Chapter 6: Bane in blood

748 49 8
                                    

Yibo as Shufen

Hindi makapaniwala ang binatang si Yijun sa kaniyang natuklasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi makapaniwala ang binatang si Yijun sa kaniyang natuklasan. Higit na hindi niya mapagtanto kung bakit pinuno ng mga bandido ang hari ng Tianmen. Ilang beses niyang kinuskos ang kaniyang mga mata dahil tila nililinlang siya ng kaniyang paningin ngunit saang anggulo man niya tingnan ay kamukhang kamukha nito ang hari. Matapos niyang tawagin ito ng mahal na hari ay nasundan kaagad ito ng malakas na pagtawa ng pinuno ng mga bandido. Nakisabay sa pagtawa ang kaniyang mga tauhan ngunit sabay-sabay na tumigil nang itaas ng kanilang pinuno ang kanang kamay nito bilang tanda sa paghingi ng katahimikan.

"Mahal na hari?" sambit ng kanilang pinuno habang unti-unting lumalapit sa binatang nakaluhod sa lupa. Hinawakan nito ang mukha ng binata at pinagmasdang mabuti na parang bawat detalye nito ay kaniyang kinakabisado.

"Matagal-tagal na rin nang huling may tumawag sa akin niyan" dugtong niya sabay tapik sa pisngi ng binata na tila napako pa rin sa kaniyang pwesto.

"Pero hindi ako ang hari na tinutukoy mo!" hinawakan niya ang pisngi ni Yijun na may halong panggigil at kaagad binatawan ito na para bang binigyan niya nang marahang sampal ang binata.

"Wala sana ako ngayon sa sinumpang lupain nato kung hindi dahil sa sakim na hari na kinikilala mo!" mariin niyang pagsigaw na tinugunan ng kaniyang mga kasamahan. Ramdam ang labis na galit ng mga taong nasa palibot ni Yijun sa pamamaraan nila ng pagsigaw. Halos mabingi siya sa bawat pagkalampag nila sa tambol na tila hindi nakakasabay sa tamang pagkumpas. Sa muling pagtaas ng kanang kamay ng kanilang pinuno ay kaagad nanumbalik ang katahimikan.

"Ngayong narito na sa akin ang instrumento ng gintong dragon ay mas mapapadali na para sa akin ang pagbalik sa aking trono" tila naging pista ang gabi na yun dahil sa ingay na nililikha ng mga taong nasa palibot ni Yijun. Gulong gulo siya sa sandaling ito at hindi malaman kung anong gagawin sa kasalukuyang kalagayan niya. Mukhang imposible rin para sa kaniya ang pagtakas dahil napapalibutan siya ng mga naglalakihang bandido. Ang kaniyang paa na halos hindi niya maigalaw dahil sa mabigat na kadenang nakagapos dito.

Habang bihag ng mga bandido ang instrumento ng gintong dragon na si Yijun ay siya namang pagwawala ng hari sa loob ng silid ng trono. Labis ang kaniyang galit nang malamang nawawala si Yijun at ang kaniyang bunsong anak na tagapagmana ng trono na si Shufen. Halos lahat ng mga kawani at mga sundalo ay nagtutulong tulong upang hanapin ang prinsepe at ang binatang si Yijun. Kanina pa siya balisa at hindi mapakalma dahil sa kakaisip na baka napunta na sa kaniyang mga kalaban ang kaniyang mga iniingatan.

"Mahal na hari" sambit ni Wei Qui nang makapasok siya sa loob ng silid ng trono.

"Nahanap nyo na ba ang mahal na prinsepe at ang dakilang instrumento?" natatarantang sambit ng mahal na hari.

"Huminahon kayo mahal na hari, hindi makakabuti sa inyo ang mag-alala ng labis" sambit ng mahal na reyna na siya namang minasama ng hari.

"Paano ako hihinahon kung ang aking anak at ang dakilang instrumento ay nawawala sa kaharian? Sabihin mo kung papano?" sigaw nito sa kaniyang reyna na para bang nakalimutan nito ang kaniyang katungkulan sa kaharian. Ganun pa man ay naging mapagkumbaba ang reyna at hindi na sinabayan ang init ng ulo ng hari.

Enigma (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon