"Aba eh kung ganyan rin lang, eh kailangan makilatis ko muna ito." sambit ni nanay. "Naay? Wala nga pong ka-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumabat na si nanay. "Oh siya, iho sumama ka sa amin sa bahay, dun kana rin mananghalian." yaya ni nanay kay Jhustine. Napangiti na lamang ito at tumingin sakin na tila nang-aasar pa.
Ito naman si nanay, di na ako pinakinggan. Wala naman talagang nangyare sa amin. Mali siya ng iniisip, tss bahala na. Sumama sa amin si Jhustine pauwi sa bahay. "Pasok ka iho. Feel at home ika nga nila. Kung may gusto ka, wag kang mahihiya sabihin mo dito oh" sabay nguso sa akin ni nanay. "Ba't ako? Eh hindi ko naman na pinilit na sumama yan sa atin.." pataray kong sabi sa kanila. "Aplesssss!! hindi kita pinalaking bastos!" bulyaw ni nanay sakin. "Nay! Apple po, hindi Aplesssss.!" agad na sigaw ko. Napakamot na lang ako sa ulo. "Bibihis muna ako Nay." paalam ko sa kanila. At pumasok na nga ako sa kwarto para magbihis. Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyare sa amin ni Jhustine
Samantala naiwan naman sa may sala si Jhustine at nilapitan siya ni nanay upang tanungin. "Ikaw ba seryoso sa anak kong yun?" tanong ni nanay kay Jhustine . "Opo!" agad na sagot ni Jhustine . "Alam niyo po ba, kakaiba po yung anak niyo. Ibang klase. Haha, lakas ng tama namin ni Junjun sa anak niyo." dagdag pa ni Jhustine . Napakunot naman ang noo ni nanay kung sino si Junjum. "Ganun talaga yung anak ko, baliw pero malambot ang puso nun. Sobra kung magmahal. Kaya sana, ayokong nakikita siyang umiiyak." saad ni nanay kay Jhustine.
"Ah, Nay! Magpapaalam po sana ako sa inyo kung pwede ko pong ligawan ang anak niyo." tanong ni Jhustine . "Aba, kung para sa akin eh, ayus lang basta ipangako mo na hinding hindi mo siya sasaktan." sagot naman ni Nanay. "Opo pangako po. Kama lang ang wawasakin ko hindi ang puso ng anak niyo." sabay tawanan nilang dalawa na rinig na rinig ko.
"Aba! Matindi ka pala magmahal. Haha. Oh siya, maiwan muna kita diyan. Magluluto muna ako huh?" paalam ni nanay kay Jhustine at pumunta na ito sa kusina. Habang ako ay saktong palabas na rin ng kwarto para kumain. "Anak kausapin mo muna yang nobyo mo, para naman hindi siya mainip!" sigaw ni nanay mula sa kusina. Wala naman akong nagawa kundi umupo rin sa sala kasama si Jhustine .
Tumingin siya sa akin at nakita ko siyang ngumiti. Inirapan ko lang siya, (taray ng lola mo). "Bakit pa kasi sumama ka pa dito?" tanong ko. "Hindi mo kami pinagbigyan ni Junjun eh. Sige na kasi pumayag kana. Nahawakan mo na eh, tuloy mo na." sabi ni Jhustine sakin sabay hawak sa kamay ko. "Nay oh! Si Jhustine , pinipilit ako!" sigaw ko kay nanay. Nagulat naman ako sa sinabi ni nanay. "Sige na nak! Pagbigyan mo na. Nagpaalam na yan sa akin!" sigaw neto.
"See? Pumayag na siya. Ready na rin si Junjun oh" sabay turo niya sa commander niya na nakita ko nanamang galit na galit.

BINABASA MO ANG
KANDONG
RomanceIsang babaeng di niya aakalain mahuhulog siya sa isang lalaking isang araw lang niyang nakilala at dahil pa sa kamyakan nang lalaki, nahulog siya