Nagising ako dahil sa kiliting nararamdaman sa aking dibdib. Na tila bang may batang naglalaro neto. "Ano ba, nakikiliti ako." mahinang sambit ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si at ang kanyang mga kamay na malayang nilalaro ang aking dibdib. Nasa sahig parin kami that time habang nakaunan sa braso niya. "asawa ko?" sambit ni JM. Napatingin naman ako sa kanya. "I love you?" sabay halik niya sa pisngi ko. "I love you" sabay halik ulit sa pisngi ko. Tinitigan ko lanh siya kung kaya't inulit ulit niya ang pagsambit ng I love you sakin pati na ang paghalik sa pisngi ko. "Hindi ako magsasawang sabihin yan sayo misis ko." dagdag pa niya.
Maya maya pa ay may biglang kumatok na siyang ikinagulat namin. WALA KAMING SAPLOTTT!!! Kaya naman dali-dali kaming tumayo at pinulot ang nagkalat naming mga damit para suotin ito. "Paabot ako ng bra ko, ayun bilis!" sambit ko sa kanya. Nagmadali kami sa pag-aayos sa sarili namin. "Apple?" sigaw ng isang lalaki sa labas. "Sino yun?" mahinang tanong ni JM. "Di ko rin alam, magtago ka kuna. Bilis! " agad na sagot ko sa kanya. Di siya pwedeng makita nang kung sino baka mamaya ano pa isipin nila.
Nagtago si JM sa kwarto ko, sa ilalim ng kama. "APPLE?" patuloy na sigaw sa labas. "Sandalii! Anjan na!" sagot ko. Dali dali kong inayos ang sarili ko. "Hoo!" *hingang malalim. Binuksan ko ang pinto,
"V-Vlad?" gulat kong tanong. Oo si Vlad, ang matagal ko nang manliligaw. Actually, kababata ko si Vlad. Siya yung naging bestfriend ko. Hanggang sa umamin siya sa akin na nahuhulog na ang loob niya sa akin. Willing naman daw siya maghintay, pero kahit na anong gawin ko hindi ko siya kayang mahalin. Hindi ko masabi sa kanya. Ayoko kasing masaktan siya."Hi Apple! Musta kana? Pasensiya kana ngayon lang ako ulit nakadalaw sayo, eto oh." sabay abot sa akin ng bulaklak. "A-Ah, eto okay lang. Hehe. Napadalaw ka?" naginginig kong tanong. "Ah wala. Kakamustahin ko lang sana kayo ni tita. Nandiyan ba siya?" tanong niya sabay silip sa loob. Agad ko namang hinarang siya, "ah anoo. Kasi.. Uhm, umalis siya. Oo, pero babalik din agad." agad na sagot ko. Kinakabahan ako baka makita niya si MJ.
"Mag-isa ka lang?" tanong ni Vlad. "Ah eh, oo eh. " sagot ko. "Pwede ba akong pumasok?" tanong niya. "Oo naman, tara tuloy." wala na akong nagawa. Baka makahalata siya na may tinatago ako. Pinaupo ko siya sa sala namin. "Wait lang, kuha lang ako ng juice." palusot ko. "Ah sige." agad na sagot niya. Nagmadali akong pumunta sa kusina para magtimpla ng juice. Jusskoo! Sana namn hindi niya makita si JM. Paano ba to? Sinilip ko si Vlad sa sala at nakita ko siyang patingin tingin sa paligid.
Binilisan ko na ang pagtimpla ng juice para makabalik na agad ako. Pero palapit pa lang ako ay sinalubong na niya ako at nakatitig sa akin. "V-Vlad? Ginulat mo naman ako. Ano yun? M-Mah problema ba?" nauutal kong sabi. "Kanino to?" tanong ni Vlad habang hawak hawak niya ang BOXER ni JM!!! Shoocckks JM anong ginawa mo? Sa dinami dami ng iiwan mo bakit boxer mo pa? "Ah, kasi ano. " paliwanag ko at napalunok na lang ako.
BINABASA MO ANG
KANDONG
RomanceIsang babaeng di niya aakalain mahuhulog siya sa isang lalaking isang araw lang niyang nakilala at dahil pa sa kamyakan nang lalaki, nahulog siya