"Nay? H-Hindi po namin sinasadya yung nag-" paliwanag ko. Napabuntong hininga na lamang si nanay. "Ano pa bang magagawa ko? Tapos na. Nangyare na. Sa susunod Aplesss, dun kayo sa kwarto hindi yung kung saan saan lang." sambit ni nanay. Napayuko na lamang ako sa narinig ko. Nakakahiya sobra, pero buti na lang mahal na mahal ako ni nanay.
Kumain rin kaming tatlo. Hindi kami nag-imikan ni Jhustine hanggang sa matapos na kami at nagpaalam na siya at nagpasalamat kay nanay sa pagpapatuloy sa kaniya sa bahay. "Mauna na po ako, salamat po ulit sa masarap na pagtanggap,, ayy este pagkain." sambit ni Jhustine . "Oh siya. Mag-ingat ka iho. " sagot naman ni nanay. Hindi na kami nag-usap ni Jhustine hinayaan ko na lang siya.
Kinabukasan, papasok na ulit ako ng school. Huminga ako ng malalim at napapikit ako. "Apple, kalimutan mo na yung nagyare kahapon. Hooo!" sambit ko. Nagpaalam na ako kay nanay na papasok na ako. Tulad ng dati nag-aabang ako ng masasakyang bus. May dumating naman kaya lang hindi siya puno. Sumakay ako, habang nasa biyahe nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ganun? Hindi siya mawala sa isip ko? Lagi ko siyang nakikita sa kung saan. Naguguluhan na ako. Teka, mahal ko na ba siya? O minahal ko siya kasii malaki ang- ahh! Basta! Tama na Apple!
Paulit ulit ang pangyayareng yun, hindi na nawala sa isip ko si Jhustine . Hanggang sa narealize ko na " Mahal ko na yata siya." Kaya ang ginawa ko, hinintay ko siya. Bawat bus na dadaanan at sasakyan ko hinahanap ko siya. Ilang bus rin ang nasakyan ko peroooo... bigo ako na makita siya ulit. Pinuntahan ko rin yung terminal na nagbabakasakaling nandun siya pero wala. Kung alam ko lang eh di sana kinausap ko siya noon bago siya umalis sa bahay. Lumipas ang ilang mga araw at bigo parin ako na magkita kami ulit.
"Pero hindi ako susuko, hahanapin kita Jhustine . Kayo ng Junjun mo!" sambit ko. Naglalakad na ako sa hallway ng school namin nang nakayuko. Nang may bigla akong narinig na nag-uusap. "Jhus! Pwede mo bang gamitin to sakin?" sabi ng babae. Dahan dahan akong tumingin kung saan ko ito narinig. At nakita ko ang babae at lalaki sa harapan ko. Hindi ko mamukhaan yung lalaki kasi nakatalikod siya sa akin. Pero napansin ko yung inaabot ng babae sa lalaki. CONDOM! WTF! Sumagot naman yung lalaki.. "Sorry, pero ayoko." Laking gulat ko na parang pamilyar eto sakin. "J-Jhustine?" sambit ko.
At lumingon sakin si Jhustine . Tama nga ako, siya nga yun! Akma ko na siyang yayakapin nang... "Excuse me? Hindi siya si Jhustine , JM ang pangalan niya!" sagot ng babae. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Totoo ba yun?" tanong ko sa kanya. "Apple let me explain." sambit ni jhustine . Naiiyak na ko. Hinawakan niya ang kamay ko, at agad ko itong binawi. "Hindi lang si nanay ang niloko mo. pati AKO!" naiiyak kong sabi. "Wait! Hey girl! Kung sino ka man, layuan mo itong future husband daks ko! Di mo ako kilala? Ako si Rose. And he is mine!" sigaw ng babaeng kasama niya. Totoo, si Jhustine at si JM ay iisa, at nagsinungaling siya sa akin.
"Di mo ba alam na ako ang nauna sa kanya? At ako ang unang nakakita ng Junkim niya" dagdag pa nito. Lumapit ako sa babae, kasabay ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ako rin. Nahawakan ko pa nga eh, at ikaw na ilusyunada tumigil kana! Nakita mo lang pero ako nahawakan ko na! MAS MASARAP ANG NARARAMDAMAN KESA SA NAKIKITA LANG, TANDAAN MO YAN!" sigaw ko at tumingin kay JM saka ako tumakbo palayo sa mula sa kanila.

BINABASA MO ANG
KANDONG
RomansaIsang babaeng di niya aakalain mahuhulog siya sa isang lalaking isang araw lang niyang nakilala at dahil pa sa kamyakan nang lalaki, nahulog siya