Scarlet's POV
Nasa kalagitnaan ako nang pagmamaneho nang mapansin ko ang isang itim na van na sumusunod sa akin. Pucha kailangan ko na maka-uwi, bakit ngayon pa?
Lumiko muna ako sa isang iskinita para kumpermahin ang hinala ko. Dalawang ulit akong nagpabalik-balik sa iskinitang iyon at ngayon sigurado na akong sinusundan na nga niya ako. No doubt.
Muli kong minaniobra sa highway ang mutor ko. Nakangisi kong pinaharurut ang mutor ko. Habol mga hangal.
Tinahak ko ang daan na sigurado akong walang masyadong sasakyan at walang sibilyan ang madadamay kung magkakaputukan man.
Nakarating ako sa magubat na bahagi nitong highway. Pinahinaan ko ang takbo para naman makahabol sila.
Agad akong napangisi nang makitang lumusot sa magkabilaang bintana ng van ang dalawang lalaking naka itim. Kapwa sila may hawak na ak47 riffle.
Agad kong kinuha sa jacket na suot ang j358pistol ko na pinasadya ko na kulay ginto.
At gaya nga nang inaasahan hindi na ako naghintay nang matagal bago nila ako sabay na paulanan ng bala. Gamit ang kaliwang kamay ay maalam kong minaniobra ang mutor ko, iniiwasan ang mga bala.
Gamit naman ang kanang kamay ko ay itinutok ko ang baril ko sa isa sa mga lalaking bumabaril sa akin. Isang putok at tinamaan agad ang lalaki at nahulog sa kalsada.
Nagpatuloy sa pagpapaulan ng bala sa akin ang mga nasa van. May agad na kapalit yung lalaking tinamaan ko at nahulog. Agad kong inasinta yung isa pa at *bang* sapul sa ulo, ulit.
Nakita kong may papalit na agad doon sa binaril ko, so pinuntirya ko ang gitnang bahagi ng salamin kung saan sigurado akong matatamaan ko ang dalawa pang lalaki sa loob, maliban sa isa pang bumabaril at driver. Dalawang bala katumbas nang dalawang patay sa loob ng van.
Ngayon ang driver at yung isang bumabaril ang natira. Nakita kong may tinawagan ang driver. Agad ko namang pinuntirya yung isang tudo sa pagpapaputok. At sapul ulit.
Handa na akong asintahin ang driver nang marinig ang umaarangkadang tunog ng mutor sa likudan naming pareho. Tumingin muna ako sa daan para kabisaduhin ang daraanan.
Mabuti at diretsyo lang itong kalsada, madali ko lang na mamaniobrahin ang mutor ko kahit hindi na tumingi pa sa harapan. Kahit isang kamay lang ang gamit ko.
Muli kong nilingon ang van at agad kong nakita ang dalawa... tatlo... apat na mutor sa likod no'n. Kapwa dala-dalawa ang sakay.
Mabilis kong inasinta ang harapan ng van at sunod-sunod na pina ulanan ng bala dahilan para tumilapon ang van sa isang naka mutor, naka ilag yung iba.
Nilingon ko sandali ang harap na daan bago muling humarap sa tatlong mutor na sumusunod sa akin. Nakita kong umarangkada na ang dalawa sa mga mutor. Pinagitnaan nila ako. Akala ko nga sasabay lang sila sa akin pero no'ng tinutukan na ako ng baril nang isa sa dalawang sakay ng mutor.
Mabilis kong pinihit sa kaliwa ang manubela ko dahilan para bumunggo ito doon sa isang naka mutor. Gumewang sila at agad na sumemplang.
Yung isa naman ay agad kong pinaputukan, patay yung driver kasama no'ng angkas niya.
Isa nalang...
Pina arangkada ko ang mutor ko. Gusto kong maka layo sa kaniya. Hindi naman ako nabigo at na unahan ko yung pang-apat na mutor.
Nang na sa malayo na ako ay bigla akong lumiko at paharap na sinalubong ang mutor. Pina arangkada ko pa yung mutor ko at saka itinutok sa driver ang baril ko then... *bang* tumambleng yung mutor. Patay yung driver. Tatayo pa sana ang angkas pero naka tayo nga siya agad din namang bumulagta nang bundulin ko siya gamit and mutor ko.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
AcciónA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...