Truth

220 9 0
                                    

Tristan's POV

"It's true." naka yukong sabi ko pagkatapos ay humarap ako sa kaniya. Mapakla siyang napa tawa sa narinig. Unti-unting nawalan nang buhay ang mga mata niya. Maya maya pa ay muli kong nakita ang dating Scarlet. Ang walang awang mga mata niya, ang walang patawad na Scarlet.

Agad akong humakbang palapit sa kaniya pero humakbang lang ulit siya palayo sa akin. Nararamdaman ko ang unti-unting pagkabasag at pagkadurog ng puso ko.

"P-Please, hayaan mo akong mag paliwanag." sinubok ko uling hawakan ang mga kamay niya pero kagaya kanina ay iniwas lang din niya ito. Mula sa pagkakatingin sa sahig ay unti-unting tumaas ang tingin niya sa akin. Biglang pumintig sa sakit ang puso ko nang makita kung paanong mabilis siyang pangiliran ng luha.

Sunod-sunod siyang napa iling. Sinubukan ko uling hawakan ang mga kamay niya pero muli lang niya itong iniiwas. "No, stop! D-Don't touch me!" sabi niya na muling napa tingin sa kung saan. Muli siyang umiling at biglang napa tawa nang mapakla saka siya humarap sa akin. Mabilis na namalisbis ang mga luha sa mga mata niya the moment na nagtama ang mga mata namin.

"A-Alam mo. Alam mo kung gaano ako kagalit sa taong pumatay sa Mommy ko." sabi niya, na dahilan nang muling pagpintig nang sakit sa puso ko. Parang may kung anong bagay ang paulit-ulit na pumipilas sa puso ko.

"A-Alam mo k-kung paano ako nawasak di-diba? Alam mo ang sakit na pinagdaanan ko! P-Pero... hi-hindi ko m-maintindihan. Bakit?" sabi niya habang namamaliasbis ang mga luha sa mata. Halos masapo ko na ang puso ko sa sobrang sakit. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya nang sobra. Sobra rin akong nasasaktan na makita siyang ganyan.

Mas lalong hindi ko alang ang sasabihin sa kaniya. Patuloy lang sa pagsakit ang puso ko sa nakikita. "S-Scarlet trust me..."

"Paano?" sinansala niya ako, saka tumingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang sakit doon. "Sabihin mo sa akin, paano kita pagkakatiwalaan, nagsinungaling kana." malumanay na sabi niya, nanunumbat. Hindi ako maka sagot at pinangiliran nalang ng luha. Muli siyang napa tingin sa ibaba bago muling tumingin sa akin, ni hindi ko masalubong ang mga mata niya.

"C-Can you do me a favor?" napa tingin ako sa mga mata niya. Natatakot sa mga pwede niyang sabihin o hilingin. "Pwede, layuan mo muna ako?" wala akong maisagot, sabay sabay na tumulo ang aking mga luha. "Malayong-malayo. Hindi ko muna gustong makita ka." fuck, it hurts.

"S-Scarlet please, 'wag hiwalay. Reyna ko, please 'wag mo akong iwan." sunod sunod na nahuhulog ang mga luha ko. Natatakot kaya nagmamakaawa sa harap niya.

Unti unti akong napa luhod nang manatili siyang matigas. "P-Please, 'wag naman hiwalay!" pilit kong hinawakan ang mga kamay niya kahit pa paulit-ulit niya itong tinatanggal. "Please, don't do this to me!" nagmamakaawa na ako. Hindi ko kaya! Tama na yung minsan akong mawalan, ayaw ko na ulit maranas 'yon.

"I'm sorry Tristan b-but, I can't do this anymore. Let's break up." walang buhay na sabi niya, saka niya ako tinalikuran at mabilis na tumakbo paalis.

"N-n-no! No!!" nanghihina akong napa yuko. Hindi matanggap ang pasya niya. Gusto kong magpaliwanag, hindi ko gustong mag sinungaling. Wala sa intensyon ko iyon.

"Tristan." agad na lumapit sa akin ang dalawa.

"Pasensya na, Tristan." narinig kong sabi ni Lee pero hindi ko lang siya pinansin.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon