-------
"Yes mom, I'm on my way to Tita." sagot ni Althea. Si Althea, pinsan ko at pamangkin siya ni nanay. Laking ibang bansa si Althea. At ninais niya na magbakasyon si Pilipinas at magstay sa amin. Pero hindi niya sinabi kung kailan siya uuwi dito. "So itong yung address ng tita ko?" sambit ni Althea habang nakatingin sa phone niya. Tinawagan niya ang bestfriend niya na si Kate para samahan siya. "Hoooommaayyggoosshhhh! Nakabalik kana Althea? I miss you so much!!" sigaw ni Kate mula sa telepono."Yeah, kakarating ko lang. Pwede samahan mo ako pauwi sa tita ko. Cause' alam mo naman, baka mamaya may magka interest sakin sa daan. right?" paarteng sagot niya kay Kate. "Of course! Wait, I'm on my way." agad na sagot ni Kate. Nagkita naman sila agad sa airport at sumakay na sila sa taxi. "Alam mo, ang dami kong ikukwento sayo. " sabi ni Kate.
"Yeah, but i'm not interested." pataray na sagot neto kay Kate. Napahiya naman si Kate sa narinig niya kaya tumahimik na lang ito."Nagbreak na kami ni Kiel, cause you know. Ang boring niya... It feels like ughhh!" dagdag pa ni Althea. "Break na kayo ni Ezekiel? Bakit? Ang gwapo naman niya ah." tanong ni Kate. "Ayoko sa mga boring. Gusto ko yung medyo bad boy. Tsaka alam mo kasi si Kiel, di niya pa ako pagbigyan, like ako na yung babae na nagyaya sa kaniya ayaw pa niya, bata pa daw kami!!! Arrrgghhh! See? Ang boring!" sagot ni Althea. Yes, si Althea ay may pagkataray, maarte at higit sa lahat madumi maglaro. Yes, halos lahat ng gwapo na makikita niya ay pinapatulan niya. Syempre, maganda at sexy rin si Althea kaya naman walang humihindi sa kanya. Kung susumain, marami nang experience si Althea kumpara sakin.
"Saan ka ba uuwi?" tanong ni Kate. "On my tita Stella. I have no choice. My mom told me na dun daw muna ako magstay." inis na sabi ni Althea. "Buti sana kung may mga gwapo sa lugar nila, arrrgghh!" dagdag pa niya. Nakasakay sila sa taxi papunta sa bahay namin. At wala kaming kaalam alam na sa gabing iyon uuwi si Althea sa bahay.
BINABASA MO ANG
KANDONG
RomanceIsang babaeng di niya aakalain mahuhulog siya sa isang lalaking isang araw lang niyang nakilala at dahil pa sa kamyakan nang lalaki, nahulog siya