Scarlet's POV
Hindi ko maiwasang mapa'irap dahil sa ingay nang mga tao dito sa kwarto ko. Sino ba kasi ang nakaisip na mag tipon tipon ang mga tao dito?
Si Tristan, naka upo sa silyang nasa tabi ng kama ko at naglalaro ng mobile legends. Take note, hindi siya kagaya ng ibang manlalaro. Kasi napaka ingay niya! Bwisit!
Si Savana at Maxine ay nag-aagawan sa pagkain. Yung totoo patay gutom sila?
Si Vanessa at Anitha ay nagkakagulo sa hindi ko malamang dahilan. Panay ang bungis-ngis at tili nila na ani mo ay sinisilaban ang pwetan.
Si Lee naman ay kinukulit si Andrei na nagba-basa lang. Nagkakapikonan na sila kaya sobrang ingay na rin nila. Hay!!
I was trying to read pero hindi ako makapag concentrate dahil sa ingay nila.
"Oh ayan na! Ayan na!! Bilis ang bagal!! Shit!! Ayy dali na!!" muntik pang matumba ang inuupuan ni Tristan dahil sa gulo niyang maglaro. Bwisit!!
"Akin yan Max eh!! Ang takaw takaw mo! Ikaw na nga umubos niyan eh!!" napipikon na sigaw ni Sav kay Max.
Ngingisi-ngisi namang nag-peace sign si Max kay Sav na halatang hindi nagustuhan ang ginawa nitong isa. "Sorry ka, ang bagal mo kasi" ngiting ngiting sabi nito.
"Papa Drei uyy. Uyy! Pansinin mo naman ako!! Uyy!!" patuloy sa pangungulit ni Lee kay Drei na nagsisimula nang mapikon.
"Ano ba kasing kailangan mo!?" sigaw ni Andrie na halatang inis na.
"Pansinin mo 'ko." nakangusong ani Lee.
"Tss! Iniistorbo mo ako para lang magpapapansin? Hay!! Ewan sayo!" sabi ni Drei na tumalikod sa gawi ni Lee.
Pero itong si Lee gusto talagang mang asar. Kinalabit niya muli si Drei. "Uyy..."
"Hayy! Ayaw ko na nga! Boss, si Lee pakipalabas nga!!" inis na talagang sigaw ni Andrei.
"Patayin mo!! Ayan na!! Ayon!!! Wahahahaha.." wala pa ring tigil sa pagsigaw si Tristan kaya napairap nalang si Drei.
Ang gulo gulo na nila! Nakakainis na! Nakaka bwisit! Naihagis ko ang hawak na libro at sisigaw na sana sila pero may biglang sumabog. Nayanig ang buong building at nagkahulog-hulog ang mga gamit. Kusang tumahimik ang kwarto ko. Salamat sa Diyos!
"What the heck!?" gulat na tanong ni Tristan sabay sabay pa silang napatayong tatlo. Palibhasay may mga baling buto at sugat sa ulo hindi namin nagawang makatayo.
"Anong nangyari?" tanong ko nakakunot pa ang noo.
"Mukhang galing sa baba Boss, tara tingnan natin." sabi naman ni Lee na halatang seryoso na rin.
"Stay here girls, we're going to check what happened." ani Tristan na agad naglakad papunta sa pinto. Sumunod sina Drei at Lee sa kaniya at nang hahawakan na sana niya ang doorknob ay may bigla ulit na malakas na pagsabog sa kabilang building lang ng hospital. "Shit!" napasigaw si Tristan at sabay sabay silang napa-upo muli nang yumanig ang buong building.
"What the hell?" wala akong masabing iba kundi ang mapa mura. Fuck, ano ba ang nangyayari? "What is happing?" tanong ko.
"Just stay here and we'll find out." sabi ni Tristan na mabilis na lumabas ng kwartong tinutuluyan ko.
Natahimik kaming lahat, ilang sigundo bago ako nakapag salita muli. "Sav, any message about this?" seryosong tanong ko kay Savana.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
AkcjaA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...