Attack

329 17 0
                                    

Tristan's POV

Pauwi na ako sa bahay katatapos lang nang meeting namin sa HQ. May mga bagong pinagawa sina Scarlet na kayang-kaya naman naming gawin pero kailangan pa naming alamin ang mga background nila.

May isa rin akong narealize ngayon. Scarlet is not as bad as I thought she is. Mafia is not the real enemy. Oo, some of them are, but not all. Kagaya nila Scarlet.

Pumapatay sila, sure. Pinapatay nila yung mga taong inaagrab'yado ang mga hindi kayang ipagtanggol at protektahan ang mga sarili at pamilya nila. Mga malalaking tao na akala mo ay isang anghel, dimonyo pala. Mga halimaw sa gawa. Mga uhaw sa yaman at pera.

Lahat nnag mga nalalaman ko'y kailangan kong i-report sa mga nakatataas sa akin, sa pamahalaan. Pero sino sa kanila ang pagkakatiwalaan ko? Ngayon pa't bukas na ang mga mata ko sa kalakaran dito. Kailangan kong alamin ang mga dapat pagkatiwalaan at ang mga hindi.

Naihinto kona ang kotse ko sa harap ng bahay. Agad na akong pumasok at nakita kong nanunood ng tv si baby Sam. Napaka seryoso niya habang nanonood. Ano nanaman kaya ang pinapanood nito?

Kunot noo akong naglakad sa kina u-upuan niya at tiningnan ang pinapanood. Invisible killers? 'Yong totoo ilang taon na ang kapatid ko? Naiintindihan niya na ba 'yan?

"Baby Sam, ano ba 'yang pinapanood mo? Naiintindihan mo ba 'yan, ha?" tanong ko saka ako humalik sa pisngi niya. Tumango-tango lang ang kapatid kong seryoso sa pinapanood. Invisible killers tackles about how Evola Virus spread, where it begins and how to cure it. Kaya nakakapag takang ang 8 years old na bata ay naiintindihan ang mga sinasabi nitong mga scientists. Wow ang talino ng kapatid ko grabe.

Pinabayaan ko na lang siya at pumunta ng kwarto para magbihis. Paglabas ko kapapasok palang din ni Mommy ng bahay. So sino sumundo dito sa kapatid ko kung kararating lang ni Mommy?

"Mommy sinong sumundo dito kay Sammy?" kunot nuong tanong ko kay mommy.

"Ako." sagot niya.

"Ah, akala ko mag-isang umuwi 'tong si Sammy." sagot ko pa.

"Hindi ah. Lumabas lang ako sandali para bumili nang pang-ulam natin." sagot ni mommy sa akin. Lumapit na rin ako sa kaniya at kinuha 'yung mga dala niyang plastic at humalik sa pisngi niya.

"Anong ulam ang binili mo Ma?" tanong ko habang tinitignan ang laman ng plastic.

"Mag sinigang na lang muna tayo Tan-tan para naman may sabaw tayo." sagot ni mommy.

"Wow, sige Ma tulungan nalang kita magluto." malaki ang ngiting sabi ko pa.

"Wow, ang sipag naman ng anak ko. Sige dalhin muna 'yan sa kusina't magbibihis lang ako." sagot ni mommy na dumiritsyo na sa kwarto niya.

Ako naman ay pumasok na sa kusina at nagsimulang ilabas ang mga pinamili ni mommy. Pagkatapos ay Hinugasan kona yung karne at gabi. Inilagay ko sa isang lagayan yung karne at nagsimula nang balatan yung gabi. Naghanda na rin ako ng sibuyas at siling haba. Nang dumating si Mommy siya na ang naglinis no'ng lulutuan at siya na rin yung nagluto. Ako naman yung tiga abot nang mga kailangan niya. Nang matapos ay sabay sabay na kaming kumain.

Naghuhugas ako ng plato nang biglang mag-ring ang phone ko. Nagpunas muna ako sandali at sinagot yung tawag.

Ano kayang kailangan ni Scarlet gabi na ah? "Hel..."

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon