My Girlfriend is a Mafia?
written by: Black_Stain_19Epilogue
Happy ever after?Five years later~
Scarlet's POV
Padabog akong naglakad papasok sa bago naming HQ. As always hindi nanaman maipinta ang mukha ko.
Tss, kung ayaw niya nang umuwi, edi 'wag na! May papangako-pangako pa siyang after five years babalik eh halos mag-aanim na taon na wala pa rin akong balita sa kupal. Kung may mahal na siyang iba edi dapat sinabi niya! Hindi yung para akong tanga kahihintay sa pagbalik niya! Bwisit talaga kahit kailan!
"Grrrr! Kupal ka talaga! Kupal!" nanggagalaiti kong sigaw nang makapasok sa office ko.
"Luh siya! High blood ka nanaman? Relax." natatawang sabi ni Sav. "Sabi sayo walang forever eh..."
"Nako nako Savana tigil-tigilan mo ako ngayon mainit ang ulo ko baka hindi kita matansya at mabaril kita!" inis na sabi ko pa saka naupo sa swivel chair ko.
"Sus, hindi lang naka-uwi last 6 months ganyan ka na? Malay mo naman namatay..."
"Lumayas ka! Layas!!" mabilis siyang napatalima sa pinto nang dakutin ko ang name plate ko at akma iyong ibabato sa kaniya.
Malakas siyang napatili habang tumatalima. "Walang forever!!" rinig ko pang sigaw niya.
Tss, kasalanan talaga ito ng lalaking iyon eh! Kasalanan niya 'to! Napasalampak na lang ako sa lamesa ko at doon naiyak. Naiinis ako na naaasar, ewan ko ba.
Marami na ang nagbago, at nabago sa mga nagdaang taon. Nagsanib-pwersa na ang Alfa at Beta na siyang pinaka makapangyarihan ngayon sa buong Asiya, ang Xmafia. Na kinabibilangan ko at pinamumunuan ni Mommy at tita Sharlene, ang ngayo'y head master namin. One year after umalis ni Tristan, sinabi sa akin ni Mommy ang totoo. Daddy was dead and at some point I'm sad. Tatay ko pa rin iyon kahit anong gawin ko. Kahit pa nga sa kabila nang mga ginawa niya sa amin lalo na kay Mommy. Alam ko namang kahit papaano ay naging Mabuti siyang ama sa akin. Nalaman ko rin ang naging relasyon nila ni Ivy. As for her, sadly she died along with Dad. And as for Cassandra she was sent to jail, the last news I heard from her, she just disappeared. Ang sabi ni Tristan marami na siyang alam sa pamahalaan para hayaan siya sa labas.
The past few years I was busy with our business. Daddy left it hanging so I have to take charge. Isa 'yon sa dahilan para ma-divert ang isip ko sa trabaho at hindi sa pagka-miss sa kumag na lalaking iyon. Miss na miss ko siya to the point na ginusto ko siyang sundan doon. But he refuses, masiyado raw delikado. Sus, delikado o may babae na siyang kinakalantari doon? Hayyst humanda siya!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
AkcjaA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...