Deng Lun as Jia Hao
Matapos mawalan ng malay ni Yijun ay pinukaw siya ng mahinang pagkilos at pag-iyak ng isang mumunting nilalang sa ibabaw ng kaniyang tiyan. Labis ang kaniyang pagkagulat kaya nanatili siyang nakatitig dito habang pinagmamasdan ang pag-iyak nito. Sadyang naging malikot ang munting nilalang sa ibabaw ng kaniyang tiyan at muntikan na itong malaglag. Mabuti na lang at naging mabilis ang pagkilos ng binata at kaagad niyang nasapo ang sanggol. Sa sandaling iyon ay nagkaroon ng pagkakataon ang binata na masilayan ng husto ang pagmumukha ng sanggol.
"Teka, parang may kamukha itong batang 'to" Sambit ng binata sa sarili habang pinagmamasdan niya ang mukha ng hawak na sanggol. Mabilis tumahan ang sanggol nang makarga niya nang maayos ito, na tila ba'y nakakakita na ito at masayang pinagmamasdan ang binatang may hawak sa kaniya.
Masyadong naaliw ang binata sa mga mumunting ngiti ng sanggol na kaniyang hawak at hindi niya namalayan na nakapalibot na pala sa kaniya ang mga imortal na nasa loob ng silid ng pagriritwal.
"Ahh.. pasensya na.. Nasaan na po pala si Shufen? Ligtas na po ba siya?" Tanong ni Yijun nang magtagpo ang kanilang paningin ng hari. Matamis na ngiti ang sinukli nito bago sinagot ang katanungan ng binata.
"Karga-karga mo na ang susunod na hari ng Tianmen" Masayang tugon ng hari na sadyang ikinagulat ng binata. Nang muli niyang tingnan ang sanggol na kaniyang hawak-hawak ay saka niya lang napansin ang mumunting liwanag na nagmumula sa kanang braso nito. Ngayon niya lang napansin ang markang lumiliwanag sa braso nito na sumisimbolo sa isa sa mga apat na dakilang tagapangalaga ng daigdig, ito ay ang kulay asul na dragon na si Qinglong.
"Isa lamang itong patunay na si Shufen pa rin ang pinili ng dakilang tagapangala na si Qinglong na maging hari ng Tianmen" Nagagalak na sambit ng reyna habang nakakuyom ang mga kamay dahil sa labis na tuwa.
"Ngunit nawala na ang taglay niyang gintong marka na ipinagkaloob ng dakilang gintong dragon" Sambit ng punong manggagamot. Nabigla naman ang binata nang maramdaman niya ang biglang paghawi ng kaniyang mga buhok mula sa kaniyang batok.
"Nasa kaniya pa rin ang marka ng gintong dragon bilang instrumento nito" Tugon ni Da Hai matapos niyang makita na naroon pa rin ang gintong marka sa batok ni Yijun.
"Ang ibig kong sabihin ay ang marka ng ikatlong prinsepe" Paglilinaw ng punong manggagamot. Bahagyang napayuko si Da Hai upang maakbayan si Yijun. Nabigla si Yijun sa inasal ni Da Hai sa harapan ng hari at reyna ngunit hindi niya magawang alisin ang kamay nito mula sa kaniyang balikat dahil karga-karga niya pa rin ang sanggol na si Shufen.
"Sa makatuwid ay isa sa aming mga prinsepe ang maaaring piliin ng dakilang gintong dragon" Tugon ni Da Hai habang nakatitig sa mukha ni Yijun na tinapos niya sa pamamagitan ng pagkindat sa binata.
"Papaano kung hindi si Shufen ang piliin ng gintong dragon?"
"Ngunit siya pa rin ang pinili ng asul na dragon upang maghari sa Tianmen"
BINABASA MO ANG
Enigma (BL)
FantasyIsang engkwentro sa daan ang naging dahilan upang maaksidente si June at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising ay napunta siya sa isang misteryosong lugar na kung saan may bundok na lumulutang sa himpapawid. Sa loob nito'y may kaharian na kung saa...