na huwag kang yoyoko!" mariing sabi nito. Walang kaalam-alam si Yijun na ginagamit ng prinsepe ang kaniyang noo upang alalayan ang ulo ni Yijun na hindi mapayuko at mapapikit dahil sa oras na pumikit siya ay mawawalan siya ng malay. Ilang sandali pa ang nagtagal at nanatiling magkalapit pa rin ang mga mukha nila. Patuloy pa rin sa pag-inda ng sakit ang binatang si Yijun hanggang sa muling magkumpas ang prinsepe gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

"Arrggh!!" hindi mapigilang mapasigaw ni Yijun dahil sa labis na sakit na kaniyang nadarama at sa isang iglap ay parang may sumabog mula sa kaniyang katawan. Kasabay nito ang pagkakabitaw ng mga kamay mula sa dibdib ng isa't isa.

Napayuko si Yijun habang hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib. Hindi niya mawari ang sakit na nadarama dahil para bang ang kaniyang puso ay tila natutunaw sa labis na init na nadarama. Hinahabol niya rin ang kaniyang paghinga na para bang lumangoy siya mula sa pinakailalim ng karagatan. Hindi nagtagal at dumaloy sa buong katawan niya ang init na nagmumula sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang buong katawan. Napatingin siya sa kaniyang mga palad na tila nagliliwanag dahil sa enerhiyang nakapalibot dito.

"A-anong nangyayari sa akin?" natataranta niyang tanong dahil sa hindi kakaibang karanasan na iyon.

"Nabuksan na ang iyong kaibuturan" tugon ng prinsepe habang tumatayo.

"Kaibuturan?" muling tanong ng binata.

"Ang kaibuturan ay ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng bawat imortal. Ang enerhiyang nagmumula rito ay ang ginagamit namin sa pagmanipula ng mga bagay at paggamit ng salamangka. Kapag nasira o nawala ang iyong kaibuturan ay magiging isang mortal ka na lamang" pagpapaliwanag ng prinsepe habang inaayos niya ang kaniyang kasuotan. Nabaling naman sa iba ang tingin ni Yijun dahil hindi niya namalayan na nakatingin pala siya sa prinsepe habang nagbibihis ito ng pang-itaas niyang damit.

"Ahhhh...Ang ibig mong sabihin ay isa na akong imortal?" tanong ng binata habang nakatalikod ang prinsepe sa kaniya. Ang kaliwang kamay nito ay kasalukuyang nakalagay sa kaniyang likuran na para bang isang mandirigmang nakatayo upang magbantay.

"Hindi pa" tugon nito sa kaniya habang nanatiling nakatalikod.

"Anong hindi pa?" napatayo ang binatang si Yijun mula sa kaniyang kinauupuan. Bahagyang napalingon ang prinsepe sa kinaroroonan ng binata at muling iniwas ang kaniyang tingin. Saka lang napansin ni Yijun na ang kasuotan niya ay halos bumagsak na sa kaniyang tuhod. Dali-dali siyang hinatak ito pataas at inayos ang kaniyang kasuotan. Sa sandaling naayos na ni Yijun ang kaniyang kasuotan ay kaagad humarap sa kaniya ang prinsepe.

"Hindi ka pa ganap na imortal dahil marami ka pang hindi kayang gawin na nagagawa naming mga imortal. Kinakailangan mong mag-insayo sa paggamit ng iyong enerhiya sa pagmanipula ng mga bagay-bagay at paggamit ng salamangka" pagpapaliwanag ng prinsepe sa kaniya. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa pananabik na magawa ang mga bagay na binanggit sa kaniya.

"Teka lang, ano bang gusto mong gawin kong magic ha? Yung kagaya ba ng sa Harry Potter?" masaya niyang tanong habang ang prinsepe ay nakatingin sa kaniya na para bang walang naiintindihan sa kaniyang mga sinasabi.

"Oohhh... Oo nga pala, Chinese nga pala. Alam ko na Ice Fantasy? Ashes of Love?" tanong niya at kagaya kanina ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng prinsepe.

"Masyadong bago pala yun...Alam ko na, The Legend? Once upon a time in china? Fist of Fury? Drunken Master?" dugtong pa niya at wala pa rin naging reaksyon ang prinsepe sa kaniyang mga sinasabi. Hindi siya sumuko at nagbanggit pa ng kung ano-anong pangalan.

"Hiyaaa...ya,ya ya yaahh!!! Jackie Chan? Wachaaaa..taratatatataaa!! Bruce Lee? Jet Li?" sunod-sunod niyang tanong habang ginagaya ang mga sikat na galaw ng mga artistang kaniyang nabaggit.

"Magsisimula tayo sa pag-iensayo bukas ng umaga" biglang sabi ng prinsepe at muling tumalikod at naglakad upang lisanin ang lugar.

"May hindi pa ako nabanggit ehhh.. sino nga yung nasa IP Man?" sambit ni Yijun sa sarili habang nakabuntot siya sa prinsepe. Tumigil lamang siya sa pagsasalita nang lingunin siya nito at tanging pagngiti ang kaniyang nagiging tugon sa prinsepe.

Malayo-layo rin ang pinanggalingan nila bago sila makarating sa palasyo ng prinsepe. Hindi niya pa rin lubos akalain na makakapunta siya isang klaseng lugar na ito na punong puno ng mahika. Mula sa nakakaaliw na mga batang tagapagsilbi sa palasyo na lumulutang sa ere hanggang sa mga guwardiyang nakabantay sa bawat pinto ng palasyo. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng pelikulang napapanood nya dahil sa kagamitan at kasuotan na meron ang mga ito.

Pagpasok nila sa palasyo ay masaya silang binati ng mga lalaking tagapagsilbi sa palasyo ng prinsepe. Isa lang sa mga ito ang kaniyang nakilala at yun ang batang si Li. Masayang kumaway ang binatang si Yijun nang makita niya ang batang tagapagsilbi. Ngumiti ito sa kaniya at yumuko bilang paggalang. Natigil lang sya sa pagkaway nang tumingin sa kaniya ang prinsepe.

"Kamahalan, Nakahanda na po ang inyong kwarto" sambit ng isa sa mga tagapagsilbi ng prinsepe. Nag-iisa lamang si Li na batang tagapagsilbi ng prinsepe at ang karamihan sa mga ito ay pawang nasa hustong taon na upang maglingkod sa kamahalan.

"Nailagay nyo na ba ang hinihingi ko?" tanong ng prinsepe sa tagapagsilbi. Hindi ito makatingin sa prinsepe at lumingon pa ito sa batang tagapagsilbi upang humingi ng tulong.

"Paumanhin kamahalan ngunit ipinagbilin ng mahal na hari na nararapat raw kayong magtabi ng instrumento ng gintong dragon sa iisang kama bilang paghahanda sa inyong pag-iisang-" hindi na natapos ni Li ang kaniyang nais sabihin dahil tiningnan siya ng masama ng prinsepe na naging dahilan upang itigil niya ang pagsasalita.

"Maaari na kayong umalis" sambit ng prinsepe habang bahagyang nakataas ang kaniyang kanang kamay bilang pagtanda ng pagpapaalis sa mga tagapasilbi.

"Masusunod kamahalan" sabay-sabay na tugon ng mga tagapagsilbi.

Naunang pumasok ang prinsepe sa loob ng kaniyang palasyo habang nakasunod sa kaniya ang binagtang si Yijun. Walang kaalam-alam si Yijun na sangkot siya sa kaninang usapan ng prinsepe at ni Li. Ngayon ay masaya siyang lumapit sa munting mesa kung saan nakahain ang iba't ibang klase ng pagkain.

"Wow, mukhang mapaparami ang makakain ko" di mapigilang sabihin ng binata habang kinikiskis ang kaniyang mga kamay at nakatingin sa masasarap na putaheng nasa harap niya. Kukuha na sana siya ng isa sa mga pagkaing nakahain nang mapansin niyang naupo ang prinsepe sa kaniyang higaan.

"Hindi ka man lang ba kakain?" mabilis na tanong ng binata sa prinsepe.

"Wala na akong gana" ang naging tugon ng prinsepe sa kaniya. Hindi talaga natutuwa si Shufen sa paraan ng pananalita sa kaniya ni Yijun. Sobrang kaswal kasi nito magsalita na para bang pantay sila ng antas ng katungkulan sa kaharian.

"Wag mo akong sisisihin kong maubusan ka ng pagkain" sagot ni Yijun na tila nang-aasar. Walang panahon ang prinsepe na makipagtalo sa binata dahil nais niyang magpahinga.

Hindi naging madali sa kaniya ang magbukas ng kaibuturan ng isang mortal. Kinakailangan nito ng mahigit limang daang taong enerhiya mula sa paglilinang upang mabuksan ang kaibuturan nito at maipasa ito sa kaniyang katawan. Ang lakas ng isang imortal ay hindi lang nakasalalay sa kaniyang katungkulan sa kaharian sapagkat nasusukat din ito sa tagal ng kaniyang paglilinang. Ang enerhiyang nalilikom niya sa taon ng kaniyang paglilinang ang nagiging batayan kung gaano kalakas bilang isang imortal. Maaari ring ipasa ang enerhiya mula sa paglilinang upang mapalakas ang isang imortal ngunit dapat angkop ang pangunahing elemento ng isang imortal na siyang magpapasa ng kaniyang enerhiya sa imortal na kaniyang papasahan.

Mayroong limang pangunahing elemento ang mga imortal yun ay ang apoy, tubig, lupa, kahoy at bakal. Ang limang ikalawang uri naman ng mga elemento ay ang hangin, kidlat, yelo, liwanag at kadiliman. Ang pangunahing elemento ni Shufen ay kahoy na siyang kumakatawan sa elemento ng Dakilang Asul na dragon ng silangan na siyang sinasamba ng buong kaharian bilang tagapangalaga nito. Bilang instrumento ng gintong dragon, ang pangunahing elemento ni Yijun ay ang lupa ngunit natuklasan ni Shufen na kayang magpalit ng elemento ni Yijun nang mawalan ito ng malay. Isa sa plano ng hari ang gawing imortal si Yijun upang maipakasal sa prinsepe ngunit naging hadlang ang pagkakaiba ng kanilang elementong taglay. Dahil sa enerhiyang pumoprotekta sa binata ay walang sino mang imortal na may taglay ng elementong lupa ang nakakalapit sa binata. Natuklasan lang nila na kayang magpalit ni Yijun ng elemento nang pasahan ni Shufen ng enerhiya si Yijun upang mapabilis ang paggising nito. Di pa naitatala sa kasaysayan ang ganitong klaseng uri ng nilalang na kayang magpalit ng elemento. Sa kakayahan ni Yijun na magpalit-palit ng elemento kaya naging matagumpay ang pagbukas ng kaniyang kaibuturan at pagpasa ng enerhiya sa kaniya ng prinsepe.

Patuloy sa pagkain ang binatang si Yijun habang si Shufen naman ay nagpasiyang matulog. Ramdam na ramdam ni Yijun ang labis na pagkagutom at halos lahat ng mga putahing nakahain sa kaniyang harapan ay nagawa niyang kainin. Ang pagkaing nakahain ay para sa apat hanggang sa limang katao pero sa kaniyang pagkain ay parang tatlong tao ang kumakain ng sabay-sabay dahil sa dami ng kaniyang nakakain. Hindi siya tumigil sa pagkain hanggang sa maramdaman niya ang pananakit ng tiyan sa labis na kabusugan. Halos hindi na siya makatayo mula sa kaniyang kinauupuan dahil sa labis na kabusugan. Dahan-dahan siyang tumayo upang hindi makagawa ng ingay dahil alam niyang mahimbing na ang tulog ng prinsepe. Naupo siya sa gilid ng kama at naupo saglit upang bumaba ang kaniyang kinain.

Mahigit sampung minuto na siyang nakaupo sa tabi ng kama ngunit ang pananakit ng kaniyang tiyan ay hindi pa rin humuhupa. Napapangiwi ang binata habang marahan niyang hinihimas ang kaniyang tiyan. Sa sandaling iyon ay nagsisisi na siya dahil sa kaniyang pagkain ng marami. Kumapit siya sa gilid ng kama upang alalayan ang sarili sa pagtayo. Sa ngayon ay gusto niyang pumunta sa isang palikuran upang makapagbawas dahil ramdam niyang malapit na itong lumabas. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa labas ng kwarto ay bigla siyang napatigil nang mapagtanto niya na naabot na niya ang hangganan ng mahiwagang tali na nagdurugtong sa kanila ng prinsepe. Takot man siyang gisingin ito pero wala siyang magagawa kundi ang humingi ng pabor dahil maaaring abutan siya nang hindi nakakarating sa palikuran. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan at halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng prinsepe upang gisingin ito.

"Mahal-ahhh" sambit niya nang makarating siya sa tapat ng kama. Hindi niya natuloy ang kaniyang dapat sabihin dahil sa biglang pagkirot ng kaniyang tiyan at pagpigil sa kaniyang sarili na huwag mapadumi. Mabilis na nagising ang prinsepe sa sandaling marinig niya ang boses ni Yijun. Tumingin ito ng masama sa binata dahil iniisip niya na may kalokohan na naman itong gagawin dahil sa uri ng pananalita nito.

"Ah ang ibig ko pong sabihin ay mahal na prinsepe...hehe" sambit niya habang pinipigilan ang pangiwi habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. Napaupo naman ang prinsepe mula sa kaniyang higaan at nagsalita.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong niya habang hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito.

"Ehh kasi..hindi ko na talaga kayang pigilan. Kung pwede sana samahan niyo ako sa banyo?" sambit niya habang pinipilit ang pagngiti. Napapahawak na rin ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang pang-upo dahil ramdam nya na malapit na itong lumabas. Tinaasan lamang siya ng kilay nito bilang tugon.

"Parang awa niyo na po. Hindi ko na kayang tiisin to dahil mukhang lala-" natatarantang sabi ni Yijun at bago pa man niya matapos ang kaniyang dapat sabihin ay bigla na lamang siya nagpakawala ng masamang hangin. Rinig na rinig ang lakas nito sa buong kwarto at sa sandaling naamoy ng prinsepe ang masamang hangin na ito ay kaagad siyang tumayo.

"Ikaw!!" sambit niya sabay bunot ng kaniyang sandata at tinutok ito kay Yijun.

"Lolaaaa!!" sigaw ni Yijun habang nakasalag ang kaniyang kanang kamay at nakapikit ang mga mata. Labis man ang kahihiyang nararamdaman ngayon ng prinsepe ay hindi niya nagawang tapusin ang buhay ng binatang si Yijun. Binalik kaagad ng prinsepe ang kaniyang sandata sa loob ng kaluban nito at nagsimulang maglakad habang binabanggit ang mga salitang.

"Pasalamat ka at nasayo ang pabor ng mahal na hari dahil kung hindi ay kanina pa kita pinugutan ng ulo" galit na sambit ng prinsepe habang naglalakad palayo sa binata.

"Haaa? May sinasabi ka?" tanong ni Yijun habang naglalakad na nakahawak sa kaniyang tiyan at pang-upo.

Mabuti na lang at gabi na dahil iilang sundalo na lamang ang makakakita sa kanilang dalawa. Malaking kahihiyan ang bagay na to para sa mahal na prinsepe kaya ginawa niya lahat ng paraan para makaiwas sa mga bantay patungo sa palikuran. Pagkarating nila sa palikuran ay kaagad pumasok sa loob ang binatang si Yijun habang nakaabang ang prinsepe sa may pinto. Hawak-hawak niya ang kaniyang noo sa labis na kahihiyan na nadarama. Sa sampung libong taon ng kaniyang pamumuhay ay hindi niya pa naranasan ang labis na kahihiyan na nararanasan niya ngayon. Wala siyang magawa kundi ang maging mabuti sa binata dahil sa katungkulan niya bilang susunod na hari ang pangalagaan ang instrumento ng gintong dragon.

Napapailing na lang ang mahal na prinsepe sa tuwing maririnig niya ang hindi kaaya-ayang tunog na nililikha ng pagdumi ng binata. Kahit na nasa labas na siya ng palikuran ay nagagawa niya pa ring maamoy ang hindi kanais-nais na amoy na nagmumula sa loob ng palikuran. Tiniis niya ang bawat sandaling nakatayo sa labas dahil sa tuwing susubukan niyang lumayo ay nahahatak siya pabalik ng mahiwang tali na nagdudugtong sa kanilang dalawa. Sa sandaling matapos ang binata at nakalabas siya ng palikuran ay kaagad naglakad ang prinsepe palayo sa lugar na yun.

"Sandali lang naman" reklamo ni Yijun habang naglalakad dahil nahahatak siya ng tali kapag nahuhuli siya sa paglalakad. Tumigil na ang kaniyang pagdumi ngunit hindi pa rin nawawala ang pananakit ng kaniyang tiyan kaya hindi niya magawang makasabay sa bilis ng paglakad ng prinsepe. Tila walang naririnig ang prinsepe dahil patuloy siya sa paglakad patungo sa kaniyang kwarto.

Nang makapasok sila sa loob ay walang ng inintindi ang prinsepe kundi ang makapagpahinga. Bago pa man siya makahiga sa kaniyang kama ay nagawa niyang magkumpas ng kamay at sa isang iglap ay nag-amoy rosas ang paligid. Ginawa niya yun para mawala ang hindi kanais-nais niyang naamoy. Nahiga siya sa kaniyang kama at pilit iniiwasan ang tingin sa kaniya ni Yijun. Ang binata naman ay hindi makapagsalita. Nais niya sanang magpasalamat sa prinsepe kaso natatakot siyang magalit ito ng husto sa kaniya kaya nanatili na lang siyang tahimik.

Ilang sandali mula nang mahiga ang prinsepe ay nahiga na rin si Yijun sa kaliwang bahagi ng kama. Malaki ang kama ng prinsepe pero natatakot siyang baka magambala niya ang pagpapahinga nito dahil malikot siyang matulog. Kaya naman nahiga siya sa pinakagilid ng kama, mas gugustuhin niyang mahulog sa kama kaysa maistorbo ang kamahalan sa kaniyang pagpapahinga. Habang nakahiga siya ay hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan at pinilit na makatulog kahit na masakit ang kaniyang tiyan. Ano mang gawin niya ay hindi pa rin naiibsan ang pananakit ng kaniyang tiyan. Pagkasilip niya sa prinsepe ay mahimbing na itong natutulog. Ang kaniyang kamay ay magkapatong sa ibabaw ng kaniyang dibdib na para bang bangkay na nasa kabaong kung siya ay matulog. Muling tumagilid si Yijun upang iwasang mapatingin sa prinsepe at sa sandaling pagtalikod niya ay may kung anong bagay na tumama sa kaniyang batok at bigla siyang nawalan ng malay.

Kanina pa hindi makatulog ang prinsepe dahil sa init na nagmumula sa kaniyang kanang braso kung saan nakalagay ang tatak ng gintong dragon. Pansin niya na kanina pa hindi mapalagay ang binata dahil kanina pa ito palipat-lipat ng paghiga. Hindi niya kinakailangang idilat ang mata para makita ang nangyayari dahil ramdam na ramdam niya ang bawat paggalaw nito. Ang tatak sa kaniyang braso ay nagbibigay babala na hindi maganda ang kalagayan ng binata kaya naman sa sandaling tumalikod ito sa kaniya ay kaagad siyang pumitik sa ere at naglabas ito ng maliit na bola na gawa sa sariling enerhiya na tumama sa batok ni Yijun upang mawalan siya ng malay.

Nang masiguro niyang wala na itong malay ay kaagad siyang lumapit dito upang tanggalin ang kaniyang pang-itaas na kasuotan. Mabilis niyang isinagawa ang pagbigay ng paunang lunas para mawala ang pananalit ng tiya nito. Hinipan niya ang dalawa niyang daliri bago siya nagsulat ng mga titik sa ibabaw ng kaniyang tiyan upang mabawasan ang pananakit nito. Matapos niyang gawin iyon ay kumuha siya ng tsaa at tinunaw niya muna ang gamot doon bago bumalik sa kama. Sinandal niya ang ulo ni Yijun sa kaniyang dibdib upang mapainom ito ng tsaa na may halong gamot. Hindi nagtagal at humupa na ang pag-init ng braso ng prinsepe bilang tanda na bumubuti na ang pakiramdam ng binata. Inayos niya ang kasuotan ni Yijun bago niya ito ipinahiga sa kaniyang kama at muli siyang tumingin sa binata bago siya muling natulog.

Kinabukasan ay nagising si Yijun dahil sa marahang pag-uga sa kaniyang katawan. Pagmulat ng kaniyang mata ay sumalubong kaagad sa kaniya ang maamong mukha ng batang si Li. Tila hindi pa rin siya nasanay sa mukha nito kaya naman muli siyang napaatras sa kama nang makita niya ang mukha ng batang si Li. Napapikit siya habang hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib dahil sa labis na pagkagulat. Sa isipan niya ay tila matatagalan bago siya masanay na makakita ng batang lumulutang sa era sa tuwing siya ay gigising sa umaga.

"Paumanhin sa inyo instrumento ng gintong dragon ngunit kinakailangan nyo na pong bumangon upang maghanda sa muli niyong pagharap sa mahal na hari" sambit ng batang si Li at napakamot naman sa ulo si Yijun sa paraan ng pagtawag sa kaniya ng bata.

"Pwede bang tawagin mo na lang akong Jun?" naiilang na tugon ng binata at saka siya nagpakawala ng mahabang paghikab. Natigil lamang ito nang marinig niya ang pag-ubo ng prinsepe na kasalukuyang nasa maliit na mesa na may hawak na maliit na tasa na may lamang tsaa. Napalunok laway bigla sa takot ang binata nang makita niya ang prinsepe.

"Masusunod po Master Yijun" tugon ng batang si Li. Pinilit na lang ng binata ang pagngiti dahil mukhang hindi niya makukumbinse ang mga imortal na kilalanin siya sa totoo niyang pangalan.

"Bilisan nyo na ang pagkilos dahil hindi dapat pinag-aantay ang mahal na hari" sambit ng mahal na prinsepe bago siya humigop ng tsaa.

"Masusunod kamahalan" tugin naman ni Li at kaagad niyang inabot sa binata ang maliit na lagayan ng tubig na may puting tela na magagamit nito upang mapunasan ang mukha. Kumilos kaagad si Yijun at pinigaan ang puting tela para ipunas sa kaniyang mukha. Nagawa niya ring punasan ang kaniyang leeg bago ito ibalik sa maliit na lagayan. Kinuha niya ang maliit na baso na hawak-hawak nito at ginamit niya ang tubig na laman nito para ipangmumog.

"Tapos na ako" nakangiting sabi ng binata habang hindi naman makapaniwala si Li sa ginawa ni Yijun. Nagtataka siya kung bakit parang ininom ni Yijun ang tubig mula sa baso at muling binalik ang laman nito. Bago pa man makapaglakad ang binata ay nagawa siyang pigilan ng batang tagapaglingkod. Pinatong sa kaniyang likuran ang kulay berde na tela. Kaagad nakuha ni Yijun ang dapat niyang gawin kaya umikot siya kaagad upang makapagpalit ng kasuotan. Nang makapagpalit siya kasuotan ay saka lang tumayo ang prinsepe at bago siya maglakad ay bahagya siyang tumingin sa kinaroroonan ni Yijun. Nakuha naman kaagad ng binata ang nais ipahiwatig ng prinsepe kaya nagsimula na rin siyang maglakad.

Muli nilang tinahak ang daan patungo sa silid ng trono kung saan nag-aantay ang mahal na hari. Muling nanumbalik ang alaala ni Yijun sa mahirap niyang karanasan sa pag-akyat sa hadgan patungo sa silid ng trono. Alam niya sa sariling mapapasabak na naman siya sa matinding akyatan kaya hinanda na niya ang sarili sa muling pag-akyat. Habang inaakyat nila ang daan-daang bilang ng hagdan ay biglang nagtaka ang binata dahil hindi man lang siya nakakaramdam ng labis na pagod kahit na maraming hakbang na ang ginawa nila. Nang marating nila ang tuktok ay saka lang siya nakaramdam ng pagod pero iba ito sa pagod na naramdaman niya noong una niyang akyatin ito. Saglit na tumingin sa kaniya ang prinsepe at saka muling naglakad.

Enigma (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon