Chapter 5: Into the unknown

773 57 8
                                    

Zhan as Yijun

Walang nagawa ang binatang si Yijun kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata at hiniling na sana'y panaginip lamang ang sandaling ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang nagawa ang binatang si Yijun kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata at hiniling na sana'y panaginip lamang ang sandaling ito. Saka lang bumalik sa katinuan ang prinsepe nang makita niyang nakapikit na ang binata. Gamit ang kaniyang lakas ay nagawa niyang ilayo ang kanilang mga katawan sa isa't isa ngunit nanatiling magkadikit ang kanilang kanang kamay dahil sa pagbubuklod sa kanila ng mahiwagang tali.

"Muntikan na yun" sambit ni Yijun sa sarili habang inaayos ang sarili. Nanatili namang nakaiwas ang paningin sa kaniya ng prinsepe na umaayon sa kaniyang kagustuhan. Bigla na lang siyang nahatak nito nang tumayo ang prinsepe. Tila nakalimutan ng prinsepe na nakabuklod pa rin ang kanilang mga kamay kaya muli siyang napalingon kay Yijun na kasalukuyang nakatagilid sa kama na para bang kinakaladkad niya sa kasalukuyang posisyon nito.

"Tumayo ka na kinakailangan na nating maghanda para sa panibagong araw ng pag-eensayo!" utos ng prinsepe na nagpadaing sa binata.

Sa araw na ito ay kinakailangan nang bumaba mula sa pinakailalim ng hagdan hanggang sa marating niya ang pinakatuktok. Kahit papano ay nakakagaan ng loob para kay Yijun ang pagkain ng almusal bago magsimula ang kanilang pag-eensayo. Noong mga nauna kasi nilang pag-eensayo ay lagi na lang silang nagsisimula nang hindi pa nakakain kaya naman nauunahan siya ng panlalambot sa gutom na labis nakakaapekto sa kaniyang pag-eensayo. Nang malaman niyang baba sila ni Yijun sa pinakadulo ng daan-daang hagdan ay kumain na siya nang sapat na pagkain na sa tingin niya ay makakatulong upang malampasan niya ang hamon na to.

Nabigyan ng halos kalahating oras si Yijun upang magpahinga dahil may kinakailangang asikasuhin ang prinsepe na dapat niyang maisagawa sa madaling panahon. Naging sagabal pa ang pagkakabuklod ng kanilang kamay dahil kinakailangang magsulat ng prinsepe. Bago niya simulan ang pagsusulat ay pinalabas niya muna lahat ng mga naglilingkod sa loob ng kaniyang palasyo sa kadahilanang ayaw niyang may makakita sa nakakailang na posisyon nila ni Yijun. Para makapagsulat ang mahal na prinsepe ay kinakailangang pumuwesto ni Yijun sa kaniyang likuran na tila ba tinuturuan siya nitong magsulat. Sa ganoong paraan kasi mas mapapadali ang pagsusulat ng prinsepe. Nagawa naman niyang makapagsulat kahit na sumasabay sa paggalaw ng kaniyang kamay ang kamay ng binata. Nagawa niyang tiisin ang labis na pagkailang dahil sa hindi kaaya-ayang posisyon nila ng binata.

Matapos magawa ng prinsepe ang liham na kaniyang isinulat ay kaagad niya itong pinaabot sa kaniyang mensahero. Kahit na iilan lang ang maaaring pumasok sa kaniyang palasyo ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkailang sa tuwing may nakakakita sa kanila ni Yijun. Lalong lalo na ngayon na magkadikit ang kanilang kamay na nagmumukhang hawak-hawak niya ito. Ang liham na ginawa ng prinsepe ay para sa mahal na hari kung saan humihingi siya ng pabor na atasan ang lahat ng imortal na lumayo o maaaring huwag gamitin ang daan-daang hagdan sa sandaling magsimula ang kanilang pag-eensayo. Ang dahilang binigay niya sa mahal na hari ay para daw lubusang makapag-ensayo at walang gumambala sa dakilang instrumento ng gintong dragon. Ngunit ang totoong dahilan ng prinsepe ay ayaw niyang may makakitang ibang imortal ng kaharian o mga kawal sa ganong ayos nila ng binata.

Enigma (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon