Conflict

199 10 0
                                    

Tristan's POV

Sometimes all you could do is smile. Move on with your day. Hold back the tears and pretend you're okay. That's exactly what I did after Scarlet left. Umuwi ako. I can't stay there for long, yung bigat kasi sa dibdib hindi ko kinakaya. Kailangan kong may pagsabihan kung hindi ay mababaliw talaga ako.

Totoo pala 'yon ano? You don't know the pain. Until you're staring in the mirror with tears in your eyes begging your self to just hold on and be strong. Dati-rati natatawa ako kay Lee sa tuwing ganito siya. Tuwing nabibigo kasi siya sa pag-ibig parang ikamamatay niya. We always laugh at his silliness. Well hindi na ngayon, now is different. Ako na kasi mismo ang nakakaramdam. Hindi pala talaga madali.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam. 'Yong parang may naka dagan sa dibdib mo kahit wala naman. Yung parang may batong naka kalang sa lalamunan mo. Yung parang sirang gripo na yung mga mata mo. Hindi mo namamalayang umiiyak ka nanaman pala. Hindi mo mapigilan, kusa nalang na tumutulo ang mga luha sa mga mata mo. Yung parang minu-minuto kang namamatay sa sakit. Sana pala nagpasaksak nalang ako, mas kaya ko yung sakit no'n eh.

Kinausap ko si Mommy no'ng araw na iyon. Muli akong umiyak sa kandungan niya. Muli akong naging mahina sa harap niya. Kung no'ng namatay si Daddy ay na kaya kong maging malakas sa harap nila, ngayon ay hindi na. Kung paanong nakayanan kong pigilan ang mga luha ko noon gano'n kahirap para sa aking hindi maiyak ngayon. Ang sakit sobra. Parang muling nanariwa ang sugat na iniwan sa akin ni Dad nang mamatay siya.

One week past, so fast. Pumapasok ako pero wala sa pa-aralan ang utak ko. Palaging siya kasi ang laman ng utak ko eh. Sa isang linggong hindi niya pagpasok ay sobrang nag-aalala ako sa lagay niya.

Monday ngayon at wala pa rin siya. Naka tingin lang ako sa pisara. Hapun na at si sir Katigbak ang last subject namin. Nawawalan na ako nang pag-asang papasok siya but then bigla nalang bumukas ang pinto. Lahat kami napa tingin doon maging si sir Katigbak ay napa tingin din. Mula sa labas ay pumasok si Scarlet, no expression on her face. Walang kasing lamig siyang naglakad pa-upo sa silya niya.

Gulat lang akong naka tingin sa kaniya hanggang sa salubungin din niya ang tingin ko habang mapang-uyam na naka ngisi. Bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan ko. Her smirk itself send shivers down my spine.

Ako nalang ang unang sumuko at nag-iba nang tingin. Mahigit isang linggo na rin pala kaming hindi nakakapunta sa HQ dahil hindi na kami pwede foon. Kung dati ay magkakasabay kaming kumakain nila Savana ngayon ay pawang masasamang tingin nalang ang bigay nila. Galit sila sa amin, sa akin, alam ko naman iyon ramdam ko. At tanggap ko ang galit nila. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang galit nila. Pinili ko kasing maging ganito eh.

"Tomorrow ready your books we'll be needing it. Okay class dismiss." ayon lang at naglakad na palabas si sir. Himala yata't hindi nagalit si sir Katigbak. Tapos na ba ang paninermon niya? Well I hope so.

Ang iba sa mga kaklase ko ay nagsitayuan na at mabilis na lumabas ng room. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka ako lumingon sa parti ni Scarlet. Silya. Walang lamang silya lang ang naabutan ko. Lumabas na siya? Kailan? Bakit parang hindi ko naman siya namalayang umalis?

Pinabayaan ko nalang iyon at agad na isinukbit ang bag sa balikat ko. 'Yong dalawa naman ay hinihintay ako sa may pinto nitong classroom.

Nang maka labas na ay sabay sabay kahiming naglakad sa locker room. Iiwan ko ang mga notebook at librong hindi ko kailangan. Normally kapag ganitong uwian maingay kaming naglalakad, puro kulitan tapos asaran. Pero ngayon? Ito, tahimik at malungkot.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon