Tristan's POV
Hindi parin ako makapaniwala. Nandito talaga siya. Gustohin ko mang kiligin ay late na talaga ako. Shit!
Lakad takbo na ako habang hinahanap ang room ko. Nang mahanap ko ito agad akong pumasok. Napatigil ako kasi lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin. What the... I awkwardly smile at them and turn to our teacher.
"Sorry I'm late, ma'am." napapayukong sabi ko nahihiya nang sobra.
"It's okay Mr?" nakangiting sabi ng teacher namin na ikina hinga ko nang maluwag.
"Tristan po. Tristan Jacob Dela Cruz. Tristan nalang maam." magiliw na sagot ko medyo hindi na nahihiya.
Magiliw din siyang ngumiti sa akin si maam pero biglang nag-iba ang expression ng mukha niya at malakas na hinampas ang mesa. Dahil sa gulat ay bigla akong napaigtad. "As I was saying NO LATE! Got it Mr. Dela Cruz?" luh bipolar si maam! Galit taposs biglang ngiti ano 'yon?
"Yes po maam." sagot ko na napapakamot sa batok. Nakakahiya kaya, tss!
"Introduce yourself." si ma'am na balik to bruhang face nanaman.
"Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala si Tristan Jacob Dela Cruz, 19. Sana maging magkakaibigan tayo." magiliw na bati ko sa lahat. Pagkatapos kong magpakilala marami pang sinabi si ma'am na pinapapasok ko lang sa kabilang tenga at pinalabas sa kabila. Tss, kainis naman 'tong bipolar kong teacher.
"You may take your sit. Doon ka sa tabi ni Ms. Valdez sa likod." istriktang sabi pa ni ma'am. Tss, konti nalang iirapan kona talaga 'tong si maam. Nakasimangot na tumungo na ako sa likod but to my surprise. Luh si Scarlet! I-Ibig sabihin magkaklase kami?
Halos manginig na ako sa kaba yung babaeng nakita kong pumatay no'ng nakaraang gabi lang kaklase ko pala? Ingat Tristan, baka bigla ka nalang nyang tambangan sa may gate!
Nang malapag kona ang bag ko at maka upo, agad nyang inilahad ang kamay sa harap ko. Nagulat ako kaya agad akong tumingin sa kanya. Shucks! Nakangiti siya! Ang ganda niya talaga.
"Oh hello again Tristan." Eh bat nakalahad pa ang kamay niya? Kilala niya na ako diba? "Scarlet Rose Valdez, Tristan Jacob Dela Cruz, right?" nakangiting sabi niya. Tinanggap kona ang nakalahad nyang kamay at awkward na ngumiti.
"Yeah!" sabi ko nalang. Nagulat pa ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Pucha biglang nagwala ang heart ko!
"Can I call it destiny?" mahinang tanong niya sa bandang tenga ko at kinilabutan talaga ako, My God! Ano ba dapat isagot ko?
"I-I think it's not." ilang na sagot ko bago kinalas ang magkahawak naming kamay at agad na umupo sa upuan ko.
We're playing this kinda hide and seek game. And I'm liking it. Could this be possible? I think she already knows. I think I underestimated them then.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
ActionA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...