Xiu Kai as WuDa Hai/ Wu Li Qiang
Ayon sa kwento ng batang si Li ay maaaring mailigtas ang prinsepe mula sa karamdaman na kaniyang dinaranas sa pamamagitan ng muling pagkakatawang-tao o pagkabuhay muli. Ang bawat isang imortal ay may isang pagkakataong mabuhay muli na siyang madalas ginagawa kapag narating na nila ang pinakamataas na antas ng paglilinang. Hindi pa man nararating ng prinsepe ang pinakamataas na antas ng kaniyang paglilinang ay kinakailangang maisagawa ito sa kaniya upang maisalba ang kaniyang buhay. Komplikado ang kalagayan ng prinsepe at hindi lang basta simpleng paraan ng pagkabuhay muli ang kailangang gawin. Kinakailangang maihiwalay ang kaniyang kaluluwa mula sa katawan nito bago pa man siya bawian ng buhay dahil sa labis na pagka-uhaw sa dugo na gawa ng lasong sumisira sa kaniyang pagkatao.
Ang paraan ng paghiwalay ng kaluluwa ng isang imortal sa kaniyang katawan ay isa sa pinakamahirap na salamangka na iilan lamang ang nakakagawa. Sinubukan na itong gawin sa dating hari na may katulad na karamdaman ng prinsepe, ngunit hindi ito naging matagumpay. Sobrang delikado ng uri ng salamangka na ito dahil sa oras na hindi mapagtagumpayan ang paggamit ng salamangkang ito ay parehong kikitilin nito ang buhay ng taong gumamit ng salamangkang ito at gayon din sa ginamitan nito. Simula nang pumanaw ang dating hari ay ipinagbabawal na ang paggamit ng salamangkang ito.
"Edi papano natin matutulungan ang prinsepe kung ang tanging paraan ay pinagbabawal nang gamitin?" Tanong ng binatang si Yijun sa batang tagapaglingkod.
"May isa pang paraan na maaaring gawin upang maihiwalay ang kaluluwa ng prinsepe mula sa kaniyang katawan. Ang instrumentong ito ay ating magagamit na kung saan ay magiging matagumpay at walang kikitiling buhay. Ngunit..." Natigilan ang batang tapaglingkod sa kaniyang pagsasalaysay dahil nagdadalawang isip pa siya kung dapat nga ba niyang ilahad ito sa dakilang instrumento.
"Ngunit... ano?" Naiinip na tanong ng binata.
"Wala pang sino man ang nagtagumpay na makuha ang instrumentong ito, dahil lahat ng mga nagtangkang mapasakamay nila ang instrumentong ito ay hindi na muling nakabalik pa" Malungkot na saad ng batang tagapaglingkod.
"Anong ibig mong sabihin? Anong instrumento ba ang tinutukoy mo?"
"Ang gintong kabibe na nakasabit sa leeg ng pinuno ng mga sirena"
Matapos banggitin ng batang tagapaglingkod ang mga salitang iyon ay bigla na lang natawa ang binata na tila isang biro lamang ang sinambit ng batang si Li. Patuloy siya sa pagpigil ng tawa habang ang batang tagapaglingkod ay nakatingin lamang sa kaniya at nagtataka kung bakit ito tumatawa.
"Sorry... pasensya na. Se-seryoso itong gintong kabi-" Hindi naituloy ng binata ang nais niyang sabihin dahil muli itong natawa. Matapos siyang matawa ng ilang minuto ay marahan niyang pinagsasampal ang pisngi upang mapigilan ang sarili sa kaniyang pagtawa.
BINABASA MO ANG
Enigma (BL)
FantasyIsang engkwentro sa daan ang naging dahilan upang maaksidente si June at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising ay napunta siya sa isang misteryosong lugar na kung saan may bundok na lumulutang sa himpapawid. Sa loob nito'y may kaharian na kung saa...