CHAPTER 31

6 0 0
                                    


"Pasok Althea! Tuloy ka sa bahay." singit ni nanay. Tumuloy naman sila sa loob, at hinila ko naman si MJ sa kwarto ko. Sinara ko yung pinto para di nila marinig yung usapan namin. "Ano ba! Bakit yan ang sinuot mo? Ang iksi, tignan mo masyadong halata kahit hindi galit. " sambit ko sa kanya. "Anong magagawa ko, eh ganyan na siya kalaki talaga." sagot naman ni MJ. "Magpalit ka! Bilisan mo! At wag kang lalabas ng kwarto hanggat yan ang suot mo!" sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng kwarto.

Nakaupo sila sa sala at nag-uusap sila nila nanay. "Oh, nasaan yung bestfriend mo na kasama mo kanina?" tanong ko kay Althea. "Pinauwi ko na, nagpasama lang naman ako dito. " agad na sagot niya. Maya maya pa ay lumabas na rin si Vlad sa kwarto niya. "Ohhh! Who is he?" tanong ni Althea. "Ah, nangungupahan dito!" agad na sagot ko. "Really? Di niyo naman sinabi na paupahan na pala ito ng mga gwapo." sabi mo Althea. Kitang kita ko kung paano tignan ni Althea si Vlad mula ulo hanggang paa. "Ang sarap naman pala tumira dito sa inyo..." dagdag pa ni Althea sabay kagat sa kanyang hintuturo na parang nang aakit.

Nagtaka naman ako bakit hindi na lumabas si MJ sa kwarto. "Wait, saan yung kasama niyo pang lalaki?" tanong ni Althea. "Nasa kwarto, nagbibihis." sagot ko. Nagulat ako nang biglang tumayo si Althea. "Punta lang ako ng CR. " paalam niya. Naglakad siya, wait parang mali bakit sa kwarto ko siya pupunta? Kung nasaan si MJ?  "Hey! B*tch hindi yan ang cr! Dun ang CR!" pataray kong sigaw sabay turo sa CR. "Ow, sorry. Akala ko kasi ito yung CR niyo." sagot naman niya. Aba bastos to ah! Balak pa yatang pasukin si MJ sa kwarto.

KANDONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon