"Ano ba Jhustine , CR to ng babae! Dun ka sa kabila!" sigaw ko sa kanya at tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. "Eh ano naman Asawa ko? Di naman sila yung sasamahan ko eh, ikaw gusto ko." sagot ni Jhustine sabay kindat sa akin. Hindi ko magawang magreklamo kasi kenekeleg ang mama mo!! Pumasok kami sa CR at buti na lang walang tao sa loob.
"Diyan ka na lang sa pinto!" pigil ko sa kanya. "Eh gust-" agad kong pinutol ang sasabihin niya. "Ooops! Wag kana magsalita. Okay?" sambit ko sa kanya. "Okay.. Okay, " at tinaas na niya ang dalawang palad niya. "Suko na ako, panalo kana asawa ko." dagdag pa neto. "Tss!" saka ko siya inirapan at pumasok na ako sa cubicle. Umihi na ako at napaisip ako sa mga nangyare. Wala kayang nakakita sa amin nun? Paano kung.... "Asawa ko! Tagal mo naman diyan!" sigaw ni Jhustine mula sa labas.
Ano ba yan panira ng moment. Nag-iisip ako eh. "Umalis kana! Matatagalan pa ako rito!" sigaw ko. "Ah, ayaw mo lumabas." saad ni Jhustine at narinig ko ang kanyang paglakad palapit sa cubicle. "Lalabas ka jan o papasukin kita." sambit ni Jhustine . Sheeett! Napatayo ako at tinaas ko agad ang suot ko. Naalala ko sira nga pala ang lock ng cubicle ko. Akma na niyang bubuksan ang cubicle at agad ko naman itong hinarang. "Aaahhh!" sigaw ko habang pinipigilan ko ang pinto. "Lakas ng Asawa ko ah. Haha" sambit niya. At lalo ko pang nilakasan ang pagtulak.
Ang init at pawis na pawis na ako kakatulak at kakapigil sa pinto. "Ang lagkit ko na neto!" saad ko. "Okay, fine. Talo na ako. Lalabas na ako!" sigaw ko kay Jhustine. Paglabas ko ng cubicle ay nakita ko siyang nakaabang sa pinto. "Tabi nga diyan!" at binangga ko siya at tuluyan nang lumabas. Di ko inaasahan sa paglabas ko ay makakasalubong ko si NANAY!
"Nayy? A-Anong?" pagtataka ko. "Anak? Ba't nandito ka? Anong ginagawa mo diyan? Bakit pawis na pawis ka? Ano bang-" sabi ni nanay. At biglang sumingit si Jhustine . "Asawa ko! Ikaw ah pinahirapan mo pa kami ni junjun sa CR kanina ahhh? S-Sino." saad neto at gulat rin siya sa nakita niyang kausap ko ngayon.

BINABASA MO ANG
KANDONG
रोमांसIsang babaeng di niya aakalain mahuhulog siya sa isang lalaking isang araw lang niyang nakilala at dahil pa sa kamyakan nang lalaki, nahulog siya