Someone's POV
"'Wag Sharlene! Maawa ka! May anak ako. Nanay ka rin, maawa ka!" pagmamakaawa ng babae. Ngunit parang walang narinig si Sharlene. Puno nang poot at sakit ang kaniyang puso.
"No'ng pinatay mo ba ang asawa ko naisip mo rin bang may dalawang anak siya? Na, kailangan namin siya? Ha? Naisip mo ba?" nangingilid sa luhang sigaw niya habang nakatutuk ang baril sa babae. Naisip niya ang mga anak niya. Lalaki ang mga itong walang kikilalaning ama.
Dahil sa isiping iyon ay agad na nagdilim ang paningin niya at agad na binaril sa ulo ang babae "Please! ahh..." huling pagmamakaawa nito bago siya tuluyang bawian nang buhay.
"Tara na!" sigaw niya sa mga kasama. Aalis na sana sila nang makarinig siya nang mga mumunting hikbi galing sa loob ng isang kabinet. Lalapit na sana siya ngunit naisip niyang walang kinalaman ang inosenting bata sa loob nito. Kaya binalewala niya nalang ito't umalis sa isiping...
"Makakaharap kita sa tamang oras. Doon ipaliliwanag ko sayo ang lahat."
****
"Mommy! Mommy, mommy, mommy! Gising kana Mommy! Wake up please, Mommy! Don't leave me Mommy, please wake up!" sigaw ng batang Scarlet sa nanay habang walang buhay itong nakahandusay sa harap niya.
Galit siya. Galit na galit. Bakit kailangan patayin ang mommy niya? Nagmakaawa ito, pero hindi pinakinggan. Sa murang idad ay pilit niyang iniintindi ang sitwasyon.
Mahigpit niyang niyakap ang malamig na bangkay ng ina. "Mommy! I love you. I promise, hahanapin ko siya at ipaghihiganti kita, Mommy. Mananagot ang dapat managot." humihikbing usal ng noo'y sampong taong gulang na si Scarlet.
Simula nang gabing iyon hanggang sa kasalukuyan. Walang ibang inisip si Scarlet kundi ang kung paano makakapag higanti sa gumawa no'n sa ina niya. Ang batang isip niya ay nabahiran agad nang sakit, puot at pagdurusa... kailangan niyang maipaghiganti ang ina.
"Mag hihiganti ako! Mag hihiganti ako! Ipaghihiganti kita Mommy! Pangako 'yan Mommy, pangako."
Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya, ang maipaghiganti ang Ina. Kaya sa sobrang kagustuhan ni Scarlet na makapag higanti, isa na siya ngayong ganap na Mafia.
"Ngayong may kapangyarihan na ako, sisiguraduhin kong gagalugadin ko ang mundo mapatay lang ang salarin sa likod nang pagkamatay ng Mommy ko."
Nagyeyelong_tinta ✍︎
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
AkcjaA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...