Finals

181 11 0
                                    

Tristan's POV

Walang mapaglagyan ang ngiti ko habang hinahabol si Scarlet papasok sa locker room. She really kissed me this time, it's not an accident. She kissed me.

"Hey Scarlet wait up!" sigaw ko nang sa wakas ay maka pasok na kami sa locker room. Mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa mahagip ko ang braso at pinahinto ko siya sa pagtakbo. Naka yuko siya, tinatago ang mukha sa akin kaya marahan kong hinawakan ang kanyang baba at bahagyang hinila pataas para magtugma ang mga paningin namin.

Her face is red. She looks really beautiful. "Hey, look at me." sabi ko nang hindi niya ako tingnan sa mga mata.

"Ahm, l-late na tayo, we s-should get going na. Magbibihis pa ako ng PE uniform ko." pilit niyang inaagaw ang braso sa akin at nang mapagtagumpayan ay mabilis na sana siyang aalis pero agad kong ihinarang ang dalawa kong braso sa magkabilaang gilid niya. I corner her.

Humakbang pa ako nang isa para mas lumapit ako sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang humarap sa akin, nakapikit at yakap ang sarili. She looks really cute.

Inilapit ko ang mukha sa kaniya. At nang muli niyang imulat ang mga mata diretsyo na siyang nakatingin sa akin. Mas inilapit ko ang mukha sa kaniya na gahibla nalang ang layo at muli an uling magdadaop ang mga labi namin.

Napangiti ako sa itsura niya. Nanlalaki ang mga mata, namumula ang mukha, kikibot-kibot ang mga labi. And yet she still manage to look really pretty in her state.

Unti-unti ko pang nilapit ang mukha ko na dahilan nang muli niyang pagpikit. Pero tinumbok ko ang pandinig niya imbis na ang mga labi niya. Then I whispered.

"You can't just kiss me and runaway, My queen." bulong ko bago ako humakbang palayo sa kaniya. Nakapikit pa rin siya. Hinawakan ko nalang ang kamay niya't pinagsaliklop. "Tara na sa locker mo." ayon lang at hinila kona siya palakad.

"Mr. Dela Cruz your late again." sabi ng techer namin nang makarating kami sa cort kung saan ang PE class namin.

"Sorry po ma'am, medyo naligaw lang sa locker room." kamot ang ulong sabi ko. Napatingin naman si ma'am sa kamay naming magkahawak ni Scarlet saka siya bahagyang napairap.

"Nang kasama mo si Ms. Valdez? Nako Tristan lumang palusot na 'yan. Hala sige punta na kayo sa mga grupo niyo at magsisimula na tayo." naiiling na sabi ni ma'am Tina. Dalaga pa si ma'am at siguro'y nasa ikatlo o ikaapat palang niyang taon sa pagtuturo kaya medyo ka-vibes namin siya.

"Yes ma'am." ayon lang at hinatid kona si Scarlet sa grupo niya. Kainis nga eh, magka-iba kami ng grupo hindi ko tuloy mahahawakan ang mga kamay niya.

*****

"UYY kayong dalawa nakaka umay na ah. Kanina pa kayo niyang PDA na 'yan. Sagutin nyo nga kami, kayo naba?" napangiti lang ako sa tanong ni Savana.

"Kaya nga, mag hiwalay naman kayo!" mas napangisi ako kay Vanessa na nakanguso pa.

"Don't worry babe, I'll hold your hand para hindi ka mainggit diyan kay Boss." singit naman nitong si Lee. Napaharap ako sa kaniya, kinukulit niya pa rin si Vanessa. Tinamaan talaga itong adik nato kay Van. Tsk tsk si Drei nalang ang wala.

"So ano na nga Boss, kayo na ba ni ms. Scar? Kayo naba?" tanong nitong si Ace na itinataas-taas pa ang mga kilay sa aming dalawa. Napangisi ako at hinarap si Scarlet na pulang-pula na, nakatingin lang sa lupa. Natutuwa ako sa tuwing babalakin niyang hugutin ang kamay sa pagkakahawak ko. Kanina ko pa kasi hinahawakan ang kamay niya, wala lang trip ko lang hawakan.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon