Chapter 12: The Twelve Great Immortals

466 45 10
                                    


Ang masayang pagtitipon ay mabilis napalitan ng kaguluhan matapos mawalan ng malay ang dakilang instrumento. Iba't ibang opinyon ang lumalabas sa bibig ng bawat imortal sa kakaibang kaganapang nangyayari sa sandaling iyon. Labis na ikinagulat ng bawat isa na malaman na may limang taong nagtataglay ng marka ng gintong dragon. Karamihan ay labis na nababahala sa kinabukasan ng kaharian dahil hindi malabong magkaroon ng dalawang hari ang kaharian. 

Maliban kay Yijun at sa punong manggagamot ay naiwan ang lahat ng mga dumalo sa loob ng silid ng trono. Mabilis na dinala ang binata sa palasyo ng ikatlong prinsepe upang masuri ng husto ang kalagayan nito. Habang ginagamot ang binata ay naging mainit ang talakayan sa loob ng silid ng trono dahil sa hindi inaasahang kaganapang ito. Kasalukuyang nakaupo sa kaniyang trono ang hari habang hawak-hawak ang kaniyang noo. Nasa kaniyang kaliwa naman nakapwesto ang reyna na karga ang sanggol na si Shufen. Hindi malaman ng hari ang kaniyang sasabihin sa mga imortal gayong sa pagkakaalam niya ay hindi pa nagkaroon ng pagkakataong pumili ng higit sa isa pang nilalang ang mga dakilang tagapagtanggol ng daigdig. Alam niya sa sarili na si Yijun ang kauna-unahang napiling instrumento ng gintong dragon kaya nananatiling misteryo ang bawat desisyon ng dakilang tagapagtanggol. Sa lalim ng kaniyang pag-iisip ay hindi niya napansin ang paglapit ng kinatawan ng makahoy na daga na si Huang Jia.

"Mahal na hari, kung inyong mararapatin ay nais kong magsalita" Hawak ang kaliwang kamao sa kaniyang kanang kamay habang nakayuko ang ulo nang siya ay magsalita.

"Ituloy mo ang nais mong sambitin" Tugon ng hari at kaagad namang inangat ni Huang Jia ang kaniyang ulo upang makaharap ang hari. 

"Marahil ay nababahala kayo sa pangyayaring ito ngunit nais ko lamang sambitin na ang kalagayan ng dakilang instrumento ay nangyari na sa instrumento ng dakilang tagapagtanggol ng daigdig na si Zhuque, ang maalamat na pulang ibon"  

"Nakakasiguro ka ba sa iyong sinasabi?" Napatayo ang hari mula sa kaniyang trono nang marinig ang pahayag ni Huang Jia.

"Siguradong sigurado mahal na hari dahil nasaksihan ko mismo ang pagpili ng maalamat na pulang ibon sa tatlong nilalang bilang hari nito. Naroon ako sa kaharian ng Gaochang bago pa man sumapit ang matinding digmaan ng mga kaharian. Naroon ako upang maghatid ng regalo sa kautusan ng dating hari" 

Nanatiling tahimik ang hari dahil nais niyang mapakinggan ang buong salaysay ng kinatawan ng makahoy na daga.

"Kabilang sa napiling magiging hari ng Gaochang ang kasalukuyang ikasiyam na hari nito. Ang pagpili ng higit sa isang magiging hari ng Gaochang ay paraan ng dakilang pulang ibon upang magsilbing pagsubok sa tatlo kung sino ba talaga ang nararapat na maging hari"

"Bakit ito nangyayari, ano ang dahilan?"

"Sa aking pagsasaliksik ay nangyari ito nang mapaslang ang napiling hari ng maalamat na pulang ibon para sa kasalukuyang instrumento ng kaharian ng Gaochang. Makalipas ang ilang araw ay dumulog sa silid ng trono ng ang tatlong nilalang na nagtataglay ng pulang marka ng dakilang ibon bilang kandidato sa pagiging hari. Marahil ito ang paraan ng dakilang instrumento upang mapigilan ang pagkamatay ng susunod na hari. Ngunit sa halip na makatulong ay nagdulot ito ng kaguluhan sa kanilang kaharian. Ang bawat kandidato ay naging banta sa isa't isa at doon nagsimula ang labanan ng mga kandidato hanggang sa iisa na lang ang natitira" 

"Anong ibig mong sabihin, kailangang magpatayan ng mga anak ko para maging susunod na hari?" Galit na tugon ng hari na siyang ikinabahala ng karamihan. Bago pa man tumugon si Huang Jia ay muli niyang hinawi ang kaniyang kasuotan upang maipakita sa hari ang marka ng gintong dragon sa kaniyang binti.

"Nais ko lamang pong ipaalala na kabilang ako sa mga napili ng gintong dragon bilang susunod na hari. Wala akong intensyong labanan ang sino man sa mga napili ng gintong dragon dahil wala akong intensyong maupo sa trono" 

Enigma (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon