Wang Yibo as Shufen
Nang marinig ni Yijun ang sinambit ng unang prinsepe ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok sa loob ng silid ng trono. Sinabihan na siya ng prinsepe na ipaubaya sa kaniya ang pakikipag-usap sa mahal na hari ngunit hindi niya inaasahan na ganun ang kaniyang maririnig.
"Hindi maaari!" Mariing pagtutol ng hari sa hinihinging kapalit ng unang prinsepe. Naputol ang muling pagsasalita ng hari nang makalapit sa kanilang kinaroroonan ang dakilang instrumento.
"Mahal na hari, mahal na reyna" Isa isang hinarap at nagbigay galang ang binata sa hari at reyna na ikinagulat ni Da Hai.
"Paumanhin sa biglaang pagpasok ko rito sa silid ng trono. Naparito lamang po ako upang kausapin ang unang prinsepe" Magalang na sambit ng binata na ikinailing ng prinsepe.
"Si Da Hai?" Paglilinaw ng hari dahil wala siyang ideya na may pinagsamahan na ang kaniyang anak at ang dakilang instrumento. Sa pagkakaalam niya ay hindi pa nila nakikilala ang isa't isa. Tumango naman ang binata sa tanong ng hari bilang tugon. Walang pasabi na bigla na lang hinatak ng binata ang kasuotan ng prinsepe upang tumalikod ito sa hari at reyna. Inakbayan niya ang unang prinsepe at saka niya ito binulungan.
"Anong pinagsasabi mo? Wala sa usapan natin ang magpakasal kinabukasan. Hindi pa nga natin naliligtas si Shufen"
Hindi nagawang sagutin ni Da Hai ang mga tanong ni Yijun, sapagkat mas inalala nito ang mga bagay na nilabag ng binata sa harap ng hari at reyna. Isang malaking kalapastangang maituturing ang pagtalikod sa hari't reyna nang hindi nagbibigay ng huling pagbati o pagpaalam. Pangalawa ay ang kaswal niyang pagakbay sa prinsepe na hindi dapat ginagawa ng sino mang imortal lalong lalo na sa kalagayan niya na nakatakdang ikasal sa ikatlong prinsepe. Magsasalita na sana ang reyna upang sawayin ang binata sa kawalan niya ng paggalang ngunit mabilis itong napigilan ng hari gamit ang bahagyang pagtaas niya ng kamay.
"May kailangan ba akong malaman sa nangyayari?" Tanong ng mahal na hari na mabilis na nagpaharap sa unang prinsepe. Kasabay ng pagharap niya sa hari ay ang pagkabitaw rin ng kamay ni Yijun sa kaniyang balikat.
"Inaasahan ko na hindi ninyo pahihintulutan ang aking kahilingan kaya ito'y aking babaguhin. Hinihiling ko na maging malaya sa pakikipagkita sa dakilang instrumento sa ano mang oras na aking naisin habang ang aking kapatid ay nagpapagaling" Lakas-loob na sinambit ng unang prinsepe na siyang nagpatindi ng galit ng reyna.
"Laspatangan! Hindi ka na ba nahihiya? Ang dakilang instrumento ay nakatakdang ikasal sa iyong kapatid at nais mong makipagkita sa kaniya sa ano mang oras mong naisin? Ano na lang ang masasabi ng mga imortal sa iyong nais gawin? Sa tingin mo ay makakatakas ito sa paningin ng mga nakakatanda?"
Bulyaw ng reyna na hindi na nagawang pigilin ng hari. Nais man niyang ipagtanggol ang kaniyang anak ngunit alam niyang maling mali ang hinihinging kahilingan nito. Sandaling nagkatinginan ang hari at reyna na tila nag-uusap gamit ang kanilang isipan. Sinamantala naman ito ni Da Hai upang bumulong kay Yijun.
BINABASA MO ANG
Enigma (BL)
FantasyIsang engkwentro sa daan ang naging dahilan upang maaksidente si June at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising ay napunta siya sa isang misteryosong lugar na kung saan may bundok na lumulutang sa himpapawid. Sa loob nito'y may kaharian na kung saa...